Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Nasipit"

m (+koordinato)
==Kasaysayan==
 
Ang naitala na kasaysayan ng bayan ng Nasipit ay malalaman sa aga ng taong 1880 ng ito'y idineklarang pueblo ng mga mananakop na Kastila. Ayon sa mga taga-Nasipit, ang pangalan ng bayan ay nanggaling umano sa aksidente kung saan may nitibo na nakagat ng alimango (crab) nang may nagtanong na banyaga kung anong lugar iyon. Sa hindi pagkakaintindi ng nitibo sa tanong, nasagot nito ang salitang "na-si-pit" ibig sabihin nakagat ng alimango (crab). Hanggang yaon, ang bayan ay tinawag ng Nasipit at tawag sa mga tao dito ay "Nasipitnon".
 
Ang bayan ng Nasipit ay opisyal na hinati sa bayan ng Butuan noong ika-1 ng Agosto, taong 1929. Naging bayan ito sa pamamagitan ng Executive Order Blg. 181 na isinakatuparan ni Gobernador Heneral Eugene Gilmore ng U.S. Army. Mayroon ding proposal na palitan ang pangalan ng bayan sa pangalang Aurora na pinangunahan ni dating Gobernador Teofisto Guingona Sr. pero dahil sa ang mga Nasipitnon ay hindi pumayag , ang pangalang Nasipit ay hindi napalitan.
Anonymous user