Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Lansangang Aguinaldo"

Napapanahong imahe
(+infobox)
(Napapanahong imahe)
 
==Paglalarawan ng ruta==
[[Talaksan:Cavitejf9881 12.JPG|thumb|left|Lansangang Aguinaldo patimog patungong Daang Congressional sa [[Dasmariñas]].]]
Nagsisimula ang Lansangang Aguinaldo bilang tagapag-patuloy ng [[Abenida Diego Cera]] at [[Tulay ng Zapote]]. Magiging isang daang anim ang mga linya ang lansangan paglampas ng Bulebar Molino (na papuntang Molino at Bulebar Aguinaldo na kumokonekta sa [[Manila–Cavite Expressway]]). Pabagtasin naman nito ang Lansangang Tirona na papuntang [[Kawit, Cavite|Kawit]] at [[Lungsod ng Cavite]]. Dadaan naman ito sa [[Imus]] at papasukin nito ang [[Dasmarinas]], kung saan kikipot ito hanggang sa maging apat ang mga linya nito at kung minsa'y nagiging lansangang hinahatian sa gitna sa ilang bahagi nito. Pagkaraan, babagtasin naman nito ang [[Governor's Drive]] sa [[Palapala, Dasmariñas|Baranggay Palapala]].
 
[[Talaksan:Aguinaldo Highway - KM 50 (Silang, Cavite; 2017-03-16).jpg|thumb|left|Lansangang Aguinaldo sa [[Silang, Cavite|Silang]].]]
Paglampas ng Palapala, magsisimula na itong umakyat patungong [[Tagaytay]], at dadaan ito sa [[Silang, Cavite|Silang]]. Sa Tagaytay Rotunda, babagtasin nito ang Daang Tagaytay–Calamba, (na kumokonekta sa Daang Santa Rosa–Tagaytay patungong [[Santa Rosa, Laguna|Santa Rosa]], [[Laguna]]) at Daang Tagaytay–Talisay (isang daang sigsag na dumadaan sa pababang dalisdis patungong [[Talisay, Batangas|Talisay]], [[Batangas]]). Mayamaya, tutuloy ang lansangan pakanluran bilang bahagi ng Daang Tagaytay–Nasugbu patungong [[Nasugbu, Batangas|Nasugbu]] sa pamamagitan ng Palico. Ang bahagi ng Daang Tagaytay–Nasugbu mula Tagaytay Rotunda hanggang Mendez Crossing ay kinaratulang "Aguinaldo Highway". Dadaan ito malapit sa Parokya ng Our Lady of Lourdes, Leslie's, Josephine, Robinsons Summit Ridge, Sky Ranch, at Taal Vista Hotel bago ito matapos sa Mendez Crossing.
 
==TignanTingnan din==
*[[Transportasyon sa Pilipinas]]
*[[Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (Pilipinas)]]
11,864

edits