Andrés Bonifacio: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Linya 35:
Dahil sa ang mga kasapi ng Magdalo ay mga may kayang tao sa hilagang-kanlurang bahagi ng Kabite at kanilang mga taga-sunod, ayaw nila kay Andres Bonifacio sapagkat ito ay isang laki sa hirap at ayaw nilang tanggapin na sila ay pinamumunuan ng isang mahirap na kagaya ng Supremo kaya't minamaliit nila ang kakayahan nito. Nang sinubukan ng mga kasapi ng lupon ng mga Magdalo na usisain ang kakayahan ni Andrés Bonifacio na gawin ang tungkulin ng isang Tagapangasiwa ng Panloob, na ayon sa kanila ay gawain lámang ng isang abogado, nainsulto si Bonifacio. Idineklara ng Supremo, bílang pangulo ng Katipunan, na walang bisa ang naganap na eleksiyon dahilan sa pandaraya sa botohan ng mga Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil ng mga Magdalo. Habang hindi pa naka-aalis ng Cavite, siya ay ipinahuli at ipinapatay ni [[Emilio Aguinaldo|Aguinaldo]] sa kaniyang mga tauhan. Iniutos kay [[Mariano Noriel]] na ibigay ang hatol sa isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio kasáma ang kaniyang kapatid na laláking si [[Procopio Bonifacio]] noong 10 Mayo 1897 malapit sa Bundok Nagpatong (o [[Bundok Buntis]]).
 
Noong 1918, sinikap ng pamahalaan ng Pilipinas na hanapin ang labi ni Andrés Bonifacio sa Maragondon. Ayon sa isang grupo ng mga opisyal ng pamahalaan, mga dáting rebelde at isang laláking nagpakilala bílang dáting kasambahay ni Bonifacio, nahanap daw ang kaniyang mga buto sa isang taniman ng kawáyan noong 17 Marso 1918. Inilagay ang mga labí sa hulíng pamamahala ng [[Pambansang Aklatan ng Pilipinas|Pambansang Aklatan ng amerika]], at itinipon ito sa [[Lumang Gusaling Batasan]] (ang kasalukuyang [[Pambansang Museo ng Pilipinas]]) hanggang sa nawala ang urna noong panahon ng [[Labanan sa Maynila (1945)|Labanan sa Maynila]] ng 1945.
 
==Katipunan==