Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Islam"

410 byte added ,  3 year ago
m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 49.149.240.106 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni 112.203.84.52
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 49.149.240.106 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni 112.203.84.52)
Ang relihiyong Islam ay dinala ng mga mangangalakal na Persian Bengali at Gujerati o mga Arabo sa [[Sulu]]. Nang dumating ang mga mangangalakal na Muslim sa katimugang Pilipinas mula sa [[Malaysia]] at [[Indonesia]], kanilang dinatnan ang mga katutubo na nagsasanay ng [[animismo]] na nakatira sa maliliit na autonomosong mga pamayanan. Ayon sa Tarsila, si [[Tuan Mashaika]] ay dumating sa [[Jolo]], sa [[Maimbung, Sulu|Maimbung]] at nagpakasal sa anak ng isang namumunong pamilya. Bagaman hindi hayagang isinaad ng ''Sulu Tarsila'' na isang Muslim si Tuan Mashaika, ipinagpapalagay na isa siyang Muslim dahil sa pangalang Muslim ng kanyang mga anak gaya nina [[Tuan Hakim]] at [[Aisha]]. Noong 1380, ang Arabong si [[Karimul Makhdum]] (Sharif Awliya) ay dumating at kinikilalang ang nagtatag ng unang moske sa Tubig-Indangan sa [[Simunul, Tawi-Tawi]]. Noong mga 1390, dumating naman si [[Rajah Baguinda]] sa Sulu mula Sumatra o [[Borneo]]. Ang unang opisyal na [[Sultan ng Sulu]] ang Arabong mula [[Sumatra]] na si [[Syed Abu Bakr]] (Sharif Hashim) na nagpakasal sa anak ni Baguinda. Tulad ng ibang mga pinunong Arabo, itinatag ni Abu Bakr ang lehitimasiya ng kanyang dinastiya sa pag-aangking isa siyang direktang inapo ni propeta [[Muhammad]].
 
==== Mindanao ====
gAng pagdating at pagpapalaganap ng Islam sa Mindanao ay itinuturo kay [[Mohammed Kabungsuwan|Sharif Kabungsuwan]] na dumating sa Maguindinao noong 1515 mula [[Johor]].<ref>A Local Church Living for Dialogue: Muslim-Christian Relations in Mindanao, William Larousse</ref> Siya ay iniulat na anak ng prinsesang Malaccan at Arabong Sharif Ali Zain ul-Abidin at dumating kasama ng kanyang mga mandirigma upang magtatag ng isang prinsipiladidad. Siya ay nagtatag ng mga alyansa sa pamamagitan ng maraming mga kasal. Kanyang sinakop at inakay ang mga pinuno at tribo sa Cotabato. Ang mga tribong hindi nagawang maakay ni Kabungsuwan sa pamamagitan ng paghihikayat o dahas ay itinulak sa mga bangin. Sa kabila nito, hindi naakay sa Islam ang mga katutubong populasyong [[Lumad]] ng Mindanao.
 
Ang ibang tradisyon ay nagsasaad na bago pa ang pagdating ni Kabungsuwan ay may isang Sharif Awliya na nagpakilala ng Islam sa pook na hindi kalayuan sa [[Cotabato]]. Si Awliya ay nagpakasal sa isang dalagang galing sa langit na nagkaanank ng babaeng tinawag na paramisuli o prinsesa. Si Awliya ay bumalik sa kanyang pinanggalingan ngunit iniwan ang kanyang anak. Ang isa pang tradisyon ay ang pagdating ng isang [[Sharif Maraja]] sa Maguindano mula [[Johor]] at nanbvfddssertyuiionagpakasal kay paramisuli.
 
==== Pagdating ng mga Kastilang Kristiyano ====