Ebolusyon ng tao: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m Ibinalik ang mga pagbabago ni 49.146.80.30 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Jojit fb
Linya 9:
==Kasaysayan ng pag-aaral==
[[File:Fossil hominids.jpg|thumb|220px|[[Fossil]] [[Hominid]] Evolution Display sa [[The Museum of Osteology]], Oklahoma City, Oklahoma, USA]]
Bago ng kapanahunan ni Darwin, si [[Carl Linnaeus]] at iba pang mga siyentipiko ay tumuring sa mga dakilang bakulaw o apes na mga pinakamalapit na kamag-anak ng mga tao dahil sa mga pagkakatulad sa morpolohiya at anatomiya. Ang salitang homo na pangalan ng genus sa biolohiya na kinabibilangan ng mga tao ay salitang Latin para sa tao. Ito ay orihinal na pinili ni Linnaeus sa kaniyang sistema ng klasipikasyon. Ang salitang "human" ay mula sa [[wikang Latin|Latin]] na ''humanus'' na anyong pang-panguri ng ''homo''. Ang salitang ''homo'' naman ay hinango sa ugat na Indo-Europeo na *dhghem, o lupa. Ang posibilidad ng pag-uugnay ng mga tao sa mga mas naunang bakulaw o apes sa pamamagitan ng pinagmulan ay naging maliwanag lamang pagkatapos ng publikasyon noong 1859 ni [[Charles Darwin]] ng ''On the Origin of Species'' (Sa Pinagmulan ng mga Espesye). Ang unang mga debate tungkol sa kalikasan ng ebolusyon ng tao ay lumitaw sa pagitan nina [[Thomas Huxley]] at [[Richard Owen]]. Nangatwiran si Huxley para sa ebolusyon ng tao mula sa mga [[bakulaw]] sa pamamagitan ng pagpapakita ng maraming mga pagkakatulad sa pagitan ng mga tao at bakulaw sa kanyang 1863 na aklat na ''Evidence as to Man's Place in Nature'' (Patunay sa Puwesto ng Tao sa Kalikasan). Gayunpaman, ang maraming mga sinaunang tagasuporta ni Darwin (gaya nina [[Alfred Russel Wallace|Wallace]] at [[Charles Lyell|Lyell]]) ay hindi umayon na ang pinagmulan ng mga kakayahang pang-isip at mga sensibilidad na [[moralidad|moral]] ng mga tao ay maipapaliwanag ng natural na seleksiyon. Inilapat ni Darwin ang kanyang teoriya ng ebolusyon at seksuwal na seleksiyon sa mga tao nang kanyang ilimbag ang ''The Descent of Man'' (Ang Pinagmulan ng Tao) noong 1871. Ang isang pangunahing problema sa panahong ito ang kakulangan ng mga [[fossil na transisyonal|pagitang fossil]]. Sa kabila ng pagkakatuklas noong 1891 ni [[Eugène Dubois]] ng ''[[Homo erectus]]'' sa [[Java]] noon lamang mga 1920 nang ang mga fossil ay natuklasan sa Aprika at ang mga [[transisyonal na fossil|pagitang species]] ay natipon. Noong 1925, inilarawan ni [[Raymond Dart]] ang isang specimen ng ''[[Australopithecus africanus]]'' na tinawag na ''[[Batang Taung]]''. Ang mga labi nito ay isang mahusay na naingatang munting bungo at endocranial na cast ng utak. Bagaman ang utak ay maliit, ang hugis ay bilugan hindi tulad ng mga [[chimpanzee]] at [[gorilya]] at mas tulad ng utak ng tao. Ang specimen na ito ay nagpapakita rin ng maikling ngiping canine at ang posisyon ng [[foramen magnum]] ay ebidensiya ng lokomosyong [[bipedal]]. Ang lahat ng mga katangiang ito ay humikayat kay Dart na ang [[Batang Taung]] ay isang bipedal na ninuno ng tao na isang [[fossil na transisyonal|anyong transisyonal]] sa pagitan ng mga [[bakulaw]] at tao. Noong mga 1960 at 1970, ang daang daang fossil ay natagpuan partikular na sa Silangang Aprika sa mga rehiyon ng Olduvai gorge at Lake Turkana. Noong mga 1980, ang Ethiopia ay lumitaw na mainit na lugar ng paleoantropolohiya kung saan si "[[Lucy (Australopithecus)|Lucy]]" na pinakakumpletong kasapi ng ''[[Australopithecus afarensis]]'' ay natagpuan. Ang lugar na ito ang naging lokasyon ng maraming mga natuklasang fossil na [[hominin]] noong mga 1990 gaya ng ''[[Ardipithecus ramidus]]''.dxtujh rcfyopi0,.
 
 
 
Ang rebolusyong [[henetika|henetiko]] sa mga pag-aaral ng ebolusyon ay nagsimula nang sukatin nina [[Vincent Sarich]] at [[Allan Wilson]] ang lakas ng immunological cross-reactions ng blood serum albumin sa pagitan ng mga pares ng mga species kabilang ang mga tao at aprikanong bakulaw. Ang lakas ng reaksiyon ay maihahayag ng numerikal bilang distansiyang immunological na proporsiyonal sa bilang ng pagkakiba ng asidong amino sa pagitan ng mga homologous proteins sa iba't ibang espesye. Sa paglikha ng isang calibration curve ng ID ng mga pares ng species na may alam na panahon ng paghihiwalay sa fossil record, ang data ay magagamit bilang isang orasang molekular upang tantiyahin ang mga panahon ng paghihiwalay ng mga pares ng mababang uri o hindi alam na mga fossil. Sa kanilang papel noong 1967 sa magasing ''Science'', sina Sarich at Wilson ay nagbigay ng estimasyon ng paghihiwalay ng mga tao at bakulaw na apat hanggang limang milyong mga taong nakakalipas. Ang paglalapat ng orasang molekular ay nagpabago sa pag-aaral ng ebolusyong molekular. Ang ebidensiya ng ebolusyon ng tao ay batay sa maraming mga larangan ng natural na agham. Ang pangunahing mga pinagkukunan ng kaalaaman sa prosesong ebolusyon ay tradisyonal na fossil record ngunit sa simula ng pag-unlad ng henetika noong mga 1970, ang mga analysis ng [[DNA]] ay nagkaroon ng katumbas na kahalagahan. Ang pag-aaral ng [[ontoheniya]], [[piloheniya]] at biyolohiyang ebousyonaryong pampagpapaunlad sa parehong mga [[bertebrata]] at [[imbertebrado]] ay nagbibigay ng mahalagang kabatiran sa ebolusyon ng lahat ng buhay kabilang ang ebolusyon ng tao.