Mesosoiko: Pagkakaiba sa mga pagbabago

m
sp Paleozoic (via JWB)
m (sp Triassic (via JWB))
m (sp Paleozoic (via JWB))
{{Geological era}}
Ang '''Era na Mesosoiko''' ay isang interbal ng panahong heolohiko mula mga 250 milyong taon ang nakalilipas hanggang mga 65 milyong taon ang nakalilipas. Ito ay kadalasang tinutukoy bilang '''Panahon ng mga Reptilya''' dahil ang mga [[reptilya]] na mga [[dinosauro]] ang mga nananaig na mga [[berterbrata]]ng pang-lupain at pang-tubig ng panahong ito. Ang erang ito ay nagsimula kasunod ng [[pangyayaring Permian-Triassic]] na pinakamalaking [[ekstinksiyong pang-masa]] sa kasaysayan ng daigdig at isa pang ekstinksiyong pang-masa na kilala sa pagpapatay sa mga hindi-ibong mga [[dinosauro]] gayundin ang ibang mga [[halaman]] at mga espesye ng hayo. Ang ''mesosoiko'' ay nangangahulugang "gitnang buhay" mula s Griyegong panlapi na ''meso-''/''μεσο-'' na nangangahulugang "gitna" at ''zōon''/''ζωον'' na nangangahulugang "hayop". Ito ang isa sa mga eron na [[Phanerosoiko]] na pinangunahan ng [[PaleosoikoPaleozoic]]("sinaunang buhay") at sinundan ng [[Cenozoiko]]("bagong buhay"). Ang erang ito ay hinahati sa tatlong mga pangunahing panahon: Ang [[Triasiko]], ang [[Hurassiko]] at ang [[Kretaseyoso]] na karagdagan pang hinati sa ilang mga yugto at epoch. Ang panahong Mesososiko ay isang panahong ng mahalagang [[tektonikang plato]], klima at [[ebolusyon]]aryo. Ang erang ito ay nakasaki ng unti-unting paghahati ng superkontinenteng [[Pangaea]] sa magkakahiwalay na mga masa ng lupain na kalaunan ay lumipat sa mga kasalukuyang posisyon nito. Ang klima ng Mesosoiko ay iba iba na naghahalinhan sa pagitan ng katamtamang pag-i init at paglalamig. Gayunpaman, ang daigdig sa panahong ito ay mas mainit kesa sa kasalukuyang panahon. Ang mga hindi ibong [[dinosauro]] ay lumitaw sa Gitnang [[Triasiko]] at naging nananaig na mga [[bertebrata]]ng pang-lupain sa simula nang [[Hurassiko]] at sumakop ng posisyong ito sa loob ng mga 135 milyong taon hanggang sa pagkamatay ng mga ito sa wakas ng [[Kretasyoso]]. Ang mga [[ibon]] ay unang lumitaw sa [[Hurassiko]] na nag-[[ebolusyon|ebolb]] mula sa isang sanga ng mga dinosaurong [[theropoda]]. Ang unang mga [[mamalya]] ay lumitaw rin sa panahong Mesosoiko ngunit nanatiling maliit at katamtaman hanggang sa era na [[Cenosoiko]].
[[File:Velociraptor 28-12-2007 15-06-24.jpg|thumb|right|Ang kalansay ng isang ''[[Velociraptor]]'' na nagpapakita ng labis na tulad ng ibong katangian ng mas maliit na mga [[dinosauro]]ng [[theropoda]]. Ang mga [[ibon]] ay nag-[[ebolb]] mula sa mga [[theropoda]] sa panahong Mesosoiko.]]
==Mga sanggunian==