Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Semilya"

==Paglalarawan==
 
Ang terminong semilya ay tumutukoy sa tamod na matatagpuan sa itlog, bayag, bola, o kung ano ang gusto mong itawag hahaha ng lalaki para sa pagpaparami ng tao o pag gawa ng bata. Nagmula ito sa salitang Griyego na ''sperma'' na nangangahulugang punla. sa mga uri ng sekswal na pagpaparami na kilala rin sa tawag na ''anisogamy'' at ''oogamy'', mayroong malaking pagkakaiba sa laki ng mga ''gametes''. Ang maliliit na ''gametes'' ay tinutukoy bilag semilya o panlalaking selula. Ang isang ''uniflagellar'' na semilya na madaling gumalaw o lumipat ay tinatawag na ''spermatozoon'', at ang mga hirap gumalaw o lumipat ay tinatawag na ''spermatium''. Ang mga semilya ay hindi nahahati at hindi rin tumatagal ang buhay, ngunit pagkatapos ng pakikipag-isa nito sa pambabaeng selula o itlog, habang nasa proseso ng pagpaparami ay unti - unting nabubuo ang isang bagong organismo, na nagsisimula bilang isang ''totipotent zygote''. Ang semilya ay ''haploid'' o pagkakaroon lamang ng isang set ng walang kapares na ''chromosome'', ang 23 na mga ''chromosome'' nito ay maaaring sumugpong sa 23 na mga ''chromosome'' ng pambabaeng selula o itlog upang bumuo ng isang ''diploid cell'' o selula na mayroong kompletong dalawang magkapares na set ng ''chromosome''. Sa mga mamal, ang semilya ay nabubuo sa bayag at inilalabas sa mismong ari ng lalaki. Maaari din itong makuha sa pamamagitan ng ''Testicular sperm extraction'' o ang pagkuha ng semilya mula mismo sa bayag. Ang semilya ng mga mamal ay binubuo ng ulo, katawan at buntot. Ang mga bangko na nangangalaga ng mga semilya ay may kakayanang mangalaga ng hanggang sa 170 litro ng semilya.
 
==Tingnan din==
Anonymous user