Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Sining"

walang buod ng pagbabago
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
[[Talaksan:קולנוע אורדע - אתרי מורשת במרכז הארץ - רמת גן 2015 (6).JPG|thumb|Sining]]nubs
Ang '''sining''', bagaman kadalasang tumutukoy ang salitang ito sa [[sining biswal at disenyo|sining biswal]], ay patuloy na nagbabago ang kaisipan na kung ano ang sining. Marahil na pinakamalawak ang pinakamaigsing kahulugan nito – tinutukoy ng sining ang lahat ng malikhaing pagsisikap ng tao, di kabilang ang mga gawaing may tuwirang ugnayan sa pananatili ng buhay at [[pagsusupling]]. Mula sa isang malawak na [[pagpapalagay]], isang pangkalahatang kataga ang sining para sa anumang naibunga ng pagiging [[malikhain]], na tumubo mula sa lahat ng iba pang larangan ng tao katulad ng [[agham]] sa pamamagitan ng [[alkimiya]], at [[relihiyon]] sa pamamagitan ng [[shamanismo]].
 
Ang salitang ''sining'' ay ginagamit upang ilarawan ang ilang mga gawain o mga paglikhang gawa ng mga [[tao]] na may kahalagahan sa [[isipan]] ng tao, na patungkol sa isang pagkaakit sa mga [[pandama]] ng tao. Kung kaya, ang isang sining ay nagagawa kapag ang isang tao ay nagpapadama ng kanyang sarili. Ilan sa mga sining ay magagamit sa isang diwang praktikal, katulad ng [[mangkok]] na putik na ineskultura o inukit na mapaglalagyan ng mga bagay-bagay. Maraming mga tao ang hindi sumasang-ayon sa kung paano bibigyan ng kahulugan ang sining. Maraming mga tao ang nagsasabi na ang tao ay sumusulong na makalikha ng sining dahil sa kanilang panloob na [[pagkamalikhain]]. Kabilang sa sining ang [[pagguhit]], [[pagpipinta]], [[paglililok]], [[potograpiya]], [[sining-pagganap]], [[sayaw]], [[musika]], [[panulaan]], [[prosa]], at [[teatro]].
Anonymous user