Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Islam"

No change in size ,  3 year ago
 
==== Mamluk ====
Ang Baghdad ay sinakop noong 1258 at ang kalipang Abbasid na si al-Musta'sim ay pinatay ng mga puwersang [[Mongol]] sa ilalim ni [[Hulagu Khan]]. Ang isang natitirang kasapi ng sambahayang Abbasid ay inilagay na kalip sa Cairo sa ilalim ng patronahe ng bagong nabuong Sultanatong Mamluk pagkatapos ng tatlong taon. Gayunpaman, ang linyang ito ng mga kalipa ay may kaunting kapangyarihan sa mga Sultan na Mamluk.
 
==== Ottoman ====
Ang mga Sultan na [[Ottoman]] ay gumamit lamang ng pamagat na Kalipa ng paminsan minan bago ang 1517. Sinimulan lamang angkin ng mga pinunong Ottoman ang kapangyarihang kalipato pagkatapos talunin ng [[Imperyong Ottoman]] ang Sultanatong Mamluk noong 1517. Kanilang pinangasiwaan ang karamihan ng mga lupaing Arabo noong pamumuno ni [[Selim I]]. Ang huling kalipang Abbasid sa Cairo na si [[al-Mutawakkil III]] ay dinala sa kustodiya at nilipat sa Constantinople kung saan niya dinala ang mga simbolo ng Kalipato kay Selim I. Ang unang panahon na ang pamagat na "kalipa" ay ginamit bilang pampolitika sa halip na relihiyoso ng mga Ottoman ay sa kasunduang kapayapaan sa [[Rusya]] noong 1774 nang napanatili ng Imperyong Ottoman ang kapangyarihang moral sa teritoryo na ang soberanya ay isinuko sa [[Imperyong Ruso]]. Ang kinalabanan ng [[Digmaang Ruso-Turko]] nang 1768–1774 ay sakuna para sa mga Ottoman. Ang mga malalaking teritoryo kabilang ang naglalaman ng malalaking mga populasyong Muslim gaya ng [[Crimea]] ay natalo sa Imperyong Ruso. Gayunpman, ang mga Ottoman sa ilalim ni [[Abdul Hamid I]] ay nag-angkin ng diplomatikong pagwawagi sa pamamagitan ng pagpayag sa kanya na panatilihin ang mga pinuno ng mga Muslim sa naging independiyenteng Crimea bilang bahagi ng kasunduang kapayapaan. Kapalit nito, ang Rusya ay naging opisyal na tapag-ingat ng mga Kristiyano sa teritoryong Ottoman.
Anonymous user