Sinaunang pilosopiyang Griyego: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.200.107.117 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Maskbot
No edit summary
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 112.200.107.117 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Maskbot)
[[Talaksan:Raphael School of Athens.jpg|thumb|300px|right|Ang [[Paaralan ng Atenas]] ni [[Raphael]], na naglalarawan ng isang hanay ng sinaunang mga pilosopong Griyego na nakikilahok sa isang talakayan.]]
 
Ang '''sinaunang pilosopiyang Griyego''' ay lumitaw noong ika-106 daantaon BKE at nagpatuloy hanggang [[panahong Helenistiko]], kung saan sa puntong ito ang [[Sinaunang Gresya]] ay isinanib na sa [[Imperyong Romano]]. Humarap ito sa isang malawak na kasamu't sarian ng mga paksa, kabilang na ang [[pilosopiyang pampolitika]], [[etika]], [[metapisika]], [[ontolohiya]], [[lohika]], [[biyolohiya]], [[retorika]], at [[estetika]].
 
Marami sa mga [[pilosopo]] sa ngayon ang nagpapanatili na ang pilosopiyang Griyego ay nakaimpluwensiya sa kaisipang Kanluranin magmula noong magsimula ito. Minsang ipinaunawa ni [[Alfred North Whitehead]] na: "Ang pinakaligtas na pangkalahatang paglalarawan ng tradisyong pampilosopiyang Europeo ay ang pagkabinubuo nito ng isang serye ng mga talababa mula kay [[Plato]]."<ref>Alfred North Whitehead, ''Process and Reality'', Kabanata I, Seksiyon I</ref> Ang malinaw at hindi putul-putol na mga guhit ng impluwensiya ay nagmula sa sinaunang mga [[Sinaunang Gresya|Griyego]] at mga [[pilosopiyang Helenistiko|pilosopong Helenistiko]], hanggang sa [[Maagang pilosopiyang Islamiko|midyibal na mga pilosopong Islamiko]], hanggang sa [[Muling Pagsilang]] sa Europa at [[Panahon ng Pagkamulat|Pagkamulat]].