Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Islam"

 
==== Fatimid ====
Ang kalipatong Fatimid o al-Fāṭimiyyūn (Arabiko الفاطميون) ay isang kalipatong Isma'ili Shi'a na sumasakop sa malaking sakop mula Dagat Pula sa silangang hanggang sa Karagatang Atlantiko sa kanluran. Ito ay orihinal na nakabase sa [[Tunisia]]. Ang [[Dinastiyang Fatimid]] ay lumawig sa baybaying Mediterraneo ng Aprika at kalaunang nakasentro sa Ehipto. Sa tugatog ng kanilang kapangyarihan, bukod sa Ehipto, ito ay sumakop sa Maghreb, Sudan, Sicily, Levant, Yemen at Hijaz.
 
==== Ayyubid ====
Ang tagapagtatag ng [[Ayyubid]] na si [[Saladin]] na isang heneral na [[Kurdish]] ang nagpatalsik sa mga Fatimid. Kanyang muling binawi ang Herusalem mula sa mga [[Mga Krusada|Nag-krusadang Kristiyano]]. Hindi niya inangkin ang kalipato ngunit kinilala ang kalipang Abbasid sa Baghdad bilang pinunong espiritwal. Ang dinastiyang Ayyubid ay pinatalsik ng mga [[Mamluk]].
Anonymous user