Dakilang Constantino: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Tegel (usapan | ambag)
m Ibinalik ang mga pagbabago ni 180.190.46.168 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Eurodyne
Tatak: Rollback
No edit summary
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
Linya 36:
Binago rin ni Constantino I ang sinaunang kolonyang Griyego ng [[Byzantium]] upang maging isang bago niyang tahanang imperyal, na mananatiling isang kabisera ng [[Imperyong Bisantino]] sa loob ng isang libong mga taon. Ang Byzantium ay naging [[Constantinople]] o "Lungsod ni Konstantino", na ngayo'y [[Istanbul]].
 
PINGPIMGPING
== Talambuhay ==
 
Si Flavius Valerius Constantinus na orihinal na pangalan ni Constantino I ay ipinanganak sa Naissus sa probinsiyang Dardania ng Moesia sa kasalukuyang panahong Niš, [[Serbia]] noong Pebrero 27 sa hindi matiyak na tao na malamang ay malapit sa 272 CE. Ang kanyang ama ay si Flavius Constantius na katutubo ng probinsiyang Dardania na kalaunan ay Dacia Ripensis. Ang kanyang ama ay isang opiser ng hukbong ROmano na bahagi ng mga bantay ng emperador [[Aurelian]]. Ang kanyang ama ay naging gobernador ng Dalmatia mula kay Emperador [[Diocletian]] na isa pang kasama ni Aurelia mula sa Illyricum, noong 284 o 285. Ang ina ni Constantino ay si Helene na isang babaeng Bithynian na may mababang katayuan sa lipunan. Hindi matiyak kung siya ay legal na ikinasal sa ama ni Constantino I o isa lamang kerida. Noong Hulyo 285, inihayag ni Diocletian si [[Maximian]] na isa pang kasama mula sa Illyricum bilang kanyang kapwa-emperador. Ang bawat emperador ay may sarili nilang korte, militar, at mga kagawarang administratibo at mamumuno na may hiwalay na prepektong praetoriano bilang hepeng tenyente. Si Maximian ay namuno sa Kanluran mula sa kanyang mga kabisera sa Mediolanum (Milan, Italya) o Augusta Treverorum (Trier, Alemanya) samantlang si Diocletian ay namuno sa Silangan mula sa Nicomedia (İzmit, Turkey). Ang paghahati ay isa lamang pragmatiko. Ang imperyo ay hindi mahahati sa opsiyal na panegyric at ang parehong emperador ay malayang makagagalaw sa buong imperyo. Noong 288, hinirang ni Maximian si Constantius na kanyang maging prepektong praetorian sa [[Gaul]]. Iniwan ni Constantius si Helena upang pakasalan ang anak ng asawa ni Maximianna si Theodora noong 288 o 289. Hinating muli ni Diocletian ang imperyo noong 293 at humirang ng dalawang mga [[caesar]] (batang emperador) upang mamuno sa mga karagdagan pang mga subdibisyon ng Silangan at Kanluran. Ang bawat isa ay magpapailalim sa kanilang mga respektibong Augusto (nakatatandang emperador) ngunit may superemang kapangyarihan sa kanilang mga itinakdang lupain. Ang sistemang ito ay kalaunang tinawag na [[tetrakiya]]. Ang unang hinirang ni Diocletian bilang Caesar ay si Constantius at ang ikalawa ay si Galerius na katutubo ng Felix Romuliana. Ayon kay Lactantius, si Galerius ay isang malupit na hayop na tao. Bagaman nagsasalo siya na paganismo sa aristokrasya ng Roma, ang mga ito ay tila iba sa kanya na isang kalahating barbariano. Noong Marso 1, itinaas si Constantius sa opisina ng Caesar at ipinadala sa Gaul upang labanan ang mga rebeldeng sina Carausius at Allectus. Napanatili ng tetrakiya ang mga bakas ng pribilehiyang pagmamana at si Constantino I ang naging pangunahing kandidato para sa paghirang sa hinaharap bilang Caesar sa sandaling makuha ng kanyang ama ang posisyon. Si Constantino ay tumira sa korte ni Diocletion bilang ang ipinagpapalagay ng kanyang amang tagapagmana ng posisyon. Si Constantino ay tumanggap ng isang pormal na edukasyon sa korte ni Diocletian kung saan siya natuto ng panitikang Latin, panitikang Griyego at pilosopiya. Dahil hindi buong pinagkakatiwalaan ni Diocletian si Constantius, si Constantino ay hawak bilang isang bihag na isang kasangkapan para masiguro ang mahusay na pag-aasal ni Constantius. Gayunpaman, si Constantino ay isang mahalagang kasapi ng korte at nakipaglaban para kay Diocletian at Galerius sa Asya at nagsilbi sa iba't ibang mga tribunato. Nakipaglaban siya laban sa mga barbaro sa [[Danube]] noong 296 at sa mga Persa '' (Persian)'' sa ilalim ni Diocletian sa Syria noong 297 at sa ilalim ni Galerius sa Mesopotamia noong 298–99. Noong mga 305, si Constantino ay naging isa nang tribune ng unang orden na isang tribunus ordinis primi. Bumalik si Constantino sa Nicomedia mula sa silangan noong mga 303 at nasaksihan ang mga pagsisimula ng "Malaking Pag-uusig" ni Diocletian na malalang pag-uusig ng mga [[Kristiyano]] sa kasaysayang Romano. Noong 302, si Diocletian ay nagsugo ng sugo sa orakulo ni [[Apollo]] sa [[Didyma]] na may pagsisiyasat tungkol sa mga Kristiyano. Naalala ni Constantino ang kanyang presensiya sa palasyo nang ang sugo ay bumalik at tinanggap ni Diocletian ang mga hiling ng kanyang korte para sa pangkalahatang pag-uusig. Noong 23 Pebrero 303, inutos ni Diocletian ang pagwasak ng bagong simbahan sa Nicomedia at pinasunog ang mga kasulatan nito at sinamsam ang mga kayamanan nito. Sa mga sumunod na buwan, ang mga simbahan at mga kasulatan nito ay sinunog, ang mga Kristiyano ay inalis ng mga ranggo at ang mga pari nito ay ipinabilanggo. Noong 1 Mayo 305, dahil sa sakit, si Diocletian ay nagbitiw sa tungkulin. Sa katulad na seremonya sa Milan, si Maximian ay nagbitiw rin. Isinaad ni Lactantius na minanipula ni Galerius ang mahinang si Diocletian para magbitiw at pinwersa niya itong tanggapin ang paghalili ng mga alyado ni Galerius. Ayon kay Lactantius, ang mga taong nakikinig ay naniwalang sa talumpating pagbibitiw ni Diocletian na hanggang sa huling sandali na pipiliin ni Diocletian sina Constantino at Maxentius na anak ni Maximian bilang kanyang mga kahalili. Sa halip, sina Constantius at Galerius ang ginawang Augusto at sina Severus at Maximin ang hinirang na mga Caesar. Sina Constantino at Maxentius ay hindi pinansin. Ang ilang mga sangguniang sinauna ay nagdedetalya ng mga pagtatangka sa buhay ni Constantino pagkatapos ng pagbibitiw ni Diocletian ngunit sa mga pagtatangkang ito ay palaging nagwagi si Constantino. Ang mga kuwentong ito ay hindi matiyak kung mapagkakatiwalaan.<ref>Lenski, "Reign of Constantine" (CC), 61.</ref> Nakilala ni Constantino ang panganib na manatili sa korte ni Galerius. Ang kanyang karera ay nakasalalay sa pagsagip sa kanya ng kanyang ama sa kanluran. Mabilis na namagitan si Constantius. Noong 305, humiling si Constantius na lumisan ang kanyang anak sa korte upang tulungan siya sa kampanya sa Britanya at ito ay pinahintulan ni Galerius. Ang kalaunang propaganda ni Constantino ay naglarawan kung paanong tumakas siya sa korte sa gabi bago baguhin ni Galerius ang kanyang isipan. Sa pagkakagisin ni Galerius nang sumunod na umaga, malayo nang nakatakas si Constantino upang mahuli. Sinalihan ni Constantino ang kanyang ama sa Gaul sa Bononia (Boulogne) bago ang tag-init ng 305.
== Kristiyanismo ==
{{main|Kristiyanismo}}