Hapon: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m Ibinalik ang mga pagbabago ni Joshua1092 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WayKurat
Linya 238:
Ang [[Taoismo]], [[Confucianismo]] at [[Budismo]] na nagmula sa Tsina ay nakaimpluwensiya din sa paniniwala at kaugalian ng mga Hapones. Ang relihiyon sa Hapon ay likas na [[Sinkretismo|naghahalo]], at ito ay nagdudulot ng iba't ibang uri ng nakasanayan, gaya ng ang mga magulang at anak nito na nagdiriwang ng mga ritwal na [[shinto]], mga mag-aaral na nagdarasal bago kumuha ng pagsususulit, mga mag-asawang ikinakasal sa isang [[Kristiyanismo|Kristiyanong]] simbahan at ang paglilibing na ginaganap sa isang templong [[Budhismo]]. May minoridad (2,595,397, o 2.04%) ang nagpahayag na sila ay mga Kristiyano.<ref>[http://www.bunka.go.jp/english/pdf/chapter_10.pdf Religious Juridical Persons and Administration of Religious Affairs, [[Agency for Cultural Affairs]] Retrieved 25 Agosto 2008]</ref> Dagdag pa dito, simula noong kalagitnaan ng ika-19 dantaon, may mga bilang ng sektang (''[[Shinshūkyō]]'') ang sumulpot sa Hapon, gaya ng [[Tenrikyo]] at [[Aum Shinrikyo]] (o Aleph).
== Kultura ==
=== SiningGood Luck ===
Ang mga tradisyonal na sining Hapones ay kinabibilangan ng mga kasanayang seramiko, textile, lacquerware, mga espada at mga manika; mga pagganaap ng [[bunraku]], [[kabuki]], [[noh]], pagsasayaw at [[rakugo]]; gayundin ang seremonya ng tsaa, ikebana, martial arts, kaligrapiya, [[origami]], [[onsen]], [[Geisha]] at mga laro.
=== Panitikan ===
Ang pinakamaagang mga akda ng panitikang Hapones ay kinabibilangan ng mga kronikang [[Kojiki]] at [[Nihon Shoiki]] at antolohiyang tulang [[Man'yōshū]] na mula ika-8 siglo at isinulat sa karakter na Tsino. Sa maagang [[panahong Heian]], ang mga sistema ng ponograma na kilala bilang kana ([[Hiragana]] at [[Katakana]]) ay binuo. Ang [[Kuwento ng Tagaputol ng Kawayan]] ay itinuturing na pinakamatandang salaysay na Hapones. Ang salaysay ng buhay sa korte na Heian ay ibinigay sa [[Makura no Sōshi]] ni [[Sei Shōnagon]] samantalang ang [[Ang Kuwento ni Genji]] ni [[Murasaki Shikibu]] ay kadalasang inilalarawan bilang ang kauna unahang nobel sa mundo. Noong [[panahong Edo]], ang [[chōnin]] o mga taong bayan ang naging mga manunulat at mambabasa sa halip na ang aristokrasyong samurai. Ang kasikatan ng mga akda ni [[Saikaku]] halimbawa ay naghahayag ng pagbabago sa mambabasa at manunulat samantalang muling binuhay ni [[Bashō]] ang tradisyong tula ng [[Kokinshū]] sa kanyang haikai (haiku). Ang [[panahong Meiji]] ay nakakita ng pagbagsak ng mga anyong panitikang tradisyonal. Sina [[Natsume Sōseki]] at [[Mori Ōgai]] ang mga unang modernong nobelista ng Hapon na sinundan nina [[Ryūnosuke Akutagawa]], [[Jun'ichirō Tanizaki]], [[Yukio Mishima]] at [[Haruki Murakami]]. Ang mga manunulat na sina [[Yasunari Kawabata]] at [[Kenzaburō Ōe]] ay nagwagi ng [[Gantimpalang Nobel sa Panitikan]] noong 1968 at 1994.
 
== Mga sanggunian ==
{{reflist|2}}