Damo: Pagkakaiba sa mga pagbabago

8,867 byte added ,  4 years ago
walang buod ng pagbabago
No edit summary
No edit summary
 
[[Kaurian:Halaman]]
Damo—Hindi Lamang Isang Luntiang Bagay sa Ilalim ng Iyong mga Paa
 
PARA sa ilan, ito’y isang berdeng bagay lamang sa labas ng kanilang bahay na kailangan nilang tabasin. Sa kabilang dako naman, para sa mga magsasaka at manlalaro ng ''soccer, ''ito ay nauugnay sa kanilang trabaho. At para sa mga bata, ito ang kaayaayang palaruan. Ngunit ang salitang damo ba ay tumutukoy lamang sa pinakaibabaw ng mga damuhan, mga bukid, at lugar para sa mga palaro?
{{English2|grass}}
 
Ang damo ay kiki ni manayskie
Kung ikaw ay nakatira sa isang mataas na gusali sa lunsod, baka ipalagay mo na wala kang gaanong kaugnayan sa anumang uri ng damo. Gayunman, sa araw-araw, halos lahat tayo ay may nakikitang isang uri ng damo at mga produkto na gawa rito. Ano nga ba talaga ang damo? At paano tayo nakikinabang dito?
 
Ano ba ang Damo?
 
Suriin natin ang hamak na halamang ito. Karaniwan na, lahat ng uri ng mababa at luntiang halaman ay tinatawag na damo. Bukod pa sa mga halamang inuri ng siyensiya bilang bahagi ng pamilya ng mga damo (''Gramineae, ''o ''Poaceae''), itinuturing ng ilan ang mga ''sedge ''at mga ''rush ''(hungko) bilang damo. Ngunit ang pamilya ng mga damo ang sinasabi na tanging tunay na damo. Karaniwan nang may ilang pantanging mga katangian ang mga miyembro nito. Tingnan mong mabuti ang sa palagay mo’y tangkay ng damo.
 
Bilugán ba at hungkag ang tangkay, at may mga bukó ba ito, o mga hugpungan? Ang mga dahon ba ay mahaba, manipis, at makitid, na may nakikitang mga ugat na iisa lamang ang direksiyon at umuusbong mula sa mga talukap ng dahon (''sheath'') na nakapalibot sa tangkay? Ang magkakasunod na mga dahon ba ay sumisibol sa magkabilang panig ng tangkay, anupat lumilikha ng dalawang patayong mga hanay? Ang mga ugat ba ay sala-salabid na kalipunan ng maliliit na hibla sa halip na sanga-sangang malalaking ugat? Ang mga bulaklak ba—kung may makita ka man—ay hindi gaanong napapansin at maliliit, anupat may hugis na gaya ng ''spike, raceme, ''o ''panicle? ''Kung oo ang iyong sagot, malamang na kabilang ang halamang iyan sa pamilya ng damo.
 
Bagaman ang pamilya ng damo ay halos magkakahawig, nakagugulat ang pagkakasari-sari nito, may 8,000 hanggang 10,000 uri. Tumataas ang halamang ito mula sa halos dalawang sentimetro hanggang 40 metro, sa ilang kawayan. Ang karamihan sa pananim na tumatakip sa lupa ay ang damo. At hindi naman kataka-taka, yamang ito ay isa sa pinakamadaling makibagay sa mga grupo ng mga halaman sa lupa, anupat tumutubo sa mayelong mga lugar at sa disyerto, sa maulang kagubatan sa tropiko, at sa mga dalisdis ng bundok na hinahampas ng hangin. Ang buong lugar ng pananim—gaya ng ''steppe ''(malawak na kapatagan sa timog-silangang Europa o Asia), ''llano ''(madamong kapatagan sa hilagang bahagi ng Timog Amerika), ''pampa ''(kapatagan sa Timog Amerika na may katamtamang klima), ''prairie ''(madamong kapatagan sa Estados Unidos at Canada), at ''savanna ''(damuhan sa tropikal at subtropikal na mga lugar)—ay nakakalatan ng damo.
 
Ang isa sa mahahalagang salik upang mabuhay ang iba’t ibang uri ng damo ay ang pagiging matibay nito. Hindi tulad ng maraming iba pang halaman, umuusbong ang damo sa itaas ng mga bukó, hindi sa dulo ng halaman. At ang bagong mga supang ay maaaring lumitaw sa tangkay na tumutubo nang pahiga o sa ilalim ng lupa. Kaya kapag pinutol ang dulo nito ng ''lawn mower ''o ng ngipin ng baka, patuloy na tumutubo ang damo, samantalang ang ibang halaman ay tumitigil na sa pagtubo. Iyan ang dahilan kung bakit pinabibilis ng madalas na pagtabas ng damo ang pagtubo nito samantalang pinipigilan naman ang pagtubo ng ibang halaman, at maaari nitong gawing masinsin at maganda ang iyong damuhan.
 
Bukod dito, sa karamihan ng mga damo, kapag ang tangkay ay humilig dahil sa hangin o natapakan, maaari itong tumuwid muli sa pamamagitan ng mas mabilis na pagtubo sa direksiyong halos humahalik sa lupa. Sa mga dahilang ito, karaniwan nang mas mabilis na tumubong muli ang damo pagkatapos masalanta, na siyang bentaha nito sa ibang halaman pagdating sa pakikipag-agawan sa sikat ng araw. At matutuwa tayo na gayon katibay na halaman ang damo. Tutal, nakadepende tayo rito.
 
Isang Halamang Maraming Gamit
 
Hindi lamang pinakamarami ang damo kundi ito rin ang pinakamahalaga sa pamilya ng halaman na namumulaklak sa lupa. Sinabi ng isang botaniko na ang ating pagkain ay nakasalig sa damo. “Tulad ito ng isang prinsa na nagsasanggalang sa sangkatauhan mula sa taggutom.” Alalahanin mo kung ano ang iyong kinain sa araw na ito. Ang kinain mo ba sa almusal ay isang mangkok ng binutil na may mijo, bigas, mga ''oat, ''o ''sorghum? ''Kung gayon, nakakain ka ng binhi ng damo. O marahil ay kumain ka ng monay o iba pang uri ng tinapay. Ang ginamit na harina ay mula sa mga butil ng damo—trigo, senteno, sebada, at ang iba pang butil ay pawang mga damo. Kasali rin dito ang mga ''cornflake ''at maja blanca gayundin ang mga tortilya na gawa sa harinang mais. Ang mais—gaya ng hula mo—ay damo rin. Naglagay ka ba ng asukal sa iyong tsa o kape? Mahigit sa kalahati ng lahat ng asukal ay mula sa tubó, isang uri ng damo. Maging ang gatas at keso, sa isang paraan, ay naprosesong damo, yamang iyan ang pangkaraniwang pagkain ng mga baka, tupa, at kambing.
 
Kumusta naman ang iyong pananghalian? Ang ''pasta ''gayundin ang ''pizza crust ''ay gawa sa harina ng trigo. Ang mga manok at iba pang ibon ay malimit na pinakakain ng butil. Pinakakain sa mga baka ang lahat ng uri ng damo. Sa gayon, sa malawak na saklaw nito, ang mga itlog, poltri, at karne ng baka na ating kinakain ay resulta ng damo na naproseso ng metabolismo ng hayop. At maiinom mo rin ang damo. Bukod pa sa gatas, maraming kilalang inuming de alkohol ang gawa sa damo: serbesa, ''whiskey, rum, sake, kvass, ''at karamihan sa mga ''vodka.''
 
Huwag kang mag-alala na hindi nabanggit ang iyong paboritong pagkain. Hindi naman talaga posibleng maitala ang lahat ng uri ng pagkain na gawa mula sa damo. Ayon sa ilang pagtantiya, mahigit sa kalahati ng kalori na kinokonsumo sa buong daigdig ay nagmumula sa mga damo. Hindi nga kataka-taka sapagkat sinasaklaw ng damo ang 70 porsiyento ng lahat ng nililinang na lupain!
 
Gayunman, ang damo ay hindi lamang isang pagkain. Kung ang bahay ninyo ay may mga dingding na yari sa luwad at dayami, ang damo ang nagpapatibay sa mga ito. Sa iba’t ibang bahagi ng daigdig, ang mga bubong ay inaatipan ng damo. Sa Timog-silangang Asia, ang kawayan ay ginagamit na andamyo, mga alulod, muwebles, dingding, at maraming iba pang gamit. Nilalala ang mga banig at basket mula sa damo, at nagbibigay ito ng kagamitang panangkap para sa pandikit at papel. Huwag mong kalilimutang banggitin ang iyong mga damit. Ang karamihan sa mga hayop na pinagkukunan natin ng lana at balat ay nanginginain ng damo. Ang uri ng damo na ''Arundo donax ''ay pinagkukunan ng tambo para sa mga instrumentong hinihipan, gaya ng klarinete. Wala nang iba pang materyales na makikita ang makapapantay sa likas na tambo para sa layuning iyan.
 
Tinatakpan at pinalalamutian ng damo ang maraming bahagi ng lupa. At anong ganda, payapa, at ginhawa na makakita ng isang luntiang kaparangan o isang alagang-alagang damuhan! Dahil sa pagkarami-rami kung tumubo ang luntiang pananim na ito, ang damo ang pangunahing pinagmumulan ng oksiheno. Iniingatan din ng pinong mga ugat nito ang lupa mula sa pagkaagnas. Kapag isinasaisip ang maraming gamit nito, hindi natin ipagtatakang malaman na ang paggamit at paglinang ng damo ay may matagal nang kasaysayan.
 
Ang Kasaysayan ng Damo
 
Makikita natin na unang nabanggit ang damo sa ulat ng paglalang sa Bibliya. Sa ikatlong araw ng paglalang, sinabi ng Diyos: “Sibulan ang lupa ng damo.” (Genesis 1:11)* Ang lahat ng pangunahing sibilisasyon ay dumepende sa ilang uri ng damo. Halimbawa, ang pangunahing pagkain ng mga Ehipsiyo, Griego, at mga Romano ay trigo at sebada; ang mga Tsino ay mijo at bigas; ang mga tao mula sa Indus ay trigo, sebada, at mijo; ang mga Maya, Aztec, at mga Inca ay mais. At inilalaan naman ng walang-hangganang mga kaparangan ang kinakailangang damo para sa kumpay ng mga kabayo ng mga hukbong-kabayuhan ng mga Mongol. Oo, ang damo ay laging napakahalaga para sa mga tao.
 
Sa susunod na pagkakataong makakita ka ng pumapagaspas na taniman ng mais, malago at luntiang kaparangan, o basta ng hamak na mga dahon ng damo na tumutubo sa pagitan ng batuhan sa isang bangketa, huminto ka at pag-isipan ang kamangha-mangha at napakaraming gamit na pamilya ng halamang ito. Baka maudyukan ka ring magpasalamat sa Dakilang Disenyador, ang Diyos na Jehova, gaya ng inawit ng salmista: “O Jehova na aking Diyos, ikaw ay lubhang dakila. . . . Nagpapasibol siya ng luntiang damo para sa mga hayop, at ng mga pananim para sa paglilingkod sa sangkatauhan, upang maglabas ng pagkain mula sa lupa . . . Purihin ninyo si Jah!”—Awit 104:1, 14, 31-35.
 
Mula sa : https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102002406