Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pagmimina"

2,011 byte removed ,  4 years ago
Asked someone to re-write this.
m (Kinansela ang pagbabagong 1505473 ni 120.28.76.38 (Usapan))
(Asked someone to re-write this.)
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
Some one who knows what this actually is pleasee re-write this, some one changes all the words
Ang '''pagmimina''' ay pagmimina isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga bagay mula sa lupa. Ang anumang [[materyal]] na hindi malilikha at mapapalago ay kailangang minahin. Ang pagmimina ng mga bagay mula sa lupa ay tinatawag na ''ekstraksiyon'', ''paghango'', o ''paghugot''. Maaaring maging kabilang sa pagmimina ang paghango ng mga [[metal]] at mga [[mineral]], na katulad ng [[uling]], [[ginto]], [[pilak]], [[platinum]], [[tanso]], at [[bakal]]. Maaari rin namang iba pang mga bagay, katulad ng [[langis]] at [[likas na gas]]. Ang taong nagmimina ay tinatawag na '''tagapagmina''', '''tagamina''', '''mangmimina''', o '''minero'''.
 
Ilang uri ng pagmimina ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkayod ng lupa o dumi mula sa ibabaw ng lupa. Tinatawag itong '''pagmiminang patalop''' o ''strip mining'' sa Ingles. Ang ilang pagmimina ay isinasagawa sa pamamagitan ng malalim na pagpunta sa ilalim ng lupa upang marating ang isang '''poso ng mina''' (''mine shaft'' sa Ingles). Tinatawag ang ganitong pagmimina bilang '''pagmimina sa ilalim ng lupa''' o ''undergound mining''. Ang ilang pagmimina, katulad ng pagmimina ng ginto, ay isinasagawa sa ibang mga paraan. Ang ginto ay maaaring mamina sa pamamagitan ng paghahanap sa loob ng himlayan ng isang [[ilog]] o ibang agusan o bugsuan ng [[tubig]] upang maalis ang mga maliliit na piraso ng ginto. Tinatawag itong '''pananala ng ginto'''.
 
Ang pagmimina ay ang tanging paraan upang makangalap ng uling, isang mahalagang mapagkukunan ng [[enerhiya]]. Ang mga minahang ito ay maaaring pagmiminang patalop, o kaya ay maaaring pagmimina na umaabot at nagmumula sa daan-daang talampakan ang pagiging kalaliman sa lupa. Ang pagmimina sa ilalim ng lupa ay isang [[mapanganib]] na [[hanapbuhay]]. Nagkakaroon ng mga [[aksidente]] sa mga minahan ng uling at tanso, at maraming mga tagapagmina ng uling ang namamatay taun-taon. Ang mga panuntunan na pangkaligtasan at natatanging mga kagamitang pangkaligtasan ay ginagamit upang mabigyan ng proteksiyon ang mga minero mula sa mga aksidente.
 
[[Kategorya:Hanapbuhay]]
[[Kategorya:Negosyo]]
 
 
{{Stub}}
Anonymous user