Sumeria: Pagkakaiba sa mga pagbabago

23,276 bytes added ,  5 year ago
m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 122.52.27.57 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Rzselle
(Sumeryo)
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 122.52.27.57 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Rzselle)
[[Talaksan:Fragment Bau Louvre AO4572.jpg|thumb|right|Isang eskultura ng babaeng [[Diyosa]] ng mga Sumerio, c. 2120 BK.]]
{{Mesopotamya}}
Ang '''Sumerya''' o '''Sumer''' (mula sa wikang [[Wikang Akkadiano|Akkadiano]] ''{{lang|akk-Latn|Šumeru}}''; [[Wikang Sumeryo|Sumeryo]] {{cuneiform|&#x121A0;&#x12097;&#x120A0;}} ''{{lang|sux-Latn|[[Ki (lupa)|ki]]-[[EN (kuneiporme)|en]]-ĝir<sub>15</sub>}}'', tinatayang "lupain ng mga sibilisadong hari" o "katutubong lupain")<ref name="SumerFAQ">{{cite web|url=http://www.sumerian.org/sumerfaq.htm#s37 |title=Sumerian Questions and Answers |publisher=Sumerian.org |accessdate=2012-03-29}}</ref> ay ang unang urban na [[kabihasnan]] sa makasaysayan na rehiyon ng silanganing [[Mesopotamya]], kasulukuyang araw na timog [[Irak]], noong mga panahong [[Chalcolithic]] at maagang [[panahong Tanso]], at marahil ang unang kabihasnan sa mundo kasama ang [[Sinaunang Ehipto]]. Habang naninirahan sa kahabaan ng lambak ng Tigris at Euphrates (Mesopotamya ay Griyego para sa lupa sa pagitan ng dalawang ilog), ang mga Sumeryong magsasaka ay nakapagtanim ng kasaganaan ng mga butil at iba pang mga pananim, ang kalabisan ng mga ito ang nagbigay-daan upang manirahan sa isang lugar.
 
Ang kauna-unahang pagsusulat sa [[bago ang kasaysayan]] ay masusundan sa c. 3000 BK. Iminungkahi ng mga modernong historyador na ang Sumerya ay unang permanenteng tinirhan noong pagitan ng c. 5500 at 4000 BK ng mga [[Kanlurang Asya]] na mga tao na maaring nagsalita ng wikang Sumeryo (dahil sa mga pangalan ng mga lungsod, mga ilog, mga simpleng trabaho, atbp. bilang katibayan).<ref>{{cite book| last=Bertman| first=Stephen| title=Handbook to life in ancient Mesopotamia| year=2003| publisher=Facts on File| isbn=978-0-8160-4346-0| url=http://books.google.com/?id=3bX3HYm5YMAC&pg=PA143&dq=Sumer+first+settled+language#v=onepage&q=Sumer%20first%20settled%20language&f=false|page=143}}</ref>
 
Ang mga pinagpapalagay na sinaunang-panahon na mga taong ito ay tinatawag ngayon ng mga iskolar na mga "proto-Euphratean" o mga "[[Ubaid period|Ubaidian]]",<ref name="britannica">{{cite web| url= http://www.britannica.com/EBchecked/topic/573176/Sumer |title=Sumer (ancient region, Iraq) |publisher= Britannica.com | work=Britannica Online Encyclopedia |accessdate=2012-03-29}}</ref> na pinaniniwalaang nanggaling mula sa [[kalinangang Samarra]] ng Hilagang Mesopotomya ([[Asiria]]).<ref>{{Cite journal | url = http://books.google.com/?id=dWuQ70MtnIQC&pg=PA51&dq=samarra+culture#v=snippet&q=%22As%20the%20Samarra%20culture%20spread%20south%2C%20it%20evolved%20into%20the%20Ubaid%20culture%22&f=false | title = Cities, Change, and Conflict: A Political Economy of Urban Life | isbn = 978-0-495-81222-7 | author1 = Kleniewski | first1 = Nancy | last2 = Thomas | first2 = Alexander R | date = 2010-03-26}}</ref><ref>{{Cite journal | url = http://books.google.com/?id=tupSM5y9yEkC&pg=PA139&dq=samarra+culture#v=onepage&q=%22cultural%20descendants%20of%20the%20originating%20Samarran%20culture%22&f=false | title = The Near East: Archaeology in the "Cradle of Civilization" | isbn = 978-0-415-04742-5 | author1 = Maisels | first1 = Charles Keith | year = 1993}}</ref><ref>{{Cite journal | url = http://books.google.com/?id=i7_hcCxJd9AC&pg=PA147&dq=ubaid+samarra#v=snippet&q=%22Ubaid%200%20is%20thus%20clearly%20derived%20from%20the%20earliest%20culture%20to%20move%20into%20lower%20mesopotamia%2C%20the%20Samarra%22&f=false | title = Early Civilizations of the Old World: The Formative Histories of Egypt, the Levant, Mesopotamia, India and China | isbn = 978-0-415-10976-5 | author1 = Maisels | first1 = Charles Keith | year = 2001}}</ref><ref>{{Cite journal | url = http://books.google.com/?id=zmvNogJO2ZgC&pg=PA505&dq=samarra+culture#v=onepage&q=%22similar%20to%20those%20of%20the%20ubaid%20period%22&f=false | title = A dictionary of archaeology | isbn = 978-0-631-23583-5 | author1 = Shaw | first1 = Ian | last2 = Jameson | first2 = Robert | year = 2002}}</ref> Ang mga Ubaidian ang mga unang nagpaunlad ng kabihasnan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng irigasyon, pagpapaunlad ng kalakalan, pagtatatag ng mga industriya kabilang ang paghahabi, pagkakatad, pagmemetal, masonriya at pagpapalayok.<ref name="britannica" />
Ang kabihasnang Sumeryo ay nagkaanyo sa [[panahong Uruk]] ([[ika-4 milenyo BK]]) na nagpatuloy hanggang sa [[Jemdat Nasr]] at mga panahong Maagang Dinastiko. Noong [[ika-3 milenyo BK]], ang isang malapit na simbiosis na kultural ay nabuo sa pagitan ng mga Sumeryo (na nagsasalita ng [[Hiwalay na wika]]) at mga tagapagsalitang Semitikong Akkadiano na kinabibilangan ng malawakang bilingualismo.<ref name='Deutscher'>{{cite book|title=Syntactic Change in Akkadian: The Evolution of Sentential Complementation|author=Deutscher, Guy|authorlink=Guy Deutscher (linguist)|publisher=[[Oxford University Press|Oxford University Press US]]|year=2007|isbn=978-0-19-953222-3|pages=20–21|url=http://books.google.co.uk/books?id=XFwUxmCdG94C}}</ref> Ang impluwensiya ng [[wikang Sumerian]] sa [[wikang Akkadian]] at bise bersa ay ebidente sa lahat ng mga sakop mula sa malawakang panghihiram na [[leksikal]] hanggang sa pagtatagpong [[sintaktiko]], [[morpolohiya|morpolohikal]] at [[ponolohikal]].<ref name='Deutscher'/> Ito ay nagtulak sa mga skolar na tukuyin ang wikang Sumerian at Akkadian noong ikatlong milenyo BK bilang isang ''[[sprachbund]]''.<ref name='Deutscher'/> Ang Sumerya ay sinakop ng mga nagsasalita ng [[Semitiko]]ng mga hari ng [[Imperyong Akkadian]] noong mga 2270 BK ([[maikling kronolohiya]]) ngunit ang [[wikang Sumeryo]] ay nagptuloy bilang isang sagradong wika. Ang katutubong pamumunong Sumeryo ay muling umahon sa loob ng isang [[siglo]] ng [[Ikatlong Dinastiya ng Ur]] ([[Renasimiyentong Sumeryo]]) ng ika-21 hanggang ika-20 siglo BK ngunit ang wikang Akkadian ay nanatiling ginagamit sa panahong ito. Ang siyudad na Sumeryong [[Eridu]] sa baybayin ng [[Golpong Persiko]] ''(Persian Gulf)'' ang kauna-unahang siyudad sa mundo kung saan ang tatlong magkakahiwalay na mga kultura ay nagsama-ng mga magsasakang Ubaidiano na nabubuhay sa mga kubong putik at brick at nagsasanay ng irigasyon, mga nomadikong Semitikong mga magpapastol na nabubuhay sa mga itim na told at nagpapastol ng mga tupa at kambing, at mga mangingisda na nabubuhay sa mga kubong reed na maaaring mga ninuno ng mga Sumeryo.<ref name="Leick, Gwendolyn 2003">Leick, Gwendolyn (2003), "Mesopotamia, the Invention of the City" (Penguin)</ref>
 
Ang labis na maiimbak na mga pagkain na nalikha ng ekonomiyang ito ay pumayag sa populasyon ng rehiyong ito na tumira sa isang lugar sa halip na magpagala-gala bilang mga mangangaso. Ang Sumerya ay lugar rin ng maagang [[pag-unlad ng pagsusulat]] na sumulong mula sa isang yugto ng [[proto-pagsusulat]] noong gitnang ika-4 milenyo BK hanggang sa [[kuneipormang Sumeryo]] sa ikatlong milenyo BK.
 
==Mga siyudad-estado sa Mesopotamia==
[[File:Cities of Sumer (en).svg|thumb|240px|Mapa ng Sumerya]]
Sa huling ika-4 na [[milenyo]] BK, ang Sumerya ay nahahati sa mga dosenang independiyenteng mga [[siyudad-estado]] na nahahati ng mga kanal at mga hangganang bato. Ang bawat isa ay nakasentro sa isang templong inalay sa isang partikular na patrong Diyos o Diyosa ng siyudad at pinamumunuan ng isang [[saserdote]]ng gobernador ([[ENSI|ensi]]) o ng isang hari ([[LUGAL|lugal]]) na malapit na nakatali sa mga ritong panrelihiyon ng siyudad. Ang limang mga unang siyudad ay sinasabing nagsanay ng [[talaan ng haring Sumeryo|pre-Dinastiko]]ng paghahari:&nbsp;&nbsp;&nbsp;
# [[Eridu]] (''Tell Abu Shahrain'')
# [[Bad-tibira]] (''Tell al-Madain'')
# [[Larsa]] (''Tell as-Senkereh'')
# [[Sippar]] (''Tell Abu Habbah'')
# [[Shuruppak]] (''Tell Fara'')
Ang ibang mga pangunahing siyudad ang:
<ol start="6">
<li> [[Uruk]] (''Warka'')
<li> [[Kish (Sumer)|Kish]] (''Tell Uheimir & Ingharra'')
<li> [[Ur]] (''Tell al-Muqayyar'')
<li> [[Nippur]] (''Afak'')
<li> [[Lagash]] (''Tell al-Hiba'')
<li> [[Girsu]] (''Tello or Telloh'')
<li> [[Umma]] (''Tell Jokha'')
<li> [[Hamazi]] <sup>1</sup>
<li> [[Adab (city)|Adab]] (''Tell Bismaya'')
<li> [[Mari, Syria|Mari]] (''Tell Hariri'') <sup>2</sup>
<li> [[Akshak]] <sup>1</sup>
<li> [[Akkad (city)|Akkad]] <sup>1</sup>
<li> [[Isin]] (''Ishan al-Bahriyat'')
</ol>
<small>(<sup>1</sup>ang lokasyon ay hindi matiyak )</small><br>
<small>(<sup>2</sup>isang malayong siyudad sa hilagaang Mesopotamia )</small><br/>
Ang mga maliliit na siyudad mula timog hanggang hilaga:
# [[Kuara (Sumer)|Kuara]] (''Tell al-Lahm'')
# [[Zabala (Sumer)|Zabala]] (''Tell Ibzeikh'')
# [[Kisurra]] (''Tell Abu Hatab'')
# [[Marad]] (''Tell Wannat es-Sadum'')
# [[Dilbat]] (''Tell ed-Duleim'')
# [[Borsippa]] (''Birs Nimrud'')
# [[Kutha]] (''Tell Ibrahim'')
# [[Der (Sumer)|Der]] (''al-Badra'')
# [[Eshnunna]] (''Tell Asmar'')
# [[Nagar, Syria|Nagar]] (''Tell Brak'') <sup>2</sup>
<small>(<sup>2</sup>isang malayong lugar sa hilagaang Mesopotamia)</small>
Maliban sa [[Mari]] na nasa buong {{convert|330|km|0|abbr=on}} hilagang kanluran ng [[Agade]] ngunit kinikilala sa [[talaan ng haring Sumeryo]] na nagsanay ng paghahari sa panahong simulang Dinastiko II at Nagar, ang mga siyudad ay lahat nasa kapatagang alubyal na Euprates-Tigris sa timog ng [[Baghdad]] sa ngayong [[Babil Governorate|Bābil]], [[Diyala Governorate|Diyala]], [[Wasit Governorate|Wāsit]], [[Dhi Qar Governorate|Dhi Qar]], [[Basra Governorate|Basra]], [[Al Muthanna Governorate|Al-Muthannā]] at mga gobernadoradang [[Al-Qādisiyyah Governorate|Al-Qādisiyyah]] ng [[Iraq]].
 
==Kasaysayan==
<timeline>
ImageSize = width:555 height:75
PlotArea = left:25 right:15 bottom:20 top:25
AlignBars = justify
 
Colors =
id:time value:rgb(0.7,0.7,1) #
id:period value:rgb(1,0.7,0.5) #
id:age value:rgb(0.95,0.85,0.5) #
id:era value:rgb(1,0.85,0.5) #
id:eon value:rgb(1,0.85,0.7) #
id:filler value:gray(0.8) # background bar
id:black value:black
 
Period = from:-5300 till:-1940
TimeAxis = orientation:horizontal
ScaleMajor = unit:year increment:200 start:-5300
ScaleMinor = unit:year increment:50 start:-5300
 
PlotData =
align:center textcolor:black fontsize:10 mark:(line,black) width:15 shift:(0,-5)
 
bar:&nbsp; color:era
from:-5300 till:-4100 shift:(0,0) text:[[Panahong Ubaid ]]~[[Chalcolithic|(Chalcolithic)]]
from:-4100 till:-2900 shift:(-20,0) text:[[Panahong Uruk]]~[[Chalcolithic|(Huling Chalcolithic)]]
from:-4100 till:-3300 shift:(-20,10) text:[[Uruk|Uruk XIV-V]]
from:-3300 till:-3000 shift:(0,5) text:[[Uruk|Uruk IV]]
from:-3100 till:-2900 shift:(0,-7) text: [[Uruk|Uruk III]]
from:-2334 till:-2218 shift:(0,-7) text:[[Akkadian Empire|Akkadian]]
from:-2218 till:-2047 shift:(0,5) text:[[Gutian period|Gutian]]
from:-2047 till:-1940 shift:(7,-7) text:[[Ur III period|Ur III]]
 
bar:&nbsp; color:eon
from:-2900 till:-2334 shift:(0,17) text:"[[Early Dynastic Period of Sumer|Panahong Maagang Dinastiko]]"
from:-2900 till:-2800 shift:(0,7) text:I
from:-2800 till:-2600 shift:(0,7) text:II
from:-2600 till:-2500 shift:(0,7) text:IIIa
from:-2500 till:-2334 shift:(0,7) text:IIIb
</timeline>
 
Ang kasaysayan ng Sumerya na kinabibilangan ng [[bago ang kasaysayan|prehistorikong]] mga [[panahong Ubaid]] at [[panahong Uruk]] ay sumasaklaw mula ika-5 hanggang ika-3 [[milenyo]] BK na nagtapos sa [[Ikatlong Dinastiya ng Ur]] noong 2047–1940 BK na sinundan ng transisyonal na panahon ng mga estadong [[Amoreo]].
 
Ang unang lugar na tinirhan ng mga tao sa katimugang [[Mesopotamia]] ang [[Eridu]]. Inangkin ng mga Sumeryo na ang kanilang [[kabihasnan]] ay dinala sa siyudad ng Eridu ng kanilang Diyos na si [[Enki]] o kanyang tagapayong si [[Adapa]]. Dinala ng mga unang tao ng Eridu ang kulturang Samarran mula sa hilagaang Mesopotamia na kinikilalang [[panahong Ubaid]] ngunit hindi pa matiyak kung ang mga ito ay mga Sumeryo na nauugnay sa kalaunang [[panahong Uruk]].
 
Ang mga [[siyudad-estado]] o lungsod-estado na Sumeryo ay umakyat sa kapangyarihan noong prehistorikal na [[panahong Ubaid]] at [[panahong Uruk]]. Ang Klasikong Sumeryo ay nagwakas sa pag-akyat sa kapangyarihan ng [[Imperyong Akkadiano]] noong ika-23 siglo BK Pagkatapos ng [[panahong Gutian]], may isang maikling [[Renasimiyentong Sumeryo]] noong ika-21 siglo BK na pinatigil noong ika-20 siglo BK ng mga pananakop ng mga [[Amoreo]]ng Semitiko. Ang "dinastiyang [[Isin]]" ng Amoreo ay nagpatuloy hanggang ca. 1700 BK nang ang Mesopotamia ay pinag-isa sa ilalim ng pamumuno ng [[Babilonia]]. Ang mga Sumeryo ay kalaunang isinama sa populasyong [[Akkadian]] ([[Assyro-Babylonian]]).
 
*[[Panahong Ubaid]]: 5300&nbsp;– 4100 BK (Palayukang [[Neolitiko]] hanggang [[Chalcolithic]])
*[[Panahong Uruk]]: 4100&nbsp;– 2900 BK (Huling [[Chalcolithic]] hanggang Maagang [[Panahong Tanso]] I)
** Uruk XIV-V: 4100&nbsp;– 3300 BK
** Panahong Uruk IV : 3300&nbsp;– 3000 BK
** [[Panahong Jemdet Nasr]] (Uruk III): 3000&nbsp;– 2900 BK
*Maagang panahong Dinastiko ([[Maagang panahong Tanso]] II-IV)
** Panahong Maagang Dinastiko I: 2900–2800 BK
** Panahong Maagang Dinastiko II : 2800–2600 BK ([[Gilgamesh]])
** Panahong Maagang Dinastiko IIIa: 2600–2500 BK
** Panahong Maagang Dinastiko IIIb : ca. 2500–2334 BK
* Panahong [[Imperyong Akkadian]] : ca. 2334–2218 BK ([[Sargon of Akkad|Sargon]])
* [[Panahong Gutian]]: ca. 2218–2047 BK ([[Maagang panahong Tanso]] IV)
* [[Panahong Ur III]]: ca. 2047–1940 BK
 
Ang [[talaan ng mga haring Sumeryo]] ay nagtatala ng mga hari ng Sumerya. Bagaman ang mga dinastiyang namuno ay itinalang magkakasunod dito, ang ilan sa mga pinunong ito ay aktuwal na namuno ng sabay sa mga magkaibang lugar.
===Panahong Pre-dinastiya===
Ang panahong pre-dinastiya sa [[talaan ng mga haring Sumeryo]] ay nagpapakita ng pagpasa ng kapangyarihan mula sa [[Eridu]] tungo sa [[Shuruppak]] bago ang isang [[malaking baha]] . Ayon sa [[talaan ng mga haring Sumeryo]], ang paghahari ay bumaba mula sa langit sa [[Eridu]] at si [[Alulim]] ang unang haring nanamuno ng 28,000 taon. Ang Eridu ay bumagsak at ang paghahari ay inilipat sa [[Bad-tibira]]. Ang Bad-tibira ay bumagsak at ang paghahari ay inilipat sa Larag. Ang Larag ay bumagsak at ang paghahari ay inilipat sa Zimbir. Ang Zimbir ay bumagsak at ang paghahari ay inilipat sa [[Shuruppak]]. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng [[malaking baha]] sa Shuruppak. Ang mga ebidensiya ng paghuhukay sa Iraq ay nagpapakita ng isang lokal na baha sa [[Shuruppak]]. Nakumpirma ng mga arkeologo ang presensiya ng isang malawakang patong ng mga depositong silt sa mga bangko ng ilog sa [[Shuruppak]] na pinetsahan ng radio carbon na nangyari noong ca. 2900 BK sa sandaling pagkatapos ng osilasyong Piora na gumambala sa pagkakasunod ng pagtira ng tao na nag-iwan ng ilang talampakan ng dilaw na sedimento sa mga siyudad ng Shuruppak at [[Uruk]] at hanggang sa [[Kish]] sa hilaga. Ang mga palayukang polychrome mula sa panahong Jemdet Nasr (3000–2900 BK) ay natuklasan ng agaran sa ilalim ng stratum o patong ng baha sa Shuruppak. Ang panahong Jemdet Nasr ay sinundan ng mga artipakto ng panahong Maagang Dinastiko I sa itaas ng patong na sedimento ng baha. Ayon sa resensiyong WB-62&nbsp;ng [[talaan ng mga haring Sumeryo]], si [[Ziusudra]] ng [[Shuruppak]] ang huling hari ng Sumerya bago ang baha. Ang ''[[mito ng paglikha ng Sumerya]]'' ay nagsasalaysay rin ng pagkakalikha ng mga tao, pagbaba ng paghahari mula sa langit at pagkakatag ng unang limang mga siyudad na Eridu, Bad-tibira, Larsa (Larag), Sippar (Zimbir), at Shuruppak, ang bahang ipinadala ng mga Diyos na sina [[An]], [[Enlil]], [[Enki]] at [[Ninhursanga]] at paggawa ng isang bangka ni Ziusudra at pagbibigay kay Ziusudra ng buhay na walang hanggan ng mga Diyos. Pagkatapos ng baha sa Sumerya, ang [[hegemonya]] ay muling lumitaw sa hilagaang siyudad ng [[Kish]] sa pasimula ng [[panahong Maagang Dinastiko]].
 
===Panahong Maagang Dinastiko===
Ang [[panahong Maagang Dinastiko]] ay nagsimula pagkatapos ng isang patid sa kultura dahil sa isang baha sa mas naunang panahong [[Jemdet Nasr]] na pinetsahan ng radio carbon noong mga 2900 BK. Ang panahong Maagang Dinastiko II ang panahon na ang hari ng Uruk na si [[Gilgamesh]] ay namuno. Ang hegemonya na ipinagkakaloob ng [[saserdote]] ng Nippur ay naghalili sa isang bilang ng mga magkakatunggaling dinastiya mula sa siyudad-estado ng sumerya kabilang ang Kish, Uruk, Ur, Adab at Akshak gayundin mula sa labas ng katimugang Mesopotamia gaya ng Awan, Hamazi, at Mari, hanggang sakupin ni [[Sargon ng Akkad]] ang mga sakop nito.
====Unang Dinastiya ng Kish====
Pagkatapos ng [[malaking baha]] sa Sumerya, ang paghahari ay nagpatuloy sa [[Kish]]. Ang pinuno ng [[Kish]] na si [[Enmebaragesi]] (ca. 2600 BK) ang unang pinunong sa ''[[talaan ng mga haring Sumeryo]]'' na pinatunayan ng arkeolohiya. Tinalo ni [[Enmebaragesi]] ang [[Elam]] at itinayo ang templo ng Diyos na si [[Enlil]] sa [[Nippur]]. Ang kahalili ni Enmebaragesi na si Aga ng Kish ay nakipaglaban kay [[Gilgamesh]] na hari ng [[Uruk]]. Pagkatapos na matalo ang Kish sa labanan, ang paghahari ay inilipat sa [[E-ana]].
====Unang Dinastiya ng Uruk====
Si [[Mesh-ki-ang-gasher]] ang unang hari ng [[Uruk]]. Siya ay sinundan ni [[Enmerkar]]. Ang epikong [[Enmerkar at ang Panginoon ng Aratta]] ay nagsasalaysay ng kanyang paglalakbay sa Aratta. Ang epiko ni [[Enmerkar at ang Panginoon ng Aratta]] ay posibleng nakaimpluwensiya sa mas kalaunang kuwento ng [[Tore ng Babel]] sa [[Tanakh]] ng Hudaismo. Hiniling ni [[Enmerkar]] sa Diyos na si [[Inanna]] na ipailalim sa kanya ang Aratta at paghatirin ang mga tao ng Aratta ng isang [[tributo]] ng mga mahahalagang metal at hiyas para sa pagtatayo ng isang matayog na Abzu [[ziggurat]] ni [[Enki]] sa Eridu gayundin para sa pagpapalamuti ng sariling santuwaryo ni [[Inanna]] sa [[Uruk]]. Pinayuhan ng Diyos na si Inanna si Enmerkar na magpadala ng isang sugo sa mga kabundukan ng Susin at Anshan sa panginoon ng Aratta upang hilingin ang kanyang pagpapailalim at ang kanyang tributo. Si Enmerkar ay pumayag at nagpadala ng sugo kasama ng mga spesipikong banta na wawasakin ang Aratta at papakalatin ang mga tao kung hindi sila magpapadala sa kanya ng tributo. Sa karagdagan, siya ay bibigkas ng isang "Inkantasyon ng Nudimmud" na isang himnong nagsusumamo kay Enki na ibalik ang pagkakaisa sa wika ng mga tinatahanang rehiyon na pinangalanang Shubur, Hamazi, Sumerya, Uri-ki (ang rehiyon sa palibot ng Akkad) at ang lupaing Martu: "Ang buong uniberso, ang mahusay na nabantayang mga tao— nawa'y kanilang magkakasamang pagsalitaan si Enlil sa isang wika." Si Enmerkar ay sindundan ni [[Lugalbanda]] at ni [[Dumuzid ang Mangingisda]]. Si Dumuzid ay sinundan ni haring [[Gilgamesh]] na bida sa [[Epiko ni Gilgamesh]] na nakaimpluwensiya sa kuwentong [[Arko ni Noe]] sa Bibliya.
 
Ang Uruk ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Ur.
====Unang Dinastiya ng Ur====
Ang dinastiyang ito ay umiral noong mga ika-26 siglo BK. Si [[Meskalamdug]] ang unang hari ng Ur na pinatayunan ng arkeolohiya.
====Mga sumunod pang dinastiya====
Ang Ur ay natalo at ang pahahari ay dinala sa Awan. Ang dinastiyang Awan ay umiral noong mga ika-26 siglo BK. Ang Awan ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Kish.
Ang Ikalawang Dinastiya ng Kish ay pinamunuan ng 8 pinuno. Pagkatapos na matalo ang Kish, ang paghahari ay dinala sa [[Hamazi]]. Ang Hamazi ay pinamunuan ng isang 1 pinuno. Ang Hamazi ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Uruk. Ang Ikalawang Dinastiya ng Uruk ay pinamunuan ng 3 pinuno. Ang Uruk ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Ur. Ang Ur ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Adab. Ang Adab ay natalo at ang paghahari ay dinala sa [[Mari]]. Ang Mari ay natalo at ang paghahari ay dinala sa [[Kish]]. Ang Ikatlong Dinastiya ng Kish ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Akshak. Ang Akshak ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Kish. Ang Ikaapat na Dinastiya ng Kish ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Uruk. Ang Unang Dinastiya ng Lagash ay umiral noong ika-25 siglo BK at si En-hegal ang unang pinuno nito bilang isang tributaryo ng Uruk. Si [[Urukagina]] (ca. 2359–2335 BK maikling kronolohiya) ay pinabagsak at ang kanyang siyudad na Lagash ay nabihag ng [[dakilang saserdote]] ng Umma na si [[Lugal-zage-si]]. Sinakop ni Lugal-zage-si ang Uruk at Ur at ginawa niyang kabisera ang Uruk. Gumawa siya ng mga mahabang inskripsiyon sa mga batong base na inalay sa Diyos na [[Enlil]] ng Nippur. Siya ay pinabagsak ni [[Sargon ng Akkad]] at ang paghahari ay dinala sa Akkad na tumagal ng ca. 2334 hanggang 2218 BK (maikling kronolohiya). Ang Akkad ay natalo ng mga Gutian na namuno ng mga isang [[siglo]]. Ang ikalawang Dinastiya ng Lagash ay tumagal ng ca. 2260 hanggang 2110 BK. Ang mga Gutian ay pinalayas ng mga Sumeryo sa ilalim ni [[Utu-hengal]] ng Uruk. Si Utu-hegal ay natalo ni [[Ur-Nammu]] na nagtatag ng [[Ikatlong Dinastiya ng Ur]] na tumagal ng ca. 2047 hanggang 1940 BK sa maikling kronolohiya.
 
== Pagbagsak ==
Ang Sumeria ay hindi nagkaisa noong sinasalakay sila ng mga Akkadiano kaya ang lungsod-estado na ito ay naging bahagi ng [[Akkad|Imperyong Akkadiano]]. Nilusob din ito ng mga [[Elam]]ita. Sinasabing humina ang agrikultura kaya lumisan ang ibang tao.<ref>{{cite journal| last=Thompson| first=William R.| year=2004| title=Complexity, Diminishing Marginal Returns and Serial Mesopotamian Fragmentation| journal=Journal of World Systems Research| url=http://jwsr.ucr.edu/archive/vol10/number3/pdf/jwsr-v10n3-thompson.pdf| format=pdf}}</ref>. Sa huli, naging bahagi ito ng Imperyong [[Babilonya]].
==Kultura==
===Pagsulat===
[[File:Early writing tablet recording the allocation of beer.jpg|thumb|Pagsulat na Sumeryo na nagtatala ng alokasyon ng [[serbesa]], 3100–3000 BK]]
Ang pagsulat sa Sumerya ang pinakamatandang halimbawa ng pagsulat sa mundo. Ang malaking bilang ng mga libo libong kasulatan sa [[wikang Sumeryo]] ay nakaligtas gaya ng mga liham na personal o pangnegosyo, mga resibo, mga talaang leksikal, mga batas, mga imno, mga panalangin, mga kuwento, mga talaang pang-araw araw at mga aklatang puno ng mga tabletang putik. Ang sistema ng kanilang pagsulat ay tinatawag na [[Cuneiform]].
 
===Relihiyon===
Walang malawakang pangimperyong hanay ng mga [[Diyos]]. Ang bawat siyudad-estado ay may sarili nitong patrong-Diyos, mga templo, mga [[saserdote]]-hari. Ang mga Sumeryo ang pinaniniwalaang ang unang sumulat ng kanilang mga paniniwala na kalaunang naging inspirasyon ng [[mitolohiyang Mesopotamiano]] na naging impluwensiya naman sa mga mas kalaunang [[relihiyon]] gaya ng Hudaismo at Kristiyanismo.
 
===Matematika===
Ang mga Sumeryo ay bumuo ng isang masalimuot na sistema ng [[metrolohiya]] noong mga 4000 BK. Ito ay nagresulta sa paglikha ng aritmetika, [[heometriya]] at [[alhebra]]. Mula c. 2600 BK, ang mga Sumeryo ay sumulat ng mga [[tabla ng multiplikasyon]] sa mga tabletang putik at mga pagsasanay na heometrikal at mga problema sa [[dibisyon]]. Ang pinakamaagang mga bakas ng mga numeral na Babilonyo ay mula sa panahong ito. Ang panahong 2700–2300 BK ay nakakita ng unang paglitaw ng [[abacus]] at isang tabla ng mga sunod sunod na column na nagdelimita ng mga sunod sunod na orden ng magnitudo ng sistemang [[seksahesimal]] ng bilang. Ang mga Sumeryo ang unang gumamit ng isang halagang lugar na sistemang numeral. Maaari ring ang mga Sumeryo ay gumamit ng isang uri ng [[slide rule]] sa pagkukuwentang astronomikal. Sila ang unang nakahanap ng [[area]] ng isang tatsulok at bolyum ng isang cube.
===Agrikultura===
Ang mga Sumeryo ay nagsanay ng mga pamamaraang agrikultural kabilang ang organisadong [[irigasyon]], malawakang kultibasyon ng lupain, pang isahang pagtatanim, paggamit ng araro at paggamit ng espesyalisadong mga manggagawa sa ilalim ng burokratikong kontrol. Ang pangangailangan na mangasiwa ng mga salaysay ng templo sa organisasyong ito ay nagresulta sa pagbuo ng pagsulat sa Sumerya noong ca. 3500 BK.
464

edits