Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Imperyong Kastila"

m
m (Kinansela ang pagbabagong 1544112 ni 112.205.93.85 (Usapan): bandalismo)
== Imperyong Kastila ==
 
Isa sa pinakamalawak na imperyo ang Imperyong Espanyol sa kasaysayan at isa sa mga unang imperyong pandaidigan. Noong ika-15 at 16 na dantaon, ang Espanya ang taga-pagtaguyod ng pagdaigdigan ekplorasyon at pananakop ng [[Europa]]. Binuksan ng Espanya ang kalakalan sa mga karagatan - sa [[Karagatang Atlantiko]] sa pagitan ng Espanya at Amerika, at sa [[Karagatang Pasipiko]] sa pagitan ng Asya-Pasipiko at [[Mehiko]] sa pamamagitan ng [[Pilipinas]]. Ibinagsak ng mga conquistador ang sibilisasyongkabihasnang [[Imperyong Aztec|Azteca]], [[Imperyong Inca|Inca]] at [[Kabihasnang Maya|Maya]] at malaya nitong inangkin ang malawak na lupalop ng Timog at [[Hilagang Amerika]]. May isang panahong nasa tugatog ito sa pangingibabaw ng lakas nito sa mga karagatan dahil sa kanyang hukbong pandagat at pangingibabaw ng hukbong sandatahang tercios nito sa larangan ng mga sagupaan sa Europa. Nagtamasa ng ginintuang edad sa kultura ang Espanya noong ika-16 at 17 dantaon.
 
Mula sa kalagitnaan ng ika-16 na dantaon, ang mga minahan ng ginto at pilak sa Amerika ang nagtaguyod sa lakas militar ng koronang Habsburgo ng Espanya sa mahabang sunud-sunod ng pakikidigma nito sa Europa at [[Hilagang Aprika]]. Natamo ng imperyong Espanya ang pinakamalawak nitong teritoryo sa mundo noong ika-17 at 18 na dantaon, datapuwat nagsimula itong humupa sa pabago-bagong kapalarang pangmilitar at pangkalakalan mula ng mga 1640. Mula sa mga bagong karanasang ito ng pahirap at pagdurusa sa pagpapalawak ng imperyo, nagbalangkas ang mga eskolar na Espanyol ng mga makabagong kaisipan tungkol sa batas natural, kasarinlan, batas pandaigdig, digmaan at ekonomika – gayundin ang pagkuwestyon sa katarungan ng imperyalismo – sa magkakalapit ng paaralang pang-isip na tinawag ng Eskwela ng Salamanca.
 
Ang patuloy na pakikibaka ng Espanya sa mga karibal na lakas ay nagdulot ng sigalot teritoryal, komersiyal at panrelihiyon na nang lumaon ay nagdulot sa mabalagal na paghupa ng kapangyarihan nito sa simula kalagitnaan ng ika-17 dantaon. Madalas ang pakikidigma nito sa imperyong Otomano sa Mediterraneo; sa Europa, ang Pransiya ay naging kasinglakas nito. Sa karagatan, unang karibal nito ang Portugal na sinundan ng mga Ingles at Holandes. Dagdag pa rito, ang mga piratang Ingles, Holandes at Frances sa karagatan, ang malawak na pagtulong ng militar nito sa kanyang mga nasasakupan, ang pagtaas ng katiwalian sa pamahalaan, at hindi pagsulong pang-ekonomiya na dulot ng tustosing militar nito ang sa dakong huli ay nagdulot sa paghina ng imperyo.
646

edits