Banal na Imperyong Romano: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Removing "Flag_of_the_Confederation_of_the_Rhine.svg", it has been deleted from Commons by Alan because: Per c:Commons:Deletion requests/File:Flag of the Confederation of the Rhine.svg.
m cleanup (via JWB)
Linya 119:
== Pangalan ng Imperyo ==
[[Talaksan:Sacre de Charlemagne.jpg|thumb|left|Koronasyon ni [[Carlomagno]] noong 800.]]
Dahil sa pagkuha ng kaparehong pangalan, sinasarili ng Imperyo ang pagkakataon na sila ay nagmula sa [[Imperyong Romano]], na katulad ng [[Imperyong Byzantine|Silangang Imperyo Romano (Imperyong Bizantino)]], ay nangangarap ng paglakas sa daigdig. Noong ika-11 siglo lamang nang dumating ang paniniwalang isang malakas na imperyo ang kahariang ito.<ref>John Gilissen, ''La notion d'empire dans l'histoire universelle'', sa : ''Les grands empires'', De Boeck Université, 1989, {{p.}}846.</ref> Sa kabilang banda, namayani muli ang takot sa mga [[propesiya]] ni [[Daniel (ng Bibliya)|Daniel]] kung saan hinulaan niya na may apat na malakas na imperyo ang mamayani bago dumating ang [[Anti-Kristo]] at [[Huling Paghahatol]].<ref>{{de}} Peter Hutter, {{lang|de|''Germanische Stammväter und römisch-deutsches Kaisertum''}}, Hildesheim, 2000, p. 20.</ref> Ito raw ang dahilan kung bakit hindi bumagsak ang Imperyong Romano. Ang sinumang maging emperador ng Banal na Imperyong Romano ay magiging [[santo]]. Ito ang dahilan kung bakit pumayag si [[Carlomagno]] na makoronahan ni [[Papa]] [[Papa Leo III|Leo III]] bilang hari o ''Imperator Augustus'', na naging hudyat ng pagtatatag niya sa Imperyo noong 800.
 
Nang hanggang sa kalagitnaan ng ika-10 siglo, wala pa ring Emperador ang kwalipikado na maging santo. Ang unang emperador na si [[Otto I Banal na Imperyong Romano|Otto I]] at kanyang mga tagasunod ay kinikilala bilang kinatawan ng [[Diyos]] sa [[daigdig]] at mga unang patrono ng [[Simbahang Katoliko]].
Linya 131:
== Batasan ng Imperyo ==
[[Talaksan:Titelblatt Staatsverfassung.jpg|thumb|180px|"''Makasaysayang Pagbabago ng Kasalukuyang Estado ng Konstitusyon ng Banal na Imperyo''" ni Justitzrath Pütter. - Göttingen: Vandenhoeck & Ruprecht, 1788.]]
Ang mga batayan sa pagbubuo ng legal na pundasyon ng Imperyo ay hindi masasabing katulad sa totoo at maka-batas na basehan.<ref name="weikl27">Katharina Weikl, {{lang|de|''Krise ohne Alternative? Das Ende des Alten Reiches 1806 in der Wahrnehmung der süddeutschen Reichsfürsten''}}, Berlin, 2006,p.27.</ref>. Ang mga batas sa Imperyo ay binubuo ng ibinigay na talaan ng mga kautusang ibinatay naman sa [[Gitnang Panahon]] at paunti-unting binabago ng mga natural na pangyayari gaya ng modernisasyon. Ayon sa mga abogado ng ika-18 siglo, ang mga batas ng Imperyo ay pinaghalu-halong kaisipang may kaugnayan sa karapatan, at mga sinaunang literatura na tumutungkol sa paniniwala, tradisyon, kakayahan bilang manggagawa; mga gawaing pambayan ng Imperyo at ng kanyang mga nasasakupan.
 
Ang organisasyong panloob ng Imperyo, na nasa [[pederal]] na anyo ng pamamahala, ay labis na pinulaan ng mga kontemporaryong kritiko ng kasaysayan noong ika-17 siglo, gaya ni [[Samuel von Pufendorf]], na ginamit ang [[:en:pseudonym|tagong-pangalan]] na ''Severinus von Monzambano'' sa kanyang aklat na [[De statu imperii Germanica]] (Ang Kalagayan ng Imperyong Aleman). Ito ay ginawa ni von Pufendorf upang maprotektahan ang interes ng mga [[Protestante]]ng prinsipe sa loob ng Imperyo, kung saan tinawag niya ang huli bilang "kawangis ng isang [[halimaw]].<ref>Katharina Weikl, op. cit. p.31.</ref> Sa kabilang banda, ang organisasyon ng Imperyo sa mataas na lebel ay binubuo ng isang piniling lider ng emperador; ang emperador at kanyang konseho; at ang mga estadong imperyal. Ang kakaibang anyo ng Imperyo ay gumugulo sa ilang mga abogado ng panahong iyon–ang pinagmulan at kung paano ito nabuo. Mayroon kasing konsehong tinatawag na ''Majesta realis'' na kalipunan ng mga estadong imperyal habang mayroong ''majesta personalis'' na itinatalaga ng emperador.<ref>{{de}} Heinz Duchhardt, {{lang|de|''Barock und Aufklärung''}}, Munich, 2007, {{p.}}12.</ref>
 
== Mga sanggunian ==