Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "C. S. Lewis"

pagdadagdag sa pagsasalin
(Bagong pahina: {{Infobox writer <!-- for more information see Template:Infobox writer/doc --> | name = C. S. Lewis |pseudonym = Clive Hamilton, N. W. Clerk | birth_name = Clive Staples Lewis...)
 
(pagdadagdag sa pagsasalin)
 
Si '''Clive Staples Lewis''' (Nobyembre 29, 1898&nbsp;– Nobyembre 22, 1963) ay isang Briton na nobelista, makata, akademiko, [[agham medyebal|medyebalista]], kritikong pampanitikan, sanaysay, [[teologong pangkaraniwan]], tagapagbalita sa radyo, lektor, at [[Apolohetikang Kristiyano|apolohetikong Kristiyano]]. Pinakakilala siya para sa kanyang mga gawang piksyon, lalo na ang ''[[The Screwtape Letters]]'', ''[[The Chronicles of Narnia]]'', at ''[[The Space Trilogy]]'', at para na kanyang mga 'di-piksyon na apolohetikang Kristiyano, tulad ng ''[[Mere Christianity]]'', ''[[Miracles (book)|Miracles]]'', at ''[[The Problem of Pain]]''.
 
Si Lewis at kapwa nobelistang si [[J. R. R. Tolkien]] ay malapit na magkaibigan. Sila ay parehong nagsilbi sa kaguruan ng Ingles sa Oxford University, at naging aktibo sa impormal na grupo ng pampanitikan sa Oxford na kinilala bilang ang [[Inklings]]. Ayon sa talang-gunita ni Lewis na ''[[Surprised by Joy]]'', nabautismuhan siya sa [[Simbahan ng Irlanda]], ngunit nahulog mula sa kanyang pananampalataya sa pagbibinata. Bumalik si Lewis sa [[Anglikanismo]] sa edad na 32, dahil sa impluwensya ni Tolkien at iba pang mga kaibigan, at naging "karaniwang ordinaryong tao ng Simbahan ng Inglatera".<ref>{{Cite book | last = Lewis | first = C. S. | year = 1997 | origyear = 1952 | title = [[Mere Christianity]] | place = London | publisher = Collins | isbn = 978-0060652920}}</ref>
 
Nagsulat si Lewis ng mahigit 30 aklat,<ref>Richard B. Cunningham, ''C. S. Lewis: Defender of the Faith'', Wipf and Stock Publishers (2008), p. 14</ref> na naisalin sa mahigit 30 wika at nakapagbenta ng mga milyon na kopya.
646

edits