Unang Krusada: Pagkakaiba sa mga pagbabago

krusada
(krusada)
(krusada)
Ang '''Unang Krusada''' (1096–1099) ay isang ekspedisyong militar ng [[Romano Katoliko]]ng Europa upang muling maibalik ang mga [[banal na lupain]] na nasakop ng mga Muslim sa [[Levant]] (632–661) na sa huli ay humantong sa muling pagkakabihag ng Herusalem noong 1099.<ref>Asbridge, Thomas (2004). The First Crusade: A New History. Oxford. ISBN 0-19-517823-8.</ref><ref>Baldwin, Marshall W. (1969). A History of the Crusades: The First Hundred Years. Madison, Wisconsin: University of Wisconsin Press. ISBN 978-0-299-04834-1.</ref><ref>Bartlett, Robert (1994). The Making of Europe: Conquest, Colonization and Cultural Change 950–1350. Princeton. ISBN 0-691-03780-9.</ref> Ito ay inilunsad ni Papa [[Urban II]] noong 27 Nobyembre 1095 na may pangunahing layuin ng pagtugon mula sa apela mula sa Emperador ng [[Imperyong Byzantine]] na si [[Alexios I Komnenos]] na humiling ng mga bolunterong kanluraning upang tulungan siya at patalsikin ang mga mananakop na [[dinastiyang Sejuq|Turkong Seljuk]] mula sa [[Anatolia]]. Ang karagdagang layunin ay sandaling naging pangunahing layunin na ang [[Kristiyanismo|Kristiyanong]] pananakop ng Herusalasdasdas
 
em at Banal na Lupain at pagpapalaya ng mga [[Silangang Ortodokso|Silangang Kristiyano]] mula sa pamumunong [[Islam]]iko. Sa panahon ng unang krusada, ang mga kabalyero at mga magsasaka mula sa iba't ibang mga bansa ng Kanluraning Europa ay naglakbay sa lupain at dagat una ay sa [[Constantinople]] at pagkatapos ay tungo sa Herusalem bilang mga nagkukrusada. Ang mga magsasaka ay mas marami sa mga kabalyero. Ang mga magsasaka at mga kabalyero ay nahati sa dalawang magkakahiwalay na mga hukbo dahil ang mga magsasaka ay hindi mahusay na sinanay sa labanan gaya ng mga kabalyero. Ang kanilang hukbo ay nabigong makarating sa Herusalem. Ang mga kabalyero ay nakarating sa Herusalem at naglunsad ng pagsalakay sa siyudad. Kanila itong nasakop noong Hulyo 1099 at nang-masaker ng maraming mga Muslim at Hudyong mamamayan nito. Kanila ring itinatag ang mga [[estado ng nagkrusada]] na [[Kaharian ng Herusalem]], [[Kawnti ng Tripoli]], [[Prinsipalidad ng Antioch]] at [[Kawnti ng Edessa]]. Dahil ang Unang Krusada ay malaking nauukol sa Herusalem na isang siyudad na hindi napasailalim ng mga Kristiyano sa loob ng 461 taon, ang mga nagkrusad ay tumanggi na ibalik ang lupain sa kontrol ng [[Imperyong Byzantine]]. Ang Unang Krusada ay bahagi ng tugong Kristiyano sa mga pananakop ng Muslim. Ito ay sinundan ng [[Ikalawang Krusada]] hanggang [[Ikasiyam na Krusada]] ngunit ang mga nakamit dito ay tumagal sa kaunti sa 200 taon. Ito rin ang unang pangunahing hakbang tungo sa muling pagbubukas ng kalakalang internasyonal sa Kanluran simula ng pagbagsak ng [[Kanluraning Imperyo Romano]].Ang pagka tuli kay Peter Olid.
== Mga sanggunian ==
{{reflist}}
Hindi nakikilalang mga tagagamit