Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Stress (mekanika)"

walang buod ng pagbabago
{{about|stress sa mekanikang continuum|stress sa sikolohiya|sikolohikal na tensyon}}
Sa [[mekanika]]ng ''continuum'', ang '''''stress''''' o '''tensyon''' ay ang sukat ng mga panloob na [[puwersa]] sa loob ng isang nadedepormang katawan. Kung sa [[kantidad]], ito ay tumutukoy sa sukat ng karaniwang (''average'') puwersa sa bawat nasasakupang yunit ng pang-ibabaw sa loob ng isang katawan kung saan ang mga panloob na puwersa ay kumikilos. Ang mga panloob na puwersang ito ay mga reaksiyon sa panlabas na mga puwersang inilalapat sa isang katawan. Dahil sa ang isang punong nadedepormang katawan ay ipinapapalagay na nag-aasal bilang ''continuum;;, ang mga panloob na puwersang ito ay ipinamamahagi ng tuloy tuloy sa bolyum ng isang materyal na katawan at nagreresulta sa depormasyon ng hugis ng katawang ito. Kung lalagpas sa isang tiyak na hangganan ng lakas ng materiyal, ito ay maaaring magsanhi ng permanenteng pagbabago ng hugis o pagbasak ng estruktura nito.