Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Ilang"

m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 180.190.167.50 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WayKurat
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 180.190.167.50 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WayKurat)
Sa [[heograpiya]], ang isang '''desyerto''', '''disyerto''', '''ilang''', '''ulog'''<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Desert'', disyerto, ilang, ulog}}</ref> ay isang anyo ng tanawin o rehiyon na tumatanggap ng maliit na [[presipitasyon (meteorolohiya)|presipitasyon]]. Sa pangkalahatan, nangangahulugan ang ilang bilang mga lugar na tumatanggap ng karaniwang presipitasyon na bababa sa 250&nbsp;mm (10 pulgada).
 
Kilala ang mga ilang sa nakapaliinanakapaliit na pagsuporta sa buhay. Maaaring totoo ito kumpara sa mga mas basa na rehiyon, bagaman kadalasang may mataas na [[biyodibersidad]] ang ilang, kabilang ang mga [[hayop]] na nananatiling tago (lalo na kung may araw) upang mapangalagaan ang [[pagkabasa]]. Binubuo ng mga 20 bahagdan ng ilang ang ibabaw na lupain ng [[Daigdig]].
 
May mga ilang katangian ang mga ilang. Kadalasang binubuo ito ng mga [[buhangin]] at [[bato|mabatong]] ibabaw. Binubuo din ang maliit na bahagi nito ng mga [[buhanging duna]] na tinatawag na ''erg'' at mabatong (''hamada'') ibabaw. Karaniwan ang paglabas ng mga [[bato (heolohiya)|mabatong]] mga lupain, na sinasalamin ang maliit na pag-inam ng lupa at kakaunting pananim. Maaaring patag na natatakluban ng [[asin]] ang mga ilalim na lupain. May katulad na katangian ang mga '''malamig na ilang''' ngunit [[niyebe]] ang pangunahing anyo ng presipitasyon sa halip na [[ulan]]. Ang [[Antartika]] ang pinakamalaking malamig na ilang (binubuo ng mga 98 bahagdan ng makakapal na [[kontinente|kontinental]] na [[sapin ng yelo]] at nakalitaw na mga bato ang 2 bahagdan). [[Ilang ng Sahara|Sahara]] ang pinakamalaking ilang na mainit. Ang [[:en:World Day to Combat Desertification and Drought|World Day to Combat Desertification and Drought]] ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing [[Hunyo 17]].