Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Balagtasan"

Kinansela ang pagbabagong 1529891 ni Tarangco (Usapan)
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 58.71.29.62 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Tarangco)
(Kinansela ang pagbabagong 1529891 ni Tarangco (Usapan))
[[File:PH nhi francisco baltazar.jpg|Si Francisco Balagtas, inspirasyon sa paglikha ng balagtasan.|thumb]]
 
[[Ang]] '''balagtasan''' ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Hinango mula sa pangalan ni [[Francisco Balagtas]], inilalahad ang [[sining]] na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli.
 
NagsimulaUnang nagsimula ang balagtasan sa [[Pilipinas]] noong Abril 6, 1924 na nilikha ng mga pangkat na manunulat para alalahanin ang kapanganakan ni Francisco Balagtas.<ref name=montemayor>[http://www.pamas.org/articles/strictlypinoy22.html Montemayor, Guro. "Balagtasan" in ''Tanglaw'' 22]</ref> Ginawa nila ang unang balagtasan na may tatlong hanay ng mga makata na ipinapahayag ng isang naka-iskrip na pagtatanggol. Binatay nila ang anyo sa mas naunang mga uri ng pagtatalo na gumagamit din ng elemento ng [[tula]] katulad ng karagatan, huwego de prenda at duplo.
 
Kadalasan itong binubuo ng tatlong magtatanghal na may dalawang magtatalo na magkasalungat ang pananaw at isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae). Mayroon din mga hurado na siyang maghuhusga kung sino ang mananalo. Inaasahan ang panitikang ito na patalinuhan ng pagpapahayag ng mga patulang argumento ngunit maaari din itong magbigay [[libangan]] sa pamamagitan ng katatawanan, anghang ng pang-aasar, pambihirang talas ng isip, at mala-[[teatro|teatrikong]] at [[drama]]tikong pagpapahayag.<ref name=almario>[http://repositories.cdlib.org/cgi/viewcontent.cgi?article=1003&context=international/uclacseas CSEA Colloquium Series Art and Politics in the Balagtasan by Virgilio S. Almario]</ref>
 
==Kasaysayan==
==HISTORY/KASAYSAYAN==
 
Noong Marso 28, 1924, limang araw bago ang kaarawan ni Balagtas, nagpulong ang ilang mga nangungunang manunulat sa ''Instituto de Mujeres'',(Women's Institution) kalye ng Tayuman, [[Tondo, Maynila|Tondo]], [[Maynila]], Pilipinas para maghanda sa pagdiriwang ng Araw ni Balagtas sa Abril 2, 1925.<ref name=almario></ref> Tanggapan ni Rosa Sevilla, isang kilalang manunulat, ang gusaling iyon. Dito nila nalikha ang konsepto ng balagtasan nang may mga ilang nagmungkahi ng makabagong duplo.