Tinapay: Pagkakaiba sa mga binago

walang buod ng pagbabago
mNo edit summary
No edit summary
Ang '''tinapay '''ay isang uri ng steypol na [[pagkain]] na gawa sa minasang [[harina]] at [[tubig]] na karaniwang niluluto sa pamamagitan ng pagbebeyk. Sa buong naitalang kasaysayan, ito'y naging popular sa buong mundo at isa sa mga pinaka matandang pagkaing artipisyal na naging mahalaga magmula pa noong pagsibol ng agrikultura.
 
Maraming klase ng kombinasyon at proporsyon ang iba't ibang uri ng harina at iba pang mga sangkap, pati na rin ang kakaibang tradisyunal na pagluluto at paraan ng paggawa ng tinapay. Ang resulta nito'y nagkaroon ng iba't ibang anyo, hugis, sukat at pagkayari ng tinapay sa sari-saring mga rehiyon. Ang tinapay ay maaaring paalsahin gamit ang iba't ibang proseso mula sa paggamit ng mga natural na mikrobiyo (halimbawa ay ang pagluluto ng ''sourdough)'' hanggang sa ''high-pressure artificial aeration ''habang ito'y inihahanda o ibinibeyk. Gayunpaman, ang ibang mga produkto ay hindi pinaalsa, maaaring dahil sa kagustuhan, o di kaya'y dahil sa tradisyunal o relihiyosong kadahilanan. Maraming mga ''non-cereal'' na sangkap ang maaaring kasama, mula sa mga prutas, mani hanggang sa iba't ibang mga taba. Ang komersyal na tinapay naman, ay karaniwang naglalaman ng ''additive'', ang ilan sa mga ito ay hindi nutrisyonal, upang mapabuti ang lasa, tekstyur, kulay, ''shelf life'' o di kaya'y para mapadali ang pagmamanupaktura.
532

edit