Arkitekturang Baroko: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
mNo edit summary
No edit summary
Linya 17:
Sa ika-17 siglo, kumalat ang arkitekturang Baroque sa Europa, Amerikang Latino, at Pilipinas, na kung saan tiyak na pinalaganaap ito ng mga Heswita
 
== Mga nauna at mga katangian ng arkitekturang Baroque ==
Ang huling Romanong gusali ni [[Michelangelo Buonarroti|Michelangelo]], partikular sa [[Basilika ni San Pedro]], ay maaaring ituring bilang nauna sa arkitekturang Baroque. Ipinagpatuloy ang ganitong gawi sa Roma ng kaniyang mag-aaral na si [[Giacomo della Porta]], partikular sa patsada ng [[Simbahan ng Gesù|Il Gesù]], na may direktang kaugnayan sa pinakamahalagang patsada ng simbahan ng simulang Baroque, ang [[Santa Susanna]] ni [[Carlo Maderno]].<ref>For discussion of Maderno’s facade, see Wittkower R., ''Art & Architecture in Italy 1600–1750'', 1985 edn, p. 111</ref>
 
Ilan sa mga natatanging katangian ng Baroque:
#sa mga simbahan, maluluwag na nabe at minsan ay hugis itlog
#pira-piraso o sinasadyang hindi kompletong mga elementong pang-arkitektura
#dramatikong paggamit ng ilaw; maaaring masidhing kaibahaan sa ilaw-at-anino (epektong chiaroscuro) gaya ng simbahan ng [[Abadiya ng Weltenburg]], o ng pantay na pag-ilaw sa pamamagitan ng ilang bintana (hal. [[Abadiya ng Weingarten]]).
#marangyang paggamit ng mga kulay at palamuti (putti o mga pigura gawa ng kahoy (kadalasan ay tinubog), plaster o stucco, marmol o artipisyal na pagtatapos).
#dambuhalang mga fresco sa kisame
#isang patsada sa labas na madalas may kinatatangian ng dramatikong sentral na pag-ungos
#ang loob ay may mararangyang pintura, lilok, at stucco (lalo na sa huling Baroque)
#ilusyonistang epekto gaya ng [[trompe l'oeil]] (iasng pamamaraang pansining na ginagamitan ng makatotohanang mga imahen upang makalikha ng ilusyon sa mata na tila magpapakita sa mga pinta bilang mga bagay na na sa tatlong dimensiyon) at ang paghahalo ng [[pagpinta]] at [[arkitektura]]
#mga simboryo na hugis peras sa [[Bavaria]], [[arkitekturang Tsekong Baroque|Tseko]], [[Baroque sa Polonya|Polako]], at [[Ukranyong Baroque]]
#[[Mga haligi alay kay Maria at Banal na Santatlo]] na itinatayo sa mga bansang Katolika, madalas para sa pagpapasalamat buhat ng salot
 
===Baroque at kolonyalismo===
[[File:Church of Immaculate Conception, Panjim 1.jpg|thumb|upright=0.9|Ang pananakop ng mga Portuges sa [[Goa]], India ay nagdala ng maraming simbahan na may arkitekturang Baroque ([[Simbahan ng Mahal na ina ng Inmaculada Concepcion, Goa|Simbahan ng Mahal na ina ng Inmaculada Concepcion]]).]]
[[File:The Facade of Sta Barbara Church.JPG|thumb|upright=0.9|Kasabay naman ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay pagtatayo ng mga simbahang Baroque, gaya ng sa [[Simbahan ng Santa Barbara]], Iloilo, na malalapad, upang maging matatag laban sa mga lindol.]]
Bagaman maaaring tingnan ang arkitekturang Baroque bilang isang pangyayari sa Europa, sinabayan nito, at naging mahalaga ito sa pag-usbong ng [[kolonyalismo|kolonyalismong]] Europeo. Kinailangan ng kolonyalismo ang pagpapaunlad ng mga sentralisado at makapangyarihang gobyerno ng Espanya at Pransiya, mga unang bansa na tumahak nang ganito.<ref>Bagaman may malawak na literatura sa paksang ito, mababasa ang maikli, ngunit pangkalahatang-idea sa: Francis Ching, [[Mark Jarzombek]], Vikram Prakash, ''A Global History of Architecture'', Wiley Press, 2006.</ref> Dinala ng kolonyalismo ang mararaming yaman, hindi lamang sa pilak na minina sa mga minahan ng Bolivia, Mexico, at iba pa, ngunit pati na rin sa kinalabasan ng kalakalan sa mga kalakal, gaya ng sa asukal at tabako. Ang pangangailangan upang masakop ang mga ruta ng kalakaal, mga monopolyo, at pang-aalipin, na pangunahing napasakamay ng mga Pranses noong ika-17 siglo, ay nakalikha ng ilang halos walang-humpay na giyera sa pagitan ng mga mananakop: ang [[Mga Giyera ng Relihiyon ng Pransiya]], ang [[Digmaan ng Tatlumpung Taon]] (1618 at 1648), [[Digmaang Franco-Español (1635-1659)]] (1653), ang [[Digmaang Franco-Olanda]] (1672-1678), at marami pa. Ang mga naunang maling pamamahala ng yamang kolonyal ng Espanya ang nagpabangkarote sa kanila noong ika-16 na siglo (1557 at 1560), na may mabagal na pagpapanumbalik sa sumunod na siglo. Ito ang dahilan na kung bakit ang estilong Baroque, bagaman lumaganap sa buong [[Imperyong Kastila]], ay sa malaking banda, sa Espanya, isang arkitektura ng mga ibabaw at patsada, iba sa Pransiya at Austria na kung saan ay kakikitaan ng maraming malalaking palasyo at monasteryo. Kaiba sa Espanya, ang Pransiya sa ilalim ni [[Jean-Baptiste Colbert]] (1619–1683), ang ministro ng pinansiya, ay nagsimulang gawing industriyalisado ang kanilang ekonomiya, at sila ay nakinabang sa pagdaloy ng yaman. Bagaman ikinaunlad ito sa industriya ng pagtatayo at sa mga sining, lumobo ang presyo bunga ng bagong yaman, na hindi naranasan noon pa man. Kilala lang ang Roma sa mararangya nitong mga bagong simbahan gaya ng sa mga bagamundo nito.<ref>Peter Pater. ''Renaissance Rome''. (University of California Press, 1976) pp.70–3.</ref>
 
== Mga sanggunian ==