Ferdinand Marcos: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
Matiia (usapan | ambag)
m Ibinalik ang mga pagbabago ni 121.54.54.166 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni 122.53.36.192
Linya 29:
}}
 
Si '''Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos''' (11 Setyembre 1917&nbsp;– 28 Setyembre 1989) ay ang ika-10 [[Pangulo ng Pilipinas|Pangulo]] ng [[Pilipinas|Republika ng Pilipinas]] mula 30 Disyembre 1965&nbsp;– 25 Pebrero 1986. Siya ay isang abogado at nagsilbing kasapi ng [[Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas]] mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng [[Senado ng Pilipinas]] mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong 1969 ay muling nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman, ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino. Ang pagbatikos kay Marcos sa kanyang ikalawang termino ay nagmula sa panlilinlang sa kanyang 1969 kampanya at talamak na [[korupsiyon sa Pilipinas|korupsiyon sa pamahalaan]].<ref>http://www.ualberta.ca/~vmitchel/fw8.html</ref> Nagkaroon din ng isang pangkalahatang kawalang kasiyahan ng mga mamamayan dahil ang populasyon ay patuloy na mabilis na lumalago kesa sa ekonomiya na nagsanhi ng mas mataas na kahirapan at karahasan. Ang [[NPA]] ay nabuo noong 1969 at ang [[MNLF]] ay nakipaglaban para sa pakikipaghiwalay sa Pilipinas ng Muslim Mindanao. Sinamantala ni Marcos ang mga ito at ang ibang mga insidente gaya ng mga pagpoprotesta ng mga manggagawa at mga estudyante at pambobomba sa mga iba't ibang lugar sa bansa upang lumikha ng isang kapaligiran ng krisis at takot na kanyang kalaunang ginamit upang pangatwiranan ang kanyang pagpapataw ng Batas Militar o [[Martial Law]]. Sa panahong ito, ang popularidad ni Senador [[Benigno Aquino Jr.]] at ng oposisyong [[Partido Liberal (Pilipinas)|Partido Liberal]] ay mabilis na lumago. Sinisi ni Marcos ang mga komunista para sa nakakahinalang pambobomba ng rally ng partido Liberal sa [[Plaza Miranda]] noong 21 Agosto 1971. Ang isang isinagawang pagtatangkang pagpaslang sa kalihim ng pagtatanggol ni Marcos na si Juan Ponce Enrile ang isang dahilang ibinigay ni Marcos upang ipataw ang Martial Law ngunit ito ay kalaunang inamin ni Enrile na peke. Noong 23 Setyembre 1972 ay idineklara ni Ferdinand Marcos ang Batas Militar o Martial Law at binuwag ang [[Kongreso ng Pilipinas]] na nag-aalis ng tungkulin sa mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ng kapangyarihang [[lehislatibo]] o paggawa ng batas si Marcos. Noong 1973, pinalitan ang [[Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935]] ng isang bagong Saligang Batas at si Marcos ay nagmungkahi ng mga amiyenda sa bagong Saligang Batas na pinagtibay noong 1976 na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihan sa ilalim ng 1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang ipinagkaloob sa Pangulo at Punong Ministro ng [[Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973|1973 Saligang Batas]] gayundin ng mga kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa iangat ang Batas Militar. Sa ilalim ng Batas Militar ipinabilanggo ni Marcos ang mga 30,000 politikong oposisyon, mga bumabatikos na mamamahayag at mga aktibista kabilang si Senador [[Benigno Aquino, Jr.|Benigno "Ninoy" Aquino]]. Mula 1973, [[nasyonalisasyon|ginawang pag-aari ng pamahalaan]] ni Marcos ang mga pribadong negosyo at naging pag-aari ni Marcos o ibinigay sa kanyang mga [[crony]] o kamag-anak.<ref name=marcos8>http://www.assetrecovery.org/kc/resources/org.apache.wicket.Application/repo?nid=62506d95-a33e-11dc-bf1b-335d0754ba85</ref> Itinatag ni Marcos ang [[kapitalismong crony]] at mga [[monopolyo]] sa mga mahahalagang industriya gaya ng buko, tabako, saging, pagmamanupaktura, asukal at iba pa na nagbigay ng malaking pakinabang sa kanyang mga [[crony]]. Si Marcos ay mabigat na [[panlabas na utang|umutang sa dayuhan]] na umabot ng 28 bilyong dolyar noong mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986 mula kaunti sa 2 bilyong dolyar noong maluklok si Marcos bilang pangulo noong 1965.<ref name="indymedia.org.uk">http://www.indymedia.org.uk/en/2012/09/500590.html</ref><ref name=marcos2/> Kanyang hinirang ang mga opiser ng militar upang mangasiwa sa ilang mga korporasyon at inutos niyang kontrolin ng militar ang lahat ng mga pampublikong utilidad at media.<ref name=marcos8/> Ang mga hukumang sibilyan ay inalisan ni Marcos ng kapangyarihan at autonomiya.<ref name=marcos8/> Ang mga sahod ng mamamayan ay nangalahati at ang pambansang sahod ng Pilipinas na hinahawakan lamang ng pinakamayamang 10 porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ay tumaas mula 27 % to 37%.<ref name=marcos8/> Ang kritiko ni Marcos na si [[Benigno Aquino, Jr.]] ay natagpuang nagkasala ng hukumang militar ng pagpapabagsak ng pamahalaan ni Marcos noong 1977 at hinatulan ng parusang kamatayan. Nagkaroon ng sakit sa puso si Aquino habang nakabilanggo at pinili ni Aquino na tumungo sa Estados Unidos sa halip na gamutin ng mga doktor na nag-atubiling masangkot sa kontrobersiya. Upang makamit ni Marcos ang pag-endorso ng [[Papa]] na dumalaw noong Pebrero 1981 at [[Simbahang Katoliko]] sa kanyang rehime, inangat ni Marcos ang Martial law noong 17 Enero 1981 bagaman ang lahat ng mga kautusan at atas na inilabas noong Martial Law ay nanatiling may bisa. Ang isang bagong halalan ay idinaos noong 1981 kung saan nanalo si Marcos ng isa pang anim na taong termino bilang pangulo. Pagkatapos ng tatlong taon, bumalik si Ninoy Aquino sa Pilipinas noong 21 Agosto 1983 kung saan siya pinaslang sa ng paliparan na kalaunang tinawag na [[NAIA|Ninoy Aquino Intenational Airport]]. Natagpuan ng komisyong hinirang ni Marcos na ang sabawatang militar ang nasa likod ng pagpaslang kay Ninoy ngunit mga nasangkot na kasapi ng militar kasama si [[Fabian Ver]] ay pinawalang sala sa isang paglilitis ng pamahalaan ni Marcos. Ang kamatayan ni Aquino ang nagtulak sa kanyang balong si [[Corazon Aquino]] na tumakbo sa [[1986 snap election]] laban kay Marcos. Ang mga iniulat na pandaraya ng kampo ni Marcos sa 1986 halalan at mga karahasan ay humantong sa pagbibitiw ng kalihim ng pagtatanggol na si Juan Ponce Enrile at military vice-chief of staff [[Fidel Ramos]]. Ito ay humantong sa ''[[Himagsikang People Power]]'' na nilahukan ng mula isang milyon hanggang 3 milyong katao noong 1986 dahil sa kawalan ng pagtitiwala ng mga mamamayan sa pamumuno ni Marcos. Ito ay nagtulak kay Ferdinand Marcos at kanyang pamilya na lumikas sa [[Hawaii]], [[Estados Unidos]] kung saan siya namatay noong 1989. Sinasabing mula 5 bilyon hanggang 10 bilyong dolyar ang nakamkam ni Marcos mula sa kabang yaman ng Pilipinas sa 20 taon niyang panunungkulan.<ref>http://www.theguardian.com/world/2004/mar/26/indonesia.philippines</ref><ref name="bbc"/> Ang mga 4 bilyong dolyar lamang ang nagawang mabawi ng pamahalaan ng Pilipinas kabilang ang $684 milyon na itinago ni Marcos sa mga Swiss bank account.<ref name=marcos18/>Alam nyo ba Fedinand Marcos is Fucking.
==Talambuhay==
Si Marcos ay isinilang noong 11 Setyembre 1917 sa [[Sarrat, Ilocos Norte]].Sina Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin ang kaniyang magulang.Mayroong siyang tatlong kapatid, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay naging kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman ay isang dating guro sa kanilang bayan. Limang taong gulang lamang siya nang pumasok sa elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas siya kumuha ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso 1939. Siya ay iskolar sa buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa sinasabing kahusayan sa debate at pagtatalumpati at maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas. Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo ditong si [[Julio Nalundasan]] ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo. Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang maging ganap na abogado ay hiniling niya sa Kataas-taasang Hukuman na payagan siyang ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya at pinayagan siya ng Korte Suprema at napawalang sala.