Simbiyosis: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
walang buod ng pagbabago
m (added Category:Simbiyosis using HotCat)
mNo edit summary
Ang '''simbiyosis''' (Aleman, Pranses: ''Symbiose'', Kastila: ''simbiosis'', Italyano: ''simbiosi'', Ingles: ''symbiosis'' kung isahan, na nagiging ''symbioses'' kapag maramihan) ay may kahulugang "pamumuhay na magkasama". Inilalarawan nito ang ugnayan malapit at relasyong pangmatagal sa pagitan ng magkakaibang mga [[espesye]]. Ang kataga ay nilikha ni [[Anton de Bary]] noong 1879,<ref>de Bary, Anton 1879. Die Erscheinung der Symbiosis. Sa ''Verlag auf der Versammlung der Naturforscher und Artze zu Cassel''. Strassburg.</ref> pagkaraang matuklasan ang kalikasan ng ''[[lichen]]''.<ref>Schwendener, Simon 1868. Unter suchungen über den Flechtenthallus. ''Beiträge zur wissenschaftlichten Botanik'' '''6''', 195–207.</ref><ref>Crombie J.M. 1886. ''On the algae-lichen hypothesis.'' J Linn. Soc. 21, 259–282.</ref>
 
Ang isang '''simbiyonte''' (Ingles: ''symbiont'') ay isang organismong namumuhay sa loob ng isang ugnayan o may relasyon sa ibang espesye kung saan ang isa o ang dalawa ay magkaparehong nakikinabang.<ref name="King">King R.C. Stansfield W.D. & Mulligan P.K. 2006. ''A dictionary of genetics'', ika-7 edisyon. Oxford. </ref> Kapag ang isang espesye ay namumuhay sa loob ng ibang espesye, o ang isang [[mikroskopiko]]ng simbiyonte ay namumuhay sa loob ng mga [[selula]] ng isang tagapagpasinaya o ''host'', tinatawag itong [[endosimbiyonte]] o ''endosymbiont'' sa Ingles.