Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Hesus"

18 byte added ,  3 year ago
{{main|Teoriyang mito si Hesus}} {{main|Diyos na namatay at nabuhay}}
===Hindi Umiral===
Kabilang sa mga iskolar na nagtataguyod na si Hesus ay hindi umiral ay kinabibilangan nina [[Bruno Bauer]], [[G. A. Wells]], [[Tom Harpur]], [[Michael Martin]], [[Thomas L. Thompson]], [[Thomas L. Brodie]], [[Robert M. Price]], [[Richard Carrier]], [[Earl Doherty]], [[Raphael Lataster]], at [[Acharya S.]].
 
Ayon sa iskolar na si L. Michael White, si Hesus ay hindi sumulat ng anumang mga kasulatan o ang sinumang may personal na kaalaman sa kanya. Walang ebidensiyang arkeolohikal na nagpapatunay ng kanyang pag-iral. Walang mga salaysay na kakontemporaryo o nabuhay noong panahon ni Hesus at walang mga salaysay ng saksi (''eyewitnesses'') o anumang direktang rekord ang umiiral tungkol kay Hesus. Ang lahat ng mga salaysay tungkol sa buhay ni Hesus ay nagmula sa mga sanggunian gaya ng nasa [[Bagong Tipan]] na tinatanggap ng mga skolar ng Bagong Tipan na isinulat pagkatapos ng mga dekada o siglo pagkatapos ng sinasabing panahon ni Hesus. Ang pinaniniwalaang pinakamaagang mga sanggunian tungkol kay Hesus ang mga [[sulat ni Pablo]] na isinulat mga 20–30 taon pagkatapos ng pinaniniwalaang kamatayan ni Hesus. Ayon kay White, si Pablo ay hindi kasama ni Hesus o nag-angkin na nakita si Hesus bago ang kamatayan nito.<ref>White 2004, pp. 3–4.</ref>
11,766

edits