Palabaybayan ng Filipino: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
inayos ang seksiyong →‎Mga tuldik
Linya 182:
:3. Kapag walang eksaktong katumbas, hiramin ang salita batay sa sumusunod na kalakaran:
::a. Kung wikang Espanyol ang pinanghiraman, baybayin ang salita ayon sa katutubong sistema. Hal: ''strategic = estratégico''. Kung gayon, ''estratehiko''.
::b. Kung wikang Ingles, baybayin ang salita nang ayon sa bigkas. Hal: ''sophisticated'' = sofistikeyted. Malayang gamitin ang mga titik F, J, V, at Z.
::b. Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan, panatilihin ang orihinal na anyo. Ingles na ''psychology'' = ''psychology'' hindi ''saykoloji''; Kastilang ''psicología'' = ''sikolohiya''. Ang katwiran dito ay ang kawalan ng kakompetensiyang anyo ng baybay Espanyol.
::Sa ''kuwento'' ay mahahango ang tatlo pang deribasyon: ''nagkúkuwento'' (inuulit ang “ku”); ''nagkwékwento'' (pagkatapos kaltasin ang ''u'', inuulit ang ''kwe'') at ''nagkékwento'' (pagkatapos kaltasin ang ''u'', inuulit ang unang katinig at unang patinig). Kung ang pangunahing anyo ay “kwento”, mahahango lamang ang huling dalawang anyo ng reduplikasyon. Mahalagang banggitin din dito na ang biswal na ispeling ng ''nagkwékwento'' ay hindi nagkakaloob ng palatandaan para sa bumabása kung paano ang tamang pagpapantig (''nag kwé kwen to'' o ''nag kwék wen to''). Walang ganitong problema sa ''nagkuwento'' at ''nagkukuwento''.
:4. Sumunod sa opisyal na pagtutumbas. Sa pana-panahon ay naglalabas ang KWF, kasabay ng ibang ahensiya ng pamahalaan, ng mga opisyal na pagtutumbas sa mga termino sa likas na agham, agham na panlipunan, sining at panitikan. Mangyaring sumunod sa mga opisyal na pagtutumbas o salin buhat sa mga ahensiyang ito. Katulad ng ''Repúbliká ng Pilipinas'', hindi ''Repúbliká ng Filipinas''; ''aghám panlipunan'', hindi ''sosyal sayans''.
 
===Pagbabaybay ng hiram na salita===
Linya 194:
:5. Maaari nang baybayin alinsunod sa katutubong sistema ang lahat ng hiram na salita na naiba na ang kahulugan sa orihinal: Katulad ng ''stand by'' na binabaybay na ''istambay'', ''up here'' na naging ''apír'', ''hole in'' na naging ''holen'', ''caltex'' na naging ''kaltek'' (tabò).
:6. Gamitin ang baybay ng salitang hiram na matagal na o lagi nang ginagamit, tulad ng ''teléponó'' (hindi ''teléfonó''), ''pamilya'' (hindi ''familiá'' o ''familya''), ''epektibo'' (hindi ''efektibo'' o ''efektivo'').
:7. Kailangang tandaan na ang bawat tunog sa bawat wika ay may kanya kanyang partikularidad alinsunod sa sistemang pamponolohiya nito. Kahit magkakahawig ang bigkas (at letra) ng mga salita sa nanghihiram at sa orihinal na wika ay hindi pa rin masasabing magkakatumbas ang mga tunog ng mga ito. Halimbawa, may ilang nagmumungkahi na gamitin ang mga salitang “deskriptiv” at “narativ” (sa halip ng nakagawiang “paglalarawan” at “pasalaysay”). Ayon sa mga ito, ang “v” ay katutubong tunog daw sa mga wika sa Pilipinas kung kaya’t maaari na raw gamitin ito sa karaniwang mga salita. Ang baybay daw sa “deskriptiv” at “narativ” ay bahagi raw ng leksikal na elaborasyon ng Filipino at bahagi ng intelektwalisasyonintelektuwalisasyon. Hindi ito tamang katwiran, sa sumusunod na kadahilanan:
::a. Ang “v” sa mga wika sa Pilipinas ay iba sa “v” ng Ingles. Panlabi ang artikulasyon ng “v” sa Pilipino; “labiodental” naman ang sa Ingles. Bukod dito, natatagpuan lamang ang “v” na Pilipino sa pagitan ng dalawang patinig; hindi ito nakikita sa dulo ng isang karaniwang salita at pantig.
::b. Ang ispeling na “narativ” at “deskriptiv” ay nakikipagkompetensiya sa “narrative” at “descriptive” ng Ingles, at mababansagang maling ispeling.