Ekonomika: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m Ibinalik ang mga pagbabago ni 49.145.156.11 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WayKurat
Linya 29:
Ang mikroekonomika (Ingles: microeconomics) ang pag-aaral ng ekonomika na sumusuri ng mga indibidwal na manlalaro sa isang [[pamilihan]] (''market'') at ang istraktura ng mga pamilihang ito. Ito ay umuukol bilang hindi mapaliliit na saligang kapayakan nito ang mga pribado, publiko at mga domestikong manlalaro. Ang mikroekonomika ay nag-aaral kung paanong nag-uugnayan ang mga manlalarong ito sa pamamagitan ng mga indibidwal na pamilihan (kung ipagpapalagay na may kakulangan ng mga makakalakal na unit at [[regulasyon ng pamahalaan]]). Ang isang pamilihan ay maaaring umukol sa isang ''produkto''(gaya ng mga [[mansanas]], [[aluminum]], at mga [[mobile phone]]) o sa mga ''serbisyo ng isang paktor ng produksiyon''(paglalagay ng larko, paglilimbag ng aklat, o pagpapake ng pagkain). Ang teoriya ng mikroekonomika ay nagsasaalang alang ng mga agregato (kabuuan) ng kantidad na hinihingi ng mga mamimili at kantidad na sinusuplay ng mga nagtitinda na nag-aaral ng bawat posibleng presyo kada unit. Pinag-aaralan din nito ang komplikadong interaksiyon sa pagitan ng mga manlalaro ng pamilihan sa pamamagitan ng parehong pagbili at pagbebenta. Ang teoriyang ito ay nagsasaad na ang mga pamilihan ay maaaring umabot sa isang [[ekwilibrium]] sa pagitan ng ''hininging kantidad'' at ''sinuplay na kantidad'' sa paglipas ng panahon.
 
Sinusuri rin ng mikroekonomika ang iba't ibang mga istraktura ng pamilihan. Ang ''[[perpektong kompetisyon]]'' ay naglalarawan sa isang istraktura ng pamilihan sa paraang walang mga kalahok ang sapat na malaki upang magkaroon ng kapangyarihan sa pamilihan upang magtakda ng presyo sa parehong produkto. Masasabi ring ang isang perpektong kompetetibong pamilihan ay umiiral kapag ang bawat kalahok ay isang tagakuha ng presyo at walang kalahok ang umiimpluwensiya sa presyo ng produktong binibili o tinitinda nito. Ang ''[[hindi perpektong kompetisyon]] ''ay tumutukoy sa mga istraktura ng pamilihan kung saan ang mga kondisyon ng perpektong kompetisyon ay hindi umiiral. Ang mga anyo ng hindi perpektong kompetisyon ay kinabibilangan ng: ''[[monopoloyo]]'' kung saan mayroon lamang isang tagatinda ng isang kalakal, [[duopolyo]] kung saan mayroon lamang dalawang tagatinda ng isang kalakal, ''[[oligopolyo]]'' kung saan may ilan lamang mga tagatinda ng isang kalakal, ''[[monopolistikong kompetisyon]]'' kung saan mayroong maraming mga tagatindang lumilikha ng mataas na [[diperensiasyon (ekonomika)|diperensiyadong]] kalakal at ''[[monopsonya]] ''kung saan mayroon lamang isang tagabili ng isang kalakal at ''[[oligopsonya]]'' kung saan may kakaunting mga tagabili ng isang kalakal. Hindi tulad ng ''perpektong kompetisyon'', ang ''hindi perpektong kompetisyon'' ay palaging nangangahulugang ang kapangyarihan sa pamilihan (''market power'') ay hindi pantay na ipinamahagi. Ang mga negosyong nasa ilalim ng ''hindi perpektong kompetisyon'' ay may potensiyal na maging mga ''tagagawa ng presyo'' na nangangahulugang sa paghawak ng isang mataas na hindi bahagi ng kapangyarihan sa pamilihan, maaari nitong impluwensiyahan ang mga presyo ng kanilang mga produkto. Ang mikroekonomika ay nag-aaral ng mga indibidwal na pamilihan sa pamamagitan ng pagpapasimple ng sistemang ekonomiko sa pagpapalagay na ang gawain sa pamilihan na sinusuri ay hindi umaapekto sa iba pang mga pamilihan. Ang paraan na ito ng analisis ay kilala bilang analisis na [[suplay at pangangailangan|parsiyal-ekwilibrium]] (suplay at pangangailangan). Ang teoriyang [[pangkalahatang ekwilibrium]] ay nag-aaral ng iba't ibang mga pamilihan at mga pag-aasal nito. Ito ay nagtitipon (ang suma ng lahat ng mga gawain) sa buong ''lahat'' na mga pamilihan. Ang paraang ito ay nag-aaral ng parehong mga pagbabago sa pamilihan at mga interaksiyon nito na tumutungo sa ekwilibrium.<ref>• [[Mark Blaug|Blaug, Mark]] (2007). "The Social Sciences: Economics", Microeconomics, ''The New Encyclopædia Britannica'', v. 27, pp. 347–49. Chicago. ISBN 0-85229-423-9<br/>
&nbsp;&nbsp; • [[Hal R. Varian|Varian, Hal R.]] (1987). "microeconomics", ''The New Palgrave: A Dictionary of Economics'', v. 3, pp. 461–63. London and New York: Macmillan and Stockton.ISBN 0-333-37235-2</ref>
 
===Produksiyon, gastos, kaigihan===
Line 99 ⟶ 100:
===Paglago===
{{main|Ekonomiya|paglagong ekonomiko}}
Ang ekonomika ng paglago ay nag-aaral ng mga paktor na nagpapaliwanag ng [[paglagong ekonomiko]] na pagtaas ng output kada capita sa loob ng mahabang yugto ng panahon. Ang parehong mga paktor ay ginagamit upang ipaliwanag ang pagkakaiba sa lebel ng output kada capita sa pagitan ng mga bansa, sa partikular ay kung bakit ang ilang mga bansa ay lumalago ng mas mabilis kesa sa iba at kung ang mga bansa ay nagtatagpo sa parehong mga rate ng pagbabago. Ang pinaka pinag-aaralang mga paktor ay kinabibilangan ng rate ng pamumuhunan, [[sobrang populasyon|paglago ng populasyon]] at pagbabagong teknolohikal. Ang mga ito ay kinatawan sa mga anyong teoretikal at empirikal gaya ng sa neoklasiko at endohenyosong mga modelo ng paglago at sa pagkukwenta ng paglago.<ref>• Samuelson, Paul A., and William D. Nordhaus (2004). ''[[Economics (textbook)|Economics]]'', ch. 27, "The Process of Economic Growth" McGraw-Hill. ISBN 0-07-287205-5.<br/>
&nbsp;&nbsp; • [[Hirofumi Uzawa|Uzawa, H.]] (1987). "models of growth", ''[[The New Palgrave: A Dictionary of Economics]]'', v. 3, pp. 483–89.</ref>
 
===Siklo ng negosyo===
Line 118 ⟶ 120:
| isbn = 0-13-063085-3}}</ref> Kaya ang isang sentral na konklusyon ng [[ekonomikong Keynesian]] ay sa ilang mga sitwasyon, walang malakas na automatikong mekanismo na nagpapagalaw ng ouput at pagkakaroon ng trabaho patungo sa buong lebel ng pagkakaroon ng trabaho. Ang modelong IS/LM ni [[John Hicks]] ang naging pinakaimpluwensiyang interpretasyon ng Pangkalatahang Teoriya. Sa loob ng mga taon, ang pagkaunawa ng siklo ng negosyo ay sumangay sa iba't ibang mga eskwela na kaugnay o sumasalungat sa [[Keynasianismo]]. Ang sintesis na neoklasiko ay tumutukoy sa rekonsiliasyon ng ekonomikang Keynesian sa [[ekonomikang neoklasiko]] na nagsasaad na ang Keynesianismo ay tama sa maikling pagtakbo at ang ekonomiya ay sumusunod sa teoriyang neoklasiko sa mahabang pagktakbo. Ang eskwelang bagong klasiko ay bumabatikos sa sa pananaw na Keynesian ng siklo ng negosyo. Ito ay kinabibilangan ng permanenteng sahod na pananaw ni [[Milton Friedman]] sa [[konsumpsiyon]], ang himagsikang makatwirang mga ekspektasyon<ref>[http://web.archive.org/web/20100705024756/http://www.economics.harvard.edu/files/faculty/40_Macroeconomist_as_Scientist.pdf The Macroeconomist as Scientist and Engineer], Gregory Mankiw, Harvard University, Mayo 2006</ref> na pinangunahan ni [[Robert Lucas]] at ang teoriyang tunay na siklo ng negosyo. Salungat dito, ang eskwelang bagong Keynesian ay nagpapanatili ng asumpsiyong makatwirang mga ekspektasyon. Gayunpaman ito ay nagpapalagay ng isang pagkakaiba ng mga kabiguan ng pamilihan. Sa partikular, ang Bagong mga Keynesian ay nagpapalagay na ang mga presyo at sahod ay "madikit" na nangangahulugan ang mga ito ay hindi nagsasaayos nang mabilis sa mga pagbabago sa kondisyong ekonomiko. Kaya ang mga bagong klasiko ay nagpapalagay na ang mga presyo at sahod ay automatikong nagsasaayos upang makamit ang buong pagkakaroon ng trabaho samantalang nakikita ng mga bagong Keynesian ang buong pagkakaroon ng trabaho bilang automatikong nakakamit lamang sa mahabang pagtakbo at kaya ang mga patakarang ng bangko sentral at pamahalaan ay kinakailangan dahil ang "mahabang pagtakbo" ay maaaring labis na mahaba.
 
===InplasyonImplasyon at patakarang pang-salapi===
{{main|Patakarang pang-salapi}}
Ang [[inplasyon]] ang sitwasyong ekonomiko na nararanasang kapag ang [[suplay ng salapi]] tungo sa ekonomiya ay tumataas at kalaunan ay nagreresulta sa pagtaas ng mga presyo ng mga mahalaga at mga kinokonsumong kalakal at mga serbisyo. Ang inplasyon ay pangkalahatang nangyayari sa ilalim ng dalawang mga sirkunstansiya-paghila ng pangangailangan (''demand pull'') at pagtulak ng gastos (''cost push''). Ang [[inplasyong paghila ng pangangailangan]] ay sinasabing lumilitaw kapang ang agregatong pangangailangan sa isang [[ekonomiya]] ay humihigit sa agregatong suplay. Ito ay kinabibilangan ng inplasyon na lumilitaw bilang real na [[kabuuang produktong domestiko]] at at ang [[kawalang trabaho]] ay bumabagsak habang ang ekonomiya ay gumagalaw sa kahabaan ng [[kurbang Phillips]]. Ang [[inplasyong pagtulak ng gastos]] ay isang uri ng inplasyon na sanhi ng malaking pagtaas sa halaga ng mga mahalagang kalakal o serbisyo kung saan walang angkop na alternatibo ay makukuha. Ang isang sitwasyong kadalasang binabanggit nito ang [[krisis ng langis noong 1973]] na nakikita ng ilang mga ekonomista na isang pangunahing sanhi ng inplasyong naranasan sa mga bansang Kanluranin sa dekadang iyon. Ikinatwirang ang inplasyong ito ay nagresulta mula sa pagtataas ng halaga ng [[langis]] (petroleum) na itinakda ng [[OPEC]]. Dahil ang langis ay labis na mahalaga sa mga industriyalisadong ekonomiya, ang isang malaking pagtaas sa mga presyo nito ay maaaring magpataas ng presyo ng karamihan ng mga produkto na nagpapataas ng rate ng inplasyon. Ito ay maaaring magpataas ng normal o likas na rate ng inplasyon na rumiriplekta sa mga pag-aangkop na ekspektasyon at ang pag-ikid ng presyo/sahod upang ang pagkabigla ng suplay ay may patuloy na mga epekto. Ang mga pangunahing reporma at resolba ay inilalapat sa [[patakarang pang-salapi]] (monetary) at [[patakarang piskal]] ng isang bansa. Ang mga [[patakarang pang-salapi]] (monetary) ay karaniwang nilalapat ng mga [[bangko sentral]] samantalang ang mga [[patakarang piskal]] ay ginagamit at pinapatupad ng katawang pampamahalaan sa pakikipagtulangan ng Bangkong Apex.