Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Imperyong Romano"

(Deleted some fake information)
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
Si Julio Cesar/[[Julius Caesar]] na naging ''Diktador Perpetuidad'' (diktador sa habambuhay) na isang opisyal na puwesto sa Republikang Romano. Ang puwestong ito ay napakataas at hindi karaniwang porma ng diktador. Ayon sa batas, ang pamumuno ng isang diktador ay karaniwang hindi lalagpas sa anim na buwan. Ang puwestong binuo ni Cesar ay malinaw na laban sa pangunahing prinsipyo ng Republikang Romano. Gayunpaman, nakasalalay ang kanyang kapangyarihan sa republikanong titulong ito gaano man kakaiba ito bilang isang republikanong opisyal. Maraming senador, na marami rito ay dati niyang mga kaaway na “maluwat” niyang pinatawad, ang natatakot na puputungan niya ng korona ang sarili at magtatatag ng isang monarkiya. Sumunod dito, nagsabuwatan sila upang patayin siya at noong Ides ng Marso, 44 BC, namatay sa talim ng mga pumaslang ang diktador sa habambuhay.
 
=== OctavioOctavian ===
{{main|Augustus Caesar}}
 
Si [[Augustus Caesar|OctavioOctavian n]], na<nowiki/>a apo sa pamangkin ni Julius Caesar, at tagapagmana sa politika, ay natuto sa kamaliang ginawa ng nagpamana at hindi gumamit ng kinatatakutang titulong diktador. Sa halip, maingat na itinago niya ang kanyang kapangyarihan sa ilalim pormang republikano. Ginawa niya ito upang maipakita kunyari ang pagbabalik ng Republika. Nagtamo siya ng maraming titulo tulad ng '''Augustus'''&nbsp;– “ang iniluklok”, ang Princeps&nbsp;– na isinasaling bilang “unang mamamayan ng republikang Romano” o ang “pangulo ng Senadong Romano”. Ang huli ay iginagawad sa mga nakapaglingkod nang mabuti sa bansa. Si [[Pompey]] ay ginawaran din ng titulong ito.
 
Dagdag pa rito, si Augusto Cesar (na ng lumaon ay ipinangalan sa kanya) ay ginawaran ng karapatang magsuot ng Koronang Sibiko ng laurel at roble (oak). Gayunpaman, walang titulo o Koronang Sibiko na nagdaragdag sa kapayarihan ni Augusto. Isa lamang siyang marangal ng mamamayang Romano na may hawak ng pagkakonsulado. Naging ''Pontifex Maximus'' si Augusto matapos mamatay si [[Marcus Aemilius Lepidus]] noong 13 BC. Nang lumaon, kapangyarihan lamang ang kailangan niya at hindi ang mga titulo.
Anonymous user