Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Michelangelo Buonarroti"

walang buod ng pagbabago
m (new portrait)
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
 
[[Talaksan:Miguel Ángel, por Daniele da Volterra (detalle).jpg|200px|thumb|right|Michelangelo di Lodovico Buonarroti Simoni]]
'''Michelangelo''' (buong pangalan '''Michelangelo di Lodovico Buonarroti Simoni''') ([[Marso 6]], [[1475]] - [[Pebrero 18]], [[1564]]) ay isang [[eskultura|eskultor]], [[arkitektura|arkitekto]], [[pagpinta|pintor]], at [[tula|manunula]] noong ''[[Renaissance]]''.
 
Naging kilala si Michelangelo sa paggawa ng [[fresco]] sa [[Kapilya ng Sistine]], gayon din sa [[Huling Paghuhusga]] sa altar nito, at "[[Ang Pagkamartir ni San Pedro]]" at "[[Ang Pagbabagong-loob ni San Pablo]]" sa [[Cappella Paolina]] sa [[Lungsod Batikano|Batikano]]. Kabilang ang [[David ni Michelangelo|David]] at ang [[Piyeta ni Michelangelo|Piyeta]], gayon din ang Birhen, ''[[Bacchus ni Michelangelo|Bacchus]]'', [[Moises ni Michelangelo|Moises]], Rachel, Leah, at kasapi ng pamilyang [[Medici]] sa kanyang mga eskultura. Dinisenyo rin niya simboryo ng [[Basilika ni San Pedro]].
Sa Roma, si Michelangelo ay naanyayahan upang gawin ang isang proyekto na tinatawag na '''"Bacco"'''(''Bacchus'' 1496-97). Nasundan naman kaagad ng isa pang proyekto na may bansag na '''"Pietà"'''. Ito ay ginastusan ng isang kardinal na francès, si Jean Bilhères de Lagraulas, na may layuning ilagak ito sa parokya ni Santa Petronilla sa Roma subalit hindi ito nasunod at pagdaka ay napalipat sa Basilica ni San Pedro noong 1517. Ang '''"Pietà"''' ay ginawa ni Michelangelo noong 1498-1499. Isinasalarawan ng opera na ito ang Birheng Maria at ang mga labi ni Hesukristo sa kanyang kandungan. Ito ang nag-iisang opera ni Michelangelo na napirmahan niya, makikita sa nakabalagbag na tale sa dibdiban ng Birheng Maria.. Kapansin pansin na ang mukha ng dalawang simuno ay natural at walang halong pagkabagabag, kalma lalo na ang mukha ng Birhen, ito ay dahil sa alam niyang muling mabubuhay sa Hesus sa takdang panahon.
 
Noong 1501 napatawag si Michelangelo upang magbalik sa Florencia para sa isang bagong proyekto ang '''"David"''' para sa Simbahan ng Santa Maria del Fiore gamit ang isang bloke ng marmol na nagamit na ni Duccio (1418-1481). Si David ang tumalo kay Golayat kung kaya ito ang naging simbolo ng Florencia. Isinasalarawan nito ang pagkalaya ng mga mamamayang Florenciano mula sa kamay ng pamilya Medici.
 
 
== Mga Kilalang Gawa ni Michelangelo ==
Hindi nakikilalang mga tagagamit