Maharashtra: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Namayan (usapan | ambag)
singit ng template
No edit summary
Linya 77:
}}
 
Ang '''Maharashtra''' (/ma·ha·rash·tra/{{IPAc-en|m|ah|h|@|'|r|ah|sh|t|r|@}}; {{IPA-mr|məharaːʂʈrə|lang|Maharashtra.ogg}}, abbr. '''MH''') ay isang [[estado ng India|estado]] sa kanlurang rehiyon ng [[India]]. May mahigit sa 110 milyong katao ang naninirahan dito kasama ang 15.2 milyon katao sa kabisera nitong [[Mumbai]]. Ang Mumbai naman ang sentro ng pananalapi ng India at dito matatagpuan ang mga punong-tanggapan ng mga pangunahing bangko, institusyong pampananalapi, at kompanya ng seguro sa bansa. Nakabase rin sa estado ang industriya ng pelikulang [[Hindi]], [[Bollywood]], at industriya ng pelikula at telebisyong [[Marathi]]. Patuloy na umaakit ng mga migrante mula sa iba't-ibang bahagi ng India ang Maharashtra dahil sa mga oportunidad nito sa pagnenegosyo at ang potensiyal na ibinibigay nito upang magkaroon ng higit na mataas na antas ng pamumuhay.
 
Kasama sa mga sinauna at medyebal na imperyo ng Maharashtra ang [[Dinastiyang Satavahana]], [[Imperyo ng Western Chalukya]], [[Imperyong Mughal]] at [[Imperyong Maratha]]. May lakíng 307,713 km², ito ay pinalilibutan ng [[Dagat Arabiano]] sa kanluran, at ng mga estado ng [[Karnataka]], [[Telangana]], [[Goa]], [[Gujarat]], [[Chhattisgarh]], [[Madhya Pradesh]] at ang [[Union territory]] ng [[Dadra and Nagar Haveli]]. Ang mga pangunahing ilog sa estado ay ang Godavari, Krishna, Narmada at Tapti. Maraming destinasyong makasaysayan, likas, at relihiyo ang pinupuntahan ng mga turista sa Maharashtra gaya ng Pandharpur, Hazur Sahib Nanded, Shegaon, Shirdi, Mahabaleshwar, Satara, Nanded, Nagpur, Chikhaldara at Panhala. Ang lupain ng estado ay hindi angkop sa agrikultura na siyang nagtutulak sa mga tao sa kanayunan nito na magtungo sa mga kalungsuran, kaya naman ang populasyon sa mga lungsod ng Maharashtra ay higit pa sa kahit anong estado ng India. Ito rin ang may pinakamataas na antas ng urbanisasyon sa mga estado ng India. Ilan sa malalaking lungsod nito ay ang [[Navi Mumbai]], [[Pune]], [[Nagpur]], [[Nashik]], [[Aurangabad, Maharashtra|Aurangabad]], [[Kolhapur]], [[Thane]], [[Solapur]], [[Amravati]], [[Sangli]] at [[Nanded]].