Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Ikalawang Digmaang Pandaigdig"

Kinansela ang pagbabagong 1551146 ni 110.55.3.183 (Usapan)
(Kinansela ang pagbabagong 1551146 ni 110.55.3.183 (Usapan))
 
=== Paglawak ng digmaan ===
ANG GANDA NI CHUCHAY!!!! Upang makahanap ng mga bagong mapagkukunan ng langis para sa digmaan, pinaplano ng mga Hapón ang pagsakop sa mga bansa sa timog-silangang Asya. Sinimulan nila ito sa pagsakop sa [[French Indochina|Indotsinang Pranses]] noong 1940 na nagawa nag walang hirap at wala gaanong pandadanak ng dugo. Ginamit nila ang lugar na ito upang lumikha ng mga baseng panghimpapawid na sa hinaharap ay gagamitin sa paglusob sa Malaya at sa iba't iba pang mga lugar sa timog-silangang Asya.
 
Mas lalo pang lumala ang pakikipagtungo sa pagitan ng Imperyong Hapones at ng Estados Unidos sa paglipas ng mga panahon. Sinubukan ng mga diplomatikong Hapones na maibsan ang masamáng pakikitungo ng dalawang bansa, ngunit noong ika-7 ng Disyembre 1941 ay [[Pag-atake sa Pearl Harbor|nilusob at binomba nila]] ang kutang pandagat at mga barkong pandigma ng mga Amerikano sa Pearl Harbor sa Hawaii, na nagsisimula sa digmaan sa pagitan ng dalawang bansa. Inutos ni [[Franklin D. Roosevelt]] ang pagdedeklara ng digmaan sa bansang Hapón, ngunit nagdeklara din ang Alemanya at Italya ng digmaan laban sa Estados Unidos. Sa kaparehong petsa ay nilusob din nila ang [[Pilipinas]]. Pagkalipas ng ilang araw ay nilusob din nila ang [[Dutch East Indies|Indonesyang Olandes]], [[Malaya]] at [[Singapore]].