Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Islam"

=== Muling pagkabuhay ===
Sa Islam, ang Yawm al-Qiyāmah ( يوم القيام "Araw ng pagkabuhay na muli") o Yawm ad-Din ( يوم الدين "Araw ng paghuhukom") ay ang pinaniniwala sa huling paghatol ng Diyos sa sangkatauhan bagaman may pagkakaiba-iba ng mga pananaw at interpretasyon ang mga skolar na Muslim sa mga bersikulo ng Qur'an na tumutukoy sa paghuhukom ng dios. Ang mga ilang pangyayari na pinaniniwalaang magaganap sa paghuhukom ay ang paglipol ng lahat ng nilalang, ang muling pagkabuhay ng katawan, at ang paghatol sa lahat ng nilalang.
 
=== Predestinasyon ===
Ayon sa Islam, ang Diyos ay may buong kaalaman at kontrol sa lahat ng pangyayari(al-qadā wa'l-qadar). Ito ay katumbas ng paniniwalang predestinasyon sa sekta ng Kristiyanismo na tinatawag na Calvinismo. Para sa mga Muslim, ang lahat ng pangyayari, mabuti man o masama, ay itinakda na ng dios at walang maaaring mangyari maliban kung pahintulutan ng Diyos.
Anonymous user