Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Islam"

No change in size ,  3 year ago
 
==== Ayyubid ====
Ang tagapagtatag ng [[Ayyubid]] na si [[Saladin]] na isang heneral na [[Kurdish]] ang nagpatalsik sa mga Fatimid. Kanyang muling binawi ang Herusalem mula sa mga [[Mga Krusada|Nag-krusadang Kristiyano]]. Hindi niya inangkin ang kalipato ngunit kinilala ang kalipang Abbasid sa Baghdad bilang pinunong espiritwal. Ang dinastiyang Ayyubid ay pinatalsik ng mga [[Mamluk]].
 
==== Mamluk ====
Ang Baghdad ay sinakop noong 1258 at ang kalipang Abbasid na si al-Musta'sim ay pinatay ng mga puwersang [[Mongol]] sa ilalim ni [[Hulagu Khan]]. Ang isang natitirang kasapi ng sambahayang Abbasid ay inilagay na kalip sa Cairo sa ilalim ng patronahe ng bagong nabuong Sultanatong Mamluk pagkatapos ng tatlong taon. Gayunpaman, ang linyang ito ng mga kalipa ay may kaunting kapangyarihan sa mga Sultan na Mamluk.
Anonymous user