Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Tamaraw"

39 bytes removed ,  3 year ago
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
== Anatomiya at morpolohiya ==
[[File:Bubalus mindorensis by Gregg Yan 02.jpg|thumb|Malapitang kuha ng tamaraw.]]
May anyong pangkaraniwan sa [[Bovidae|pamilyang]] kinabibilangan nito ang ''Bubalus mindorensis''. May siksik, mabigat na kayarian, [[bovine|wangis-bakang]] katawan, apat na mga hitang nagtatapos sa mga [[Hoof|unguladong paa]] at isang maliit, nasusungayang ulo sa hangganan ng maliit na leeg. May maliit ito at masiksik kung ihahambing sa Asyatikong pantubig na kalabaw (''[[Bubalus bubalis]]''). Maliit lamang ang pagkakaroon ng [[sexual dimorphism|dimorpismong sekswal]] sa [[uri]] bagaman naipahayag na may makakapal na mga leeg ang mga lalaki.<ref>{{cite web |url=http://www.wildcattleconservation.org/SpeciesFactSheets/bubalus-mindorensis.htm |title=Tamaraw ''bubalus mindorensis'' Heude, 1888 |accessdate=2007-07-12 |last= |first= |authorlink= |coauthors= |date= |year= |month= |format= |work= |publisher=wildcattleconservation.org |pages= |language= |archiveurl= |archivedate= |quote= }}</ref> May karaniwang taas na 100 hanggang 105&nbsp;sentimetro ang balikat ng tamaraw. 220&nbsp;sentimetro ang haba ng katawan habang 60&nbsp;sentimetro ang buntot. Nasa pagitan ng 200 hanggang 300&nbsp;kilogramo ang timbang ng mga babae. May madilim na pagkakayumanggi hanggang abuhing kulay ang mga nasa hustong gulang na mga tamaraw at mas mabuhok kaysa ''Bubalus bubalis''. Maiikli at matipuno ang mga paa. May makikitang mga mapuputing mga marka sa mga ungguladong paa at sa loob ng mga pang-ibabang binti. Katulad ng sa Anoa ''[[Bubalus depressicornis]]'' ang mga palatandaang ito. Magkatulad ng kulay ang mukha at katawan. Karamihan sa mga kasapi ng sari ang mayroon magkatambal na mga abuhing-puting guhit na nagsisimula mula sa panloob na sulok ng mata hanggang sa mga sungay. May maitim na balat ang ilong at mga labi. May habang 13.5&nbsp;sentimetro ang mga tainga na may mapuputing marka sa mga loob. Kapwa nagkakaroon ng maiikling maiitim na mga sungay ang mga lalaki at babae, na sumusunod sa hugis ng titik na V, kung ikukumpara sa hugis C na mga sungay ng ''Bubalus bubalis''. Mga lapad na kapatagan ang mga sungay at tatlusok ang hugis sa pinakapuno. Dahil sa palagian pagkiskis, may gasgas ang panlabas na anyo ang mga sungay ng tamaraw ngunit may magaspang na panloob na mga gilid. Sinasabing may habang mga 35.5 hanggang 51.0&nbsp;sentimetro ang mga sungay.<ref name="UltimateUngulate">{{cite web | last =Huffman | first =Brent | authorlink =Brent Huffman | title =''Bubalus mindorensis'': Tamaraw | work =www.ultimateungulate.com | publisher =Ultimate Ungulate.com | date = 2 Enero 2007 | url =http://www.ultimateungulate.com/Artiodactyla/Bubalus_mindorensis.html | format =html | doi = | accessdate = 17 Marso 2007}}</ref>
 
== Pamamahagi ==