Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "United Kingdom"

walang buod ng pagbabago
Dahil sa matagalang paghina ng agimat at mga alitang kalalangin noong pultaong-70, nagpanimula ang [[Pamahalaang Konserbatibo 1979-1990|Pamahalaang Konserbatibo ng 1980]] ng mga patakarang [[monetarism]]o, deregulasyon lalo na sa sektor ng pampananalapi (halimbawa, [[Malaking Bang (pampananalaping kalakal)|Malaking Bang noong 1986]]) at kalakal sa manggagawa, pagbibili sa mga pagmamay-ari ng pamahalaan ([[pagsasapribado]]), at pagbawi sa mga tulong-pananalapi.<ref>{{cite book |title= British politics since 1945 |first= Peter |last=Dorey |year=1995 |pages=164–223 |isbn=978-0-631-19075-2 |location =Oxford |publisher=Blackwell |series= Making contemporary Britain}}</ref> Dahil dito, maraming tao ang nawalan ng pagkakakitaan, pagkabalisa ng lipunan, at pagbagal ng agimat lalo na sa bahaging paninilbi. Mula 1984, ang agimat ay tinulungan ng malaking kita sa [[langis sa Dagat Hilaga]].<ref>{{cite book |url= http://vig.pearsoned.co.uk/catalog/uploads/Griffiths_C01.pdf |title=Applied Economics |publisher=Financial Times Press |year=2007 |edition=11th |accessdate=26 Disyembre 2010 |page=6 |author1 =Griffiths, Alan |author2 =Wall, Stuart |location =Harlow |isbn=978-0-273-70822-3}}</ref>
 
Sa pagtatapos ng ika-20 dantaon, may mga malalaking pagbabago sa pamamahala ng NK sa Eskosya at Kahilagaang Irlanda dahil sa pagkakatatag ng mga pambansang pangasiwaan kung saan [[Paglilipat ng kapangyarihan|inililipat ang kapangyarihang mamahala]] dito.<ref>{{Cite journal |url= http://publius.oxfordjournals.org/cgi/content/abstract/28/1/217 |title= Reforging the Union: Devolution and Constitutional Change in the United Kingdom |accessdate=4 Pebrero 2009 |journal=Publius: the Journal of Federalism |volume=28 |issue=1 |page=217 |last=Keating |first=Michael |date=1 Enero 1998}}</ref> Isang [[Batas sa Karapatang Pantao ng 1998|pagsasabatas]] din ang ginawa alinsunod sa [[Katipunang Europeo sa Karapatang Pantao]]. Ang NK ay may mahalaga pa ring gampanin sa pakikipagsuguan at hukbuan. Nangunguna rin ito sa mga gampanin sa [[Unyong Europeo|UE]], [[Mga Nagkakaisang Bansa|NB]], at [[Kapisanan ng Kasunduan sa Hilagang Atlantiko|KKHA]]. Gayunpaman, may mga alitan ding natanggap ang Britanya ukol sa [[paggamit ng mga panghukbo]] nito sa ibayong-dagat, lalo na sa [[Afghanistan|Apganistan]] at [[Irak]].<ref>{{cite news |url= http://www.ft.com/cms/s/0/a6d31ca2-5e22-11e0-b1d8-00144feab49a.html#axzz1MN2vkt7a |author=Jackson, Mike |title=Military action alone will not save Libya |work=Financial Times |location=London |date=3 Abril 2011}}</ref>
 
Sa taong 2013, ang NK ay nagsusumikap pa ring makaahon sa kagipitang naganap sa pandaigidgang panganib sa pananalapi noong 2008. Isang pakikipagtulungan sa pamahalaan ang nagpanukala ng mga hakbang sa paggigipit upang lutasin ang malaking kakulangan sa pananalapi.<ref>http://www.bbc.co.uk/news/world-europe-18023389</ref>
Noong 2009, ang NK ang ika-13 pinakamalaking tagalikha ng likas na gas sa buong daigdig, at ang pinakamalaki sa buong SE. Kumakaunti na rin ang paglikha nito at nagiging taga-angkat na ito simula noong 2004. Noong 2009, kalahati ng mga gas sa Britanya ay inangkat. Inaasahang dadalas pa ang pag-angkat sa 75% sa 2015 dahil nauubos na ang mga imbak nito sa bansa.
 
Ang paglikha ng uling ay naging mahalaga sa agimat ng bansa noong ika-19 at ika-20 dantaon. Noong gitnang pultaong-70, 130 angaw na tonelada ng uling ang nalilikha taon-taon. Hindi ito bumababa sa 100 angaw na tonelada hanggang noong 1980. Noong pultaong-80 hanggang 90, lubusang lumiit ang kalalang ng uling. Noong 2011, nakakalikha na lamang ang bansa ng 18.3 angaw na toneladang uling. Noong 2005, nakatuklas ito ng 171 angaw na toneladang imbak ng panumbalikang uling. Ayon sa [[Kapamahalaan sa Uling]], maaari pa itong makalikha ng 7 hanggang 16 na sanggatosg toneladang uling sa pamamagitan ng [[paggagas sa uling sa ilalim ng lupa]] oro ''[[fraking]]''. Bukod dito, ayon sa kasalukuyang bilis ng pag-ubos ng uling ng bansa, maaari pa itong tumagal ng 200 hanggang 400 taon. Ngunit isang alintana sa kalikasan at lipunan ang maaaring mangyari kung ang mga kemikal ay mahalo sa hapag-tubigan at may mga mahihinang paglindol na maaaring makawasak ng mga bahay.<ref>[http://www.bbc.co.uk/news/uk-17448428 Fracking: Concerns over gas extraction regulations]</ref><ref>http://www.foe-scotland.org.uk/fracking</ref>
 
Noong mga huling taon ng pultaong-90, ang lakas nukleyar ay nakatulong sa tinatayang 25% ng kabuuang paglikha ng kuryente kada taon. Ngunit ito ay unti-unting bumababa dahil ang mga lumang gusaling lumilikha nito ay ipinasara. Noong 2012, may 16 na reaktor ang nakapaglilika ng 19% ng kuryente ng bansa. Lahat ng mga ito, maliban sa isa, ay maisasara sa 2023. 'Di tulad ng Alemanya at Hapon, binabalak ng NK na magtayo ng mga bagong salinlahing gusaling nukleyar sa 2018.