Abenida Jose Abad Santos: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
JWilz12345 (usapan | ambag)
JWilz12345 (usapan | ambag)
Linya 32:
Nang dumating ang [[Kasaysayan ng Pilipinas (1521–1898)|mga Kastila]] sa Pilipinas, pinaunlad nila ang daang itinayo ng dating imperyo. Pinalawak nila ang daan, nagtayo sila ng mga tulay, at idinugtong ito sa [[Olongapo]]. Malaking tulong ito sa pagtatag nila ng [[Tarangkahang Kastila ng Subic]] sa may [[Look ng Subic]]. Nang dumating ang [[Kasaysayan ng Pilipinas (1898–1946)|mga Amerikano]], nailatag nila ang daan at nagtayo ng mga kongkretong tulay. Ang pinakamahaba sa mga tulay na ito ay tumatawid sa [[Ilog Pampanga]]. Ang hakbanging ito ay malaking tulong sa pagtatag nila ng [[Clark Air Base|Palapagang Clark]] at kanilang [[U.S. Naval Base Subic Bay|baseng pandagat]] sa Look ng Subic.
 
Nang nagsimula ang [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]], napinsala ang Daang Olongapo–Gapan na nagpatigil sa transportasyon sa buong kahabaan ng daan. Binomba ng mga [[Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas|Hapones]] ang daan upang mapigilan ang mga Amerikano at Pilipino na magpatibay ng iba't-ibang mga base sa buong [[Gitnang Luzon]]. Nang matapos ang digmaan, inayos at ikinumpuni ng pamahalaan ang buong daan, at inilatag ang kabuuang 118 kilometrong lansangan. Nagtayo rin ng mga bagong tulay, pinaganda ang mga ''shoulder''{{#tag:ref|Ang kahulugan ng "''shoulder''" batay sa [[:en:Electronic dictionary|diksiyonaryo sa iPad]] (kapag iniukol sa daan) ay: isang nailatag na makitid na piraso ng lupa sa tabi ng isang daan para sa paghinto pag-may emerhensiya ("''a paved strip alongside a road for stopping on in an emergency''").|group=lower-alpha}}.</ref> at nagdagdag ng ilang mga pasilidad.
 
Sa kasalukuyan, ang Daang Olongapo–Gapan o Abenida Jose Abad Santos, na itinakda bilang Pambansang Daan Blg. 3 (N3) ng [[sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas]], ay isa sa mga pinakamahalagang lansangan sa Gitnang Luzon na nag-uugnay ng mga lalawigan ng Nueva Ecija, Pampanga, Bataan at Zambales.