81,182
edit
No edit summary Tatak: 2017 source edit |
No edit summary Tatak: 2017 source edit |
||
{{italic title}}
Ang '''kasubha''' (mula sa [[wikang Sanskrit|Sanskrito]]: कुसुम्भ [kusumbha]),(Ingles: ''safflower'') o '''''Carthamus tinctorius''''', isang uri ng carthamus na nasa pamilyang Asteraceae. Ito ay masangay, mala-[[damo]], mala-[[dawag]] na taunang [[halaman]]. Itinatanim ito dahil sa [[mantika]] nito na hango sa mga buto nito. Ang mga halaman ay nasa 30 hanggang 150 sentimetro ang taas, na may mabilog na kumpol ng [[bulaklak]] na kadalasa'y may [[kulay]] [[pula]], [[dilaw]] at [[kahel]]. Bawat sanga ay kadalasa'y may isa hanggang limang kumpol ng bulaklak, kada isa'y may 15 hanggang 20 buto. Ang kasubha ay katutubo sa mga tigang na klima na may pana-panahong pag-ulan. Tinutubuan ito ng malalim na punong-ugat, kaya nito nagagawang mabuhay sa klimang ito.
|