Kristiyanismo: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Linya 19:
 
===Ikalawang siglo===
Ang ilang mga pamayanang KristiyanoKristiyanong sa ikalawang siglo CE ay nagebolb sa isang mas may istrukturang hierarka na ang isang sentral na obispo ay may autoridad sa siyudad at humantong sa pagpapaunlad ng [[Obispong Metropolitan]]. Ang organisasyon ng Simbahang Kristiyano ay nagsimulang gumaya sa organisasyon ng Imperyo Romano. Ang mga obispo sa mga siyudad na mas mahalaga sa politika ay naglapat ng mas malaking autoridad sa mga obispo sa mga kalapit na siyudad.<ref name=duffy9and10>Duffy, pp. 9–10.</ref><ref name=markus75>Markus, p. 75.</ref> Ang mga simbahan sa [[Antioquia]], [[Alehandriya]] at [[Roma]] ang humawak ng pinakamatataas na mga posisyon.<ref name=macculloch134>MacCulloch, ''Christianity'', p. 134.</ref> Kabilang sa mga magkakatunggaling pananaw na Kristiyanong lumaganap noong ika-2 siglo ang [[Marcionismo]], [[Gnostisismo]], [[Montanismo]], [[Docetismo]]. Si [[Marcion]] ang pinaniniwalang ang unang nagtipon ng isang [[kanon]] na binubuo lamang 11 mga aklat na isang Ebanghelyo ni Lucas at 10 [[sulat ni Pablo]]. Ang ibang mga aklat nang kalaunang naging [[kanon]] ng Bagong Tipan ay itinakwil ni Marcion. Si [[Irenaeus]] ang unang nagmungkahi ng pagtanggap lamang sa apat na ebanghelyo at nangatwiran laban sa mga ibang pangkat na Kristiyano na gumagamit ng mga ebanghelyo na kaunti o higit pa sa 4. Kanyang binatikos ang [[Gnostisismo]] at itinakwil ang [[Ebanghelyo ng Katotohanan]] dahil sa nilalamang [[gnostiko]] nito. Tinangka ni [[Papa Víctor I|Victor]] na obispo ng Roma na ideklarang [[erehiya]] at itiwalag ang mga nagdiriwang ng paskuwa sa Nisan 14. Bago ni Victor, may isang pagkakaiba sa petsa ng pagdiriwang ng Paskuwa sa pagitan ng mga obispo ng Asya menor at Kanluran. Ipinagdiriwang ito ng mga simbahan sa Asya menor tuwing ika-14 ng buwang Nisan ng mga Hudyo na araw bago ang paskuwa ng mga Hudyo nang hindi isinasaalang kung anong araw ng linggo ito mahulog na kanilang binatay sa [[Ebanghelyo ni Juan]] sa {{Bibleverse2||Juan|18:28}} at {{Bibleverse2||Juan|19:14-15}}.<ref name=eusebius>Eusebius, Church History 5.23-4</ref> Ang kasanayang ito ay sinunod ni [[Policarpio]] na obispo ng [[Smyrna]] sa Asya (na inangking alagad ni Apostol Juan) gayundin ni [[Melito ng Sardis]]. Salungat sa Ebanghelyo ni Juan, ang {{Bibleverse2||Marcos|14:12-18}}, {{Bibleverse2||Mateo|26:17-21}} at {{Bibleverse2||Lucas|22:8}} ay nagsasaad na ang Huling Hapunan ang Seder na [[Paskuwa]] na isinasagawa ng mga Hudyo sa simula ng [[Nisan]] 15. Ipinagdiriwang ng Kanluran ang Paskuwa tuwing linggo kasunod ng ika-14 ng Nisan. Ang mga synod ay idinaos sa [[Syria Palaestina|Palestina]], [[Diocese of Pontus|Pontus]] at [[Osrhoene]] sa ''silangan'' at [[Roma]] at [[Gaul]] sa ''kanluran'' na ang bawat isa ay nagpasyang ang pagdiriwang ng paskuwa ay dapat tuwing linggo. Ang isang pagpupulong sa Roma ay idinaos na pinangasiwaan ni Victor at nagpadala ng liham kay [[Polycrates ng Efeso]] at mga simbahan sa probinsiya ng Asya. Sa parehong taon, tinipon ni Polycrates ang isang pagpupulong sa [[Efeso]] na dinaluhan ng mga obispo sa buong probinsiya ng Asya at nagpasya silang sawayin si Victor at panatilihin ang kanilang tradisyon ng paskuwa.<ref name=eusebius/> Pinutol ni Victor ang kanyang kaugnayan sa mga obispong gaya nina [[Polycrates]] ng [[Efeso]] na sumalungat sa kanyang mga pananaw tungkol sa Paskuwa. Ang isyu ng paskuwa ay sinagot sa [[Unang Konseho ng Nicaea]] noong 325 CE na nagpasyang ang paskuwa ay dapat idaos tuwing linggo kasunod ng buong buwan pagkatapos ng equinox na tagsibol. Itinakwil rin ni Victor si [[Theodotus ng Byzantium]] dahil sa kanyang paniniwalang [[adopsiyonismo]] tungkol kay Kristo. Naniwala si Theodotus na si Hesus ay ipinanganak bilang isang hindi-Diyos na tao at kalaunan lamang "inampon" ng Diyos sa kanyang bautismo at naging Diyos pagkatapos ng kanyang pagkabuhay muli.
 
===Ikatlong siglo===