Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Balagtasan"

m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 202.124.156.19 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni 130.105.229.230
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 202.124.156.19 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni 130.105.229.230)
Kadalasan itong binubuo ng tatlong magtatanghal na may dalawang magtatalo na magkasalungat ang pananaw at isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae). Mayroon din mga hurado na siyang maghuhusga kung sino ang mananalo. Inaasahan ang panitikang ito na patalinuhan ng pagpapahayag ng mga patulang argumento ngunit maaari din itong magbigay [[libangan]] sa pamamagitan ng katatawanan, anghang ng pang-aasar, pambihirang talas ng isip, at mala-[[teatro|teatrikong]] at [[drama]]tikong pagpapahayag.<ref name=almario>[http://repositories.cdlib.org/cgi/viewcontent.cgi?article=1003&context=international/uclacseas CSEA Colloquium Series Art and Politics in the Balagtasan by Virgilio S. Almario]</ref>
 
==Kasaysayan==
==K
 
Noong Marso 28, 1924, limang araw bago ang kaarawan ni Balagtas, nagpulong ang ilang mga nangungunang manunulat sa ''Instituto de Mujeres'',(Women's Institution) kalye ng Tayuman, [[Tondo, Maynila|Tondo]], [[Maynila]], Pilipinas para maghanda sa pagdiriwang ng Araw ni Balagtas sa Abril 2, 1925.<ref name=almario></ref> Tanggapan ni Rosa Sevilla, isang kilalang manunulat, ang gusaling iyon. Dito nila nalikha ang konsepto ng balagtasan nang may mga ilang nagmungkahi ng makabagong duplo.
 
Noong Abril 6, 1924, tatlong magkatambal ang lumahok sa unang balagtasan sa ''Instituto de Mujeres'',ito ay sina Rafael Olay laban kay Tomas de Jesus,Amado V. Hernandez laban kay Guillermo Holandez. <ref name=almario></ref> Sa mga lumahok, sina [[Jose Corazon de Jesus]] (Huseng Batute), at [[Florentino Collantes]](Kuntil Butil), isang rin manunula sa [[Bulacan]] ang nakatanggap ng pinakasiglang tugon mula sa madla. "Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan" ang pamagat ng kanilang paksang kanilang pinagtalunan na sinulat nilang pareho.Ang dalawang ito ang nanomina sa panglawang paghaharap.
 
Dahil sa matagumpay na pagtanggap ng publiko kina De Jesus at Collantes, naghanda ang nag-organisa ng mga ilang pang mga balagtasan na kinakasangkutan ng dalawa. Dahil sa talino ng dalawa naghanda sila ng balagtasan na walang iskrip noong Oktubre 18, 1925 sa Olimpikong Istadyum sa Maynila upang lalo pa silang masubok.<ref name=montemayor></ref> Ang naging paksa nila ay "Ang Dalagang Filipina: Noon at Ngayon." Kinuha ni De Jesus ang panig ng kababaihan noon samantalang pinili ni Collantes naman ang kababaihan ngayon. Sa katapusan ng balagtasan, nanalo si De Jesus at tinanghal na Unang Hari ng Balagtasan.
 
Pagkatapos ng pagtatanghal nila De Jesus at Collantes noong 1925 hanggang lumipas ang [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]], naging sikat ang balagtasan sa Pilipinas at ninanais ng mga manunula ang titulong Hari ng Balagtasan.<ref name=montemayor></ref> Dahil sa kasikatan ng ganitong anyo ng panitikan, nagkaroon ng ibang kahintulad na patulang pagtatalo sa ibang [[mga wika sa Pilipinas|wika mula sa Pilipinas]] katulad ng [[wikang Ilokano|Ilokano]] at [[wikang Kapampangan|Kampampangan]] maging [[wikang Ingles]] o [[wikang Kastila|Kastila]]. Naimbento ng mga Ilokano ang bukanegan bilang pagkilala kay [[Pedro Bukaneg]], isang Ilokanong makata. Samantalan, nagkaroon naman ng crisotan ang mga Pampango na hinango nila mula sa manunula at dramatistang si [[Juan Crisostomo Soto]].
 
==Tungkulin ng balagtasan==
 
Maliban sa tagisan ng talino at pagbibigay ng aliw sa mga manonood, nagkaroon ang balagtasan ng isang mas mataas na pampolitika at panlipunang tungkulin.<ref name=almario></ref> Binibigay ng mga sumasali sa balagtasan ang kanilang saloobin tungkol sa kasalukuyang pangyayari at suliranin katulad ng ginagawa ng mga kolumnista at patnugot ng isang [[pahayagan]].<ref name=almario></ref> Ilan sa mga balagtasan nina De Jesus at Collantes ang mga [[politika|pampolitikang]] paksa katulad ng "Koalisyon at Kontra Koalisyon" na tumutukoy sa masiglang kampanya ng noong Pangulong [[Manuel Quezon]] upang pag-isahin ang lahat ng partidong pampolitika sa ilalim ng Partido Nacionalista na siyang partido na pamahalaan noon. oo nlng
 
==Mga sanggunian==