Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Lansangang Aguinaldo"

==Paglalarawan ng ruta==
[[Talaksan:Aguinaldo Highway - KM 50 (Silang, Cavite; 2017-03-16).jpg|thumb|Lansangang Aguinaldo sa [[Silang, Cavite|Silang]].]]
Nagsisimula ang Lansangang Aguinaldo bilang karugtong ng [[Abenida Diego Cera]] at [[Tulay ng Zapote]]. Magiging isang daang anim anim ang mga linya ang lansangan paglampas ng Bulebar Molino (na papuntang Molino at Bulebar Aguinaldo na kumokonekta sa [[Manila–Cavite Expressway]]). Pabagtasin naman nito ang [[Lansangang Tirona]] na papuntang [[Kawit, Cavite|Kawit]] at [[Lungsod ng Cavite]]. Dadaan naman ito sa [[Imus]] at papasukin nito ang [[Dasmarinas]], kung saan kikipot ito hanggang sa maging apat ang mga linya nito at kung minsa'y nagiging lansangang hinahatian sa gitna sa ilang bahagi nito. Pagkaraan, babagtasin naman nito ang [[Governor's Drive]] sa [[Palapala, Dasmariñas|BaranggayBarangay Palapala]].
 
Paglampas ng Palapala, magsisimula na itong umakyat patungong [[Tagaytay]], at dadaan ito sa [[Silang, Cavite|Silang]]. Sa Rotondang Tagaytay, babagtasin nito ang Daang Tagaytay–Calamba, (na nag-uugnay sa Daang Santa Rosa–Tagaytay patungong [[Santa Rosa, Laguna|Santa Rosa]], [[Laguna]]) at Daang Tagaytay–Talisay (isang daang sigsag na dumadaan sa pababang dalisdis patungong [[Talisay, Batangas|Talisay]], [[Batangas]]). Kalaunan, tutuloy ang lansangan pakanluran bilang bahagi ng Daang Tagaytay–Nasugbu patungong [[Nasugbu, Batangas|Nasugbu]] sa pamamagitan ng Palico. Ang bahagi ng Daang Tagaytay–Nasugbu mula Tagaytay Rotunda hanggang Mendez Crossing ay kinaratulang "Aguinaldo Highway". Dadaan ito malapit sa Parokya ng Our Lady of Lourdes, Leslie's, Josephine, Robinsons Summit Ridge, Sky Ranch, at Taal Vista Hotel bago ito matapos sa Krosing ngBagtasang Mendez.
 
==Tingnan din==
11,837

edit