Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "El filibusterismo"

pag-aayos ng gramatika, ispeling, tuldik
m (orthography, replaced: pulitika → politika using AWB)
(pag-aayos ng gramatika, ispeling, tuldik)
}}
 
Ang nobelang '''''El filibusterismo''''' (literal na "Ang [[Pilibusterismo]]") o '''''Ang Paghahari ng Kasakiman'''''<ref name=GutenbergCharlesDerbyshire>[http://www.gutenberg.org/etext/10676 El filibusterismo/The Reign of Greed ni Jose Rizal], salin ni Charles Derbyshire, Project Gutenberg, Gutenberg.org</ref> ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng [[Pilipinas]] na si [[José Rizal]], na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na [[Gomburza]] o Gomez, Burgos, at Zamora.<ref>{{cite web | last = | first = | title = Pinag-alayan ni Rizal | url = http://www.joserizal.ph/fi02.html | accessdate = 2008-06-29}}</ref> Ito ang karugtong o sequelsikwel sa ''[[Noli Me Tangere]]'' at tulad sa ''Noli'', nagdanas si Rizal ng hiraphírap habang sinusulat ito at,<ref>{{cite web | last = | first = | title = Nagdana si Rizal ng hirap | url = http://www.joserizal.ph/fi02.html | accessdate = 2008-06-29}}</ref> tulad din nito, nakasulat ito sa [[Wikang Kastila|Kastila]]. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa [[Calamba]].
 
Sa [[Greater London|London]], noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa ''plot'' at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa [[Lungsod ng Paris|Paris]], [[Lungsod ng Madrid|Madrid]], at [[Lungsod ng Brussel|Brussel]], at nakompleto niya ito noong 29 Marso 1891, sa [[Lungsod ng Biarritz|Biarritz]]. Inilathala ito sa taon ringding iyon sa [[Lungsod ng Gent|Gent]]. Isang nagngangalang [[Valentin Ventura]] na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng [[pera]] sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong 22 Setyembre 1891.{{fact}}
 
Ang nasabing nobela ay [[politika|pampolitika]] na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na [[kalayaan]] at karapatan ng [[bayan]].{{fact}}
* '''Simoun''' - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si [[Noli Me Tangere|Juan Crisostomo Ibarra]] na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
* '''Isagani''' - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
* '''Basilio''' - ang mag-aaralaarál ng medisina at kasintahan ni Juli.
* '''Kabesang Tales''' - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
* '''Tandang Selo''' - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyangkaniyang sariling apo.
* '''Senyor Pasta''' - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
* '''Ben Zayb''' - ang mamamahayag sa pahayagan na si Ibañez.
* '''Placido Penitente''' - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
{{Mga Nobela ni Jose Rizal}}
* '''Padre Salvi''' - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
* '''Padre Florentino''' - ang amain ni Isagani
* '''Don Custodio''' - ang kilalakilalá sa tawag na Buena Tinta
* '''Padre Irene''' - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
* '''Juanito Pelaez''' - ang mag-aaralaarál na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugongdugóng Kastila
* '''Macaraig/Makaraig''' - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng [[Wikang Kastila]] ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
* '''Sandoval''' - ang kawaning [[Espanya|Kastila]] na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
* '''Donya Victorina''' - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
* '''Ginoong Leeds''' - ang misteryosong [[Estados Unidos|Amerikanong]] nagtatanghal sa perya.
* '''Imuthis''' - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
* '''Pepay''' - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigankaibígan daw ni Don Custodio.
* '''Camaroncocido''' - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.
* '''Tiyo Kiko''' - matalik na kaibigankaibígan ni Camaroncocido.
* '''Gertrude''' - mang-aawit sa palabas.
* '''Paciano Gomez''' - kapatid ni Paulita.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.
 
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa [[Los Baños]], ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka'tsapagkat napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.
 
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulomanggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali'tSubalit hindi naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang haponghápong yaon.
 
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang samasamâ ng loob ukol sa kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-salosalusalo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
 
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.