Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Taguig"

27,111 byte added ,  3 year ago
m
Ibinalik ang mga pagbabago ni MSI BIOS settings (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WayKurat
(spammer)
Tatak: Replaced
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni MSI BIOS settings (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WayKurat)
Tatak: Rollback
{{Infobox Philippine city 2
== The tower of Enlightenment (April 20, 1990 - April 20, 2018) ==
| infoboxtitle = Lungsod ng Taguig
[[File:Bolinao,Pangasinanjf6294 42.JPG|thumb|center|1000px|The tower of Enlightenment (April 20, 1990 - April 20 2018)]]
| image_skyline = Montage of Taguig.png
| image_caption = (Mula sa taas, kaliwa-pakanan): [[Bonifacio Global City]], [[Simbahan ng Taguig|Archdiocesan Shrine of Saint Anne]], Gusaling Panlungsod ng Taguig, Napindan Parola, [[Arca South]]
| sealfile = Ph_seal_ncr_taguig.png
| locatormapfile = Ph_locator_ncr_taguig.png
| caption = Mapa ng [[Kalakhang Maynila]] na nagpapakita sa lokasyon ng Taguig
| region = [[Kalakhang Maynila|Pambansang Punong Rehiyon]]
| province = —
| districts = Una at Ikalawang Distrito ng Taguig
| barangays = 28
| founded_town = 25 Abril 1587
| cityhood = 8 Disyembre 2004
| class = Unang Klase
| mayor = Ma. Laarni Cayetano([[Nationalista Party]])
| vice_mayor = Ricardo Cruz Jr. ([[Nationalista Party]])
| cityhood = 8 Disyembre 2004
| areakm2 = 47.88
| population_as_of = 2007 | population_total = 613343
| area_code = 2
| zip_code = 1630 to 1638
| elevation_ft = 52 ft
| elevation_m = 16.0 m
| latd = 14| latm = 33| lats = | latNS = N
| longd = 121| longm = 5| longs = | longEW = E
| website = {{URL| www.taguig.gov.ph}}
}}
 
Ang '''Taguig''' (Tagíg, {{IPA-tl|taˈɡiɡ|pron}}) ay isang [[lungsod]] na sakop ng [[Kalakhang Maynila]] sa [[Pilipinas]]. Dating komunidad ng palaisdaan sa pampang ng [[Laguna de Bay]] ngunit ngayon, isa na itong mahalagang pamahayan (residential) at industriyal na arabal ng [[Maynila]]. Lalong umunlad ang lungsod pagkatapos ng pagtatayo ng [[Daang Palibot Blg. 5|lansangang C-5]] at pagkuha ng [[Bonifacio Global City]].
 
Matatagpuan ang Taguig sa kanlurang pampang ng Laguna de Bay at pinapaligiran ng [[Muntinlupa]] sa timog, [[Parañaque]] sa timog-kanluran, [[Pasay]] sa kanluran, hilaga-silangang naman ang [[Taytay, Rizal]], at sa hilaga naman ang [[Lungsod ng Makati|Makati]], [[Pateros]] at [[Lungsod ng Pasig|Pasig]].
 
==Pinagmulan ng pangalan==
Ang Taguig ay nangaling na salitang ''taga-giik'' na ang ibig sabihin ay ''rice thresher''. Ang "Tagi-ig" ay kalaunay naging Taguig.
 
==Kasaysayan==
Bago dumating ang mga [[Espanyol]], Ang Taguig ay isang bahagi ng Kaharian ng [[Tondo]] na pinamumunuan ni [[Rajah Soliman]]. Mayroong din mga ebidensiya na ang mga [[Han Intsik|Intsik]] ay namalagi sa lugar na yaon na nasiwalat kamakailan-lamang sa pagkakahukay sa mga iba't-ibang mga artifacts tulad ng baso, tasa, mga plato at iba pang mga kagamitan, na mayroong mga karakter na Intsik. Ito ay pinaniniwalaang nagmula sa [[dinastiyang Ming]] sa [[Tsina]].
 
Ang Taguig ang isa sa mga pinakaunang kilalang teritoryo kung saan lumaganap ang [[kristiyanismo]] nang masupil nang mga [[Espanyol]] ang isla ng [[Luzon]] sa pamamagitan ng paglalayag ni [[Miguel López de Legazpi|Legazpi]] noong 1571. Sa pagitan ng mga taon ng 1582 at 1583, ang Taguig ay isang encomienda ng Tondo na pinamamahalaan ng isang Alcalde Mayor, Captain Vergara. Taong 1587 nang ang Taguig ay itinatag bilang isang hiwalay na "[[pueblo]]" ([[bayan]]) ng dating [[lalawigan]] ng [[Kalakhang Maynila|Maynila]]. Si Juan Basi ang [[Kapitan ng Baranggay|Kapitan]] mula 1587 hanggang 1588. Ayon sa mga tala, ang Taguig ay dating may siyam (9) na mga baryo; Bagumbayan, Bambang, Hagonoy, Palingon, Sta. Ana, Tipas, Tuktukan, Ususan, at Wawa. Nakita sa tala na ang Tipas ay naghain na nang pagnanais na maging isang independyenteng bayan ngunit ay tinanggihan ng pamahalaang [[Espanyol]].
 
Noong panahong iyon, ang Taguig ay mapupuntahan sa pamamagitan ng [[Ilog Pasig]], na kung saan ay konektado sa dalawang malalaking katawan ng [[tubig]], ang [[Manila Bay]] at [[Lawa ng Laguna]]. Ang populasyon noon ay tinatayang 800 na tributes. Ang bayan ay napagkukunan ng sapat na bigas para sa kanilang pagkonsumo subalit may kakaunting mga [[tubo]] para dalhin sa kiskisan. Ang mga tao ay nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda habang ang mga kababaihan ay naghahabi ng telang koton at "sawali" mula sa mga piraso ng kawayan.
 
Ang mga tao ng Taguig ay kilala sa paglaban sa parehong pamamahalang kolonyal ng mga [[Espanyol]] at [[Amerikano]]. Noong mga unang bahagi ng pananakop ng mga Espanyol, sinubukan ni Don Juan Basi, "Kapitan" ng Taguig noong 1587 hanggang 1588, na pabagsakin ang pamahalaang Espanyol subalit siya'y nabigo, at ipinatapon nang dalawang taon bilang kaparusahan. Nang bago pa lang ang [[Katipunan]] maraming mula sa Taguig ang naging mga tagasunod at di-naglaon ay sumali sa pag-aalsa. Ang mga tao ng Taguig ay sumali rin rebolusyonaryong pamahalaan ni [[Heneral]] [[Emilio Aguinaldo]] noong 6 Agosto 1898.
 
Sa panahon ng pananakop ng mga [[Estados Unidos|Amerikano]], sila ay nakibaka laban sa pwersa ni Heneral Wheaton sa ilalim ng pamumuno ni Heneral [[Pio del Pilar]]. Nasa tala rin na noong 6 Pebrero 1889, ang mga pwersa ng [[Pilipino]] kasama ang mga "revolutionarios" ang nagpalayas sa isang kampo ng mga Amerikano sa burol ng Taguig, na ngayon ay bahagi ng [[Pateros, Kalakhang Maynila|Pateros]] at [[Fort Bonifacio]]. Subalit natalo sila sa mga Amerikano sa higit nitong kahusayan sa pagsasanay at magagandang kagamitan. Tuluyang napasailalim ang Taguig sa First Washington Volunteer Infantry na pinamumunuan ni Col. Wholly.
 
Ang pagkatalo ng mga Pilipino matapos ang dalawang taon ng pakikibaka laban sa mga pwersang Amerikano ang nagpasailalim sa Pilipinas sa ibang sistema ng pamamahala. Noong 14 Agosto 1898, inukopa ng [[Estados Unidos]] ang isla at nagtatag ng pamahalaang militar kung saan si Heneral Wesley Meritt ang itinalagang Unang Gobernador-Militar. Ginampanan niya ang kapangyarihan lehislatibong hanggang 1 Setyembre 1900.
 
Sa simula ng rehimeng Amerikano, ang Taguig ay hinirang bilang isang independyenteng [[bayan]] sa pagpapatupad ng General Order blg. 4 noong 29 Marso 1900. Ang bayan ay isinama sa kagagawang [[lalawigan]] ng [[Rizal]] nang ipinatupad ng [[Komisyon ng Pilipinas]] ang Act. Blg. 137 sa 11 Hunyo 1901. Noong 12 Oktubre 1903, Ang Taguig, [[Lungsod ng Muntinlupa|Muntinlupa]] at [[Pateros, Kalakhang Maynila|Pateros]] ay ipinagsama sa bisa ng Act. blg. 942 kung saan ang Pateros naghost ng pamahalaang-bayan. Ang pagsama-sama ay hindi tumagal ng dahil makalipas ang isang buwan ang Muntinlupa ay inihiwalay at ginawang bahagi ng [[Biñan, Laguna|Biñan]] nang ang Act. blg. 1008 ay ipinatupad noong 25 Nobyembre 1903. Gayunpaman, ito ay ibinalik sa Taguig noong 22 Marso 1905 sa pagpapatupad ng Act. blg. 1308. Noong 29 Pebrero 1908, ang Taguig ay ipinahayag muli bilang isang malayang munisipalidad sa bisa Executive Order Blg. 20. Kalaunan, ang Pateros ay nahiwalay mula sa Taguig at parehong naging malayang bayan ng lalawigan ng Rizal noong 1 Enero 1918.
 
Sa simula ng rehimeng Amerikano, ang Taguig ay hinirang bilang isang independyenteng [[bayan]] sa pagpapatupad ng General Order blg. 4 noong 29 Marso 1900. Ang bayan ay isinama sa kagagawang [[lalawigan]] ng [[Rizal]] nang ipinatupad ng [[Komisyon ng Pilipinas]] ang Act. Blg. 137 sa 11 Hunyo 1901. Noong 12 Oktubre 1903, Ang Taguig, [[Lungsod ng Muntinlupa|Muntinlupa]] at [[Pateros, Kalakhang Maynila|Pateros]] ay ipinagsama sa bisa ng Act. blg. 942 kung saan ang Pateros naghost ng pamahalaang-bayan. Ang pagsama-sama ay hindi huling hanggang sa isang buwan mamaya [[Muntinlupa]] ay segregated mula sa mga ito at ginawang bahagi ng [[Biñan]] kapag Act. No 1,008 ay enacted sa 25 Nobyembre 1903. Gayunpaman, ito ay ibabalik sa Makati sa 22 Marso 1905 sa pagpoproklama Act. No 1,308. Sa 29 Pebrero 1908, Makati ay ipinahayag na muli ng isang malayang munisipalidad sa pamamagitan ng Executive Order No 20. Sa kalaunan, Pateros separated mula sa Makati at sa parehong naging malayang munisipyo ng Rizal lalawigan sa 1 Enero 1918.
 
Sa panahon din ng Kolonya ng Amerika nabili ng pamahalaan ng [[Estados Unidos]] ang 25.78 kilometro-kwadradong ari-arian ng Taguig para sa layuning militar. Ang malaking piraso ng lupa na may TCT petsang 1902, ay ginawang isang kampo at pagkatapos ay pinangalanang Fort McKinley (pinangalanan alinsunod sa ika-25 na pangulo ng Estados Unidos [[William McKinley]]). Nang inukopa ng mga [[Hapones]] ang [[Pilipinas]] noong 1942, sinakop ng [[Japanese Imperial Army]] ang Fort McKinley. Inukopa nila ang kampo ng militar hanggang sa katapusan ng digmaan noong 1945.
 
Pagkatapos maging malaya nang Pilipinas mula sa [[Estados Unidos]] noong 4 Hulyo 1946, ibiniigay ng Estados Unidos sa [[Republika ng Pilipinas]] ang lahat ng karapatan ng pagmamay-ari, kapangyarihan, pangangasiwa at kontrol sa teritoryo ng Pilipinas maliban sa paggamit ng mga base militar. Noong 14 Mayo 1949, ang [[Fort McKinley]] ay inilipat sa [[Pamahalaan ng Pilipinas]] sa bisa ng US embassy Note Blg. 0570.
 
[[Talaksan:Fort Bonifacio 2.JPG|thumb|Fort Bonifacio]]
Ang [[Fort McKinley]] ay ginawang permanenteng punong-himpilan ng [[Hukbong Katihan ng Pilipinas]] noong 1957 at di kalauna'y pinalitan ng pangalan patungong [[Fort Bonifacio]] alinsunod sa ng Ama ng [[Himagsikang Pilipino]] laban sa [[Espanya]], si [[Andres Bonifacio]].
 
Ang pampolitikang pagkakahati ng bayan ay pinalitan nang barangay alinsunod sa pagpapatupad ng Integrated Reorganization Plan (IRP) sa bansa noong 1970 nang ang bansa ay nasa ilalim ng [[Batas Militar]]. Dahil sa IRP nadagdagan ang pagkakahati nito sa 18 mga barangay; Bagong Tanyag, Bagumbayan, Bambang, Calzada, Hagonoy, Ibayo-Tipas, Ligid-Tipas, Lower Bicutan, Maharlika, Napindan, Palingon, Signal Village, Sta. Ana, Tuktukan, Upper Bicutan, Ususan, Wawa, at Western Bicutan. Di kalauna'y naidagdag sa kanyang nasasakupan ang Barangay Fort Bonifacio. Noong 7 Nobyembre 1975, ang Taguig ay kinuha mula sa lalawigan ng Rizal sa para mabuo ang [[Kalakhang Maynila]] sa pamamagitan ng Presidential decree blg. 824. Sa ngayon ang Taguig ay isa pa rin sa labingpitong (17) mga [[lungsod]] at [[bayan]] na bumubuo sa [[Kalakhang Maynila]].
 
Taong 1998, isang batas ang ipinasa Kongreso na nagsusulong sa pagiging lungsod ng Taguig. Ang resulta nang plebisito noong Abril ay nagpakita na ang mga mamamayan ay ayaw sa pagiging lungsod nit. Isang petisyon ang inihain sa [[Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas|Kataas-taasang Hukuman]] ng Pilipinas na muling bilangin ang naganap na plebisito at noong 19 Pebrero 2004 inatasan ng Kataas-taasang Hukuman sa [[Komisyon sa Halalan]] na magbilang ulit. Ayon sa muling pagbibilang marami sa mga mamamayan ang may gusto na maging isang lungsod ang Taguig(21,105 ang 'oo' at 19,460 'hindi'). Noong 8 Disyembre 2004 ang Taguig ay ganap nang naging lungsod.
 
==Edukasyon==
[[File:Tupunivlibrary.jpg|left|thumb|Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas, Taguig]]
{| border="0" cellpadding="10" style="float:right; font-size:0.70em; background-color:white;"
|+'''Mga Institusyon ng Edukasyon<br>sa Lungsod ng Taguig'''
|'''Pampubliko - Kolehiyo'''
*[http://www.ppsc.gov.ph/ Dalubhasaan ng Pampublikong Kaligtasan ng Pilipinas]
*[http://www.taguig.gov.ph/new/institutions_plt.htm Pamantasan ng Lungsod ng Taguig]
*[[Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas]] kampus ng Taguig
*[[Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas]] kampus ng Taguig
*[[Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan (Pilipinas)|TESDA]]
|'''Pribado - Kolehiyo'''
*[[Global City Innovative College]]
*[[STI Colleges]]
*[[St. Chamuel Institute of Technology]]
*[[AMA Computer Learning Center]]
*[http://www.enderuncolleges.com Enderun Colleges]
|'''Pribado - International Schools'''
*The Beacon School
*[[British School Manila]]
*[[International School Manila]]
*Leaders International Christian School
*[[Senator Renato Cayetano Memorial Science and Technology High School]]
*[[:en:Chinese International School Manila|Chinese International School Manila]]
*[[:en:Korean International School Philippines|Korean International School Philippines]]
*[[:en:Manila Japanese School|Manila Japanese School]]
|}
 
Ang Lungsod ng Taguig ay mayroong ilang prestihiyosong paaralang internasyonal tulad nang [[British School Manila]], [[International School Manila]], at [[:en:Manila Japanese School|Manila Japanese School]] na lahat ay matatagpuan sa University Parkway nang Bonifacio Global City. Ang [[:en:Chinese International School Manila|Chinese International School Manila]], [http://www.enderuncolleges.com Enderun Colleges], at [[:en:Korean International School Philippines|Korean International School Philippines]] ay matatagpuan naman sa kalapit na lugar nang McKinley Hill.
 
Ang iba pang mga paaralan sa Fort Bonifacio ay ang STI College Global City, [[Global City Innovative College]], [[Everest Academy Manila]] (isang paaralang internasyunal na pinamamahalaan ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas), Victory Leadership Institute, at [[MGC-New Life Christian Academy]].
 
Dalawa sa mga pangunahing Pamantasan din ang nasa Lungsod ng Taguig—ang [[Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas]], at ang [[Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas]]. Parehong matatagpuan sa Bicutan, Lungsod ng Taguig.
 
Ang [[Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan]] ([[TESDA]]) ay naitatag sa pagpapatupad ng "Batas ng Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan nang 1994", na nilagdaan bilang batas ni dating [[Pangulo ng Pilipinas|Pangulong]] [[Fidel V. Ramos]]. Nilalayon ng batas na ito ang buong pakikiisa at gamitin ang industriya, paggawa, lokal na pamahalaan, at institusyong teknikal-bokasyonal sa paglinang nang kasanayan nang mga yamang-tao ng bansa. Ang TESDA complex at mga pasilidad ay matatagpuan sa East Service Road nang South Luzon Expressway sa Lungsod ng Taguig.
 
Ang [http://www.ppsc.gov.ph/ Dalubhasaan ng Pampublikong Kaligtasan ng Pilipinas] sa [[Fort Bonifacio]] ay isang institusyong nag-aalok nang programang undergraduate at graduate para sa pagsasanay, pagpapaunlad ng yamang-tao, at patuloy na pag-aaral ng mga pulis, bumbero, at tauhan ng bilangguan.
 
Ang Lungsod ng Taguig ay may dalawang Islamikong institusyon ng edukasyon na matatagpuan sa [[Barangay Maharlika Village, Lungsod ng Taguig|Maharlika Village]]—ang Maharlika Bandara-Inged Integrated School at ang Maharlika Village Islamic Madrasa.
 
Ilan pang paaralan sa Lungsod ng Taguig ay ang pinamamahalaan ng lungsod na Taguig Science High School sa Hagonoy, ang pag-aari ng [[Simbahang Katoliko]] na [[Colegio de Sta. Ana]] (dating Sta. Ana Parochial School), [[The Fisher Valley College]], isang [[Kristiyano]]ng paaralan sa [[Barangay Hagonoy, Lungsod ng Taguig|Hagonoy]], at [[Saint Francis of Assisi College System]], paaralang [[katoliko]] sa [[Barangay Bagumbayan, Lungsod ng Taguig|Bagumbayan]].
 
Ang [http://www.taguig.gov.ph/new/institutions_plt.htm Pamantasan ng Lungsod ng Taguig] (University of Taguig City) ay nagbukas noong Nobyembre 2006 na mayroong panggabing klase sa dalawang Mataas na Paaralan sa lungsod. Ang konstruksiyon ng isang bagong gusaling pampaaralan ay pasisinayaan sa loteng malapit sa Hall of Justice ng Lungsod ng Taguig sa [[Barangay Lower Bicutan, Lungsod ng Taguig|Lower Bicutan]]. Ang isang ganap na kampus ay target sa 2009.<ref>[http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/metro/view_article.php?article_id=111607 Taguig University will have own campus in 2009] inquirer.net</ref>
 
==Tunggalian==
[[Talaksan:Bonifacio Global City contested between Taguig and Makati.svg|thumb|290px|Pagtutunggali ng mga lungsod ng Taguig at Makati sa Fort Bonifacio.]]
Kamakailan lamang ay may tunggalian ang Lungsod ng Taguig at [[Lungsod ng Makati]] sa hurisdiksiyon ng [[Fort Bonifacio]]. Ang base militar na ito ng [[Pilipinas]], na ang malaking bahagi ay na-convert sa isang modernong pangkalakalan ''(commercial)'' na tirahan at lugar nang pag-unlad, ay matatagpuan sa isang hindi siguradong lugar. Ang isang bahagi ng mga base, kasama na ang '''[[Libingan ng mga Bayani]]''' (Heroes' Cemetery) at ang [[Manila American Cemetery and Memorial]] ay matatagpuan sa Taguig, habang ang hilagang bahagi kung saan ang sentro ng pag-unlad ay matatagpuan, ay dating bahagi umano nang Makati. Noong 2003, isang desisyon nang isang hukom sa Pasig Regional Trial Court ang nagbigay ng hurisdiksiyon ng buong Fort Bonifacio sa Taguig, kasama na ang Fort Bonifacio Global City.
 
===Desisyon===
Binasura nang [[Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas|Kataas-taasang Hukuman]] noong 27 Hunyo 2008 per [[Leonardo Quisumbing]], ang apela nang [[Lungsod ng Makati]], na nagnanais na na pawalang-bisa ang espesyal na mga patente 3595 at 3596 na nilagdaan ni [[Fidel Ramos]] na nagbunsod sa Base Conversion at Development Authority nang pampublikong lupain sa [[Fort Bonifacio]], Lungsod ng Taguig. Dahil sa isang sibil na kaso na isinampa ng pamahalaan ng Taguig na humihiling sa hukuman na tukuyin ang mga hangganan ng teritoryo nit, hindi maaaring hadlangan ng Makati ang pangongolekta ng buwis ng Taguig sa mga lupa na matatagpuan sa Fort Bonifacio.<ref>[http://www.manilastandardtoday.com/?page=police2_june30_2008 Court junks Makati’s suit to nullify Ramos patents] manilastandardtoday.com</ref><ref>[http://www.supremecourt.gov.ph/jurisprudence/2008/june2008/163175.htm Binay v Taguig, G.R. No. 163175, 27 Hunyo 2008] supremecourt.gov.ph</ref><ref>[http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/metro/view/20080630-145531/Court-rules-against-Makati-in-property-dispute-case Court rules against Makati in property dispute case] inquirer.net</ref>
 
==Mga Lugar==
*'''[[Food Terminal, Inc.]] (FTI)''' - ang sentro ng negosyo na nagtataguyod nang higit sa 300 mga midyum na kompanya sa industriya nang paggawa ng pagkain, elektronika, kasuotan at mga serbisyo. Ang FTI ay nabili na ng Ayalaland Corporation at ito ay may pinalangalan nang Arca South.
*'''[[Bagong Lipunan Condominium]]''' - Itinayo noong panahon ni Marcos. Ang isa sa kauna unahang itinayo ni Marcos na Condominium na may Earthquake Proof.
*'''[[Camp Bagong Diwa]]''' - Ang kampo ay matatagpuan sa Bicutan, dito nakatayo ang punong-himpilan ng NCRPO, kompleks ng bilangguan at sentro ng rehabilitasyon sa pinagbabawal na gamot.
*'''[[Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (Pilipinas)|Kagawaran ng Agham at Teknolohiya]]''' - Isang maliit na kagubatan at parkeng pang eko-turismo sa Bicutan na mainam para sa mga aktibidad na pangkamping. Ito ang pambansang tanggapan ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya.
*'''[[Veterans' Museum]]''' - Museyo kung saan ang mga sanaysay ng digmaan ay makikita sa life-sized tableaus sa pamamagitan ng mga uri ng sining na may kaakibat na makabagong teknolohiya.
*'''[[The Blue Mosque]]''' - Isang lugar nang mga relihiyoso at pasyalan para sa mga Pilipino at banyagang Muslims sa Maharlika Village.
*'''[[Bantayog ng Bayani]]''' - Isang sa pagkilala sa mga bayani ng Taguig sa panahon ng [[Unang Digmaang Pandaigdig|WWI]] sa Fort Bonifacio.
*'''[[Shrine of St. Anne]]''' - Itinayo noong 1587 sa Sta. Ana, isa sa pinakamatandang simbahan sa Pilipinas.
*'''[[Dambanang Kawayan]]''' - Isang simbahan na may edad na isang siglo na gawa sa purong kawayan sa Tipas. Ito ay pinasinayaan bilang isang parokya noong 1969, na binubuo ng mga barangay ng Ligid-Tipas, Ibayo-Tipas, Calzada, at Palingon.
*'''[[Museo de Sta. Ana]]''' - Museyo sa Shrine of St. Anne. Isang lalagyan ng mga artifacts na nagdedetalye ng mayamang kultura ng pananampalataya at kasasysayan ng Taguig mula 1857.
*'''[[SM Aura Premier]]''' - Itinayo ito noong 2011 at nabuksan sa publiko noong May 17, 2013. Kauna-unahang SM na naitayo sa Taguig.
*'''[[Starmall Prima]]''' - Isa sa mga itinuturing na ''high-end mall'' sa lungsod na binuksan Agosto 2013. <ref>http://www.businessmirror.com.ph/index.php/en/features/properties/38845-starmall-prima-taguig-officially-opens</ref>
 
==Mga Barangay==
[[File:Ph fil taguig barangay.png|thumb|Mapa ng mga barangay ng Taguig|290px]]
Ang Lungsod ng Taguig pampolitika na nahahati sa 28 mga [[barangay]]. Noong Disyembre 2008, sampung bagong barangay ang ginawa sa lungsod matapos ang isang tagumpay na plebisiti sa bisa ng Ordinansa ng Lungsod blg. 24–27, 57–61, 67–69, at 78, Serye ng 2008.
<ref>[http://www.positivenewsmedia.ca/am2/publish/Main_News_1/Taguig_City_has_added_10_new_barangays.shtml Taguig City has added 10 new barangays] (Positive News Media)</ref>
 
{| class="wikitable"
|-
!colspan="3"|'''[[Distritong Pambatas ng Pateros-Lungsod ng Taguig#Solong Distrito|Unang Distrito]]'''
|-
! ''Barangay''
! Kapitan ng Barangay
! Populasyon (2007)<ref name=autogenerated1>[http://www.census.gov.ph/data/census2007/index.html Pinal na Resulta - 2007 Senso ng Populasyon]</ref>
|-
! align="center" |''Bagumbayan''
| align=center|Delio Santos
| align="right" |'''31,777'''
|-
! align="center" |''Bambang''
| align=center|Jaime T. Cruz Jr.
| align="right" |'''6,199'''
|-
! align="center" |''Calzada''
| align=center|Virgilio E. Maglipon
| align="right" |'''14,822'''
|-
! align="center" |''Hagonoy''
| align=center|Renato O. Gutierrez
| align="right" |'''14,748'''
|-
! align="center" |''Ibayo-Tipas''
| align=center|Erwin C. Mendiola
| align="right" |'''18,031'''
|-
! align="center" |''Ligid-Tipas''
| align=center|Mayfe V. Mañosca
| align="right" |'''7,839'''
|-
! align="center" |''Lower Bicutan''
| align=center|Roel O. Pacayra
| align="right" |'''44,088'''
|-
! align="center" |''New Lower Bicutan''
| align=center|Aurelio S. Padilla
| align="right" |'''35,798'''
|-
! align="center" |''Napindan''
| align=center|Rosanna R. San Pedro
| align="right" |'''11,623'''
|-
! align="center" |''Palingon''
| align=center|Jerome M. Mendiola
| align="right" |'''10,625'''
|-
! align="center" |''San Miguel''
| align=center|Vicente G. Espital
| align="right" |'''6,433'''
|-
! align="center" |''Santa Ana''
| align=center|Conrado A. Aquino Jr.
| align="right" |'''14,946'''
|-
! align="center" |''Tuktukan''
| align=center|Arsenio de Guzman
| align="right" |'''8,011'''
|-
! align="center" |''Ususan''
| align=center|Marilyn F. Marcelino
| align="right" |'''25,182'''
|-
! align="center" |''Wawa''
| align=center|Philip E. Buenaflor
| align="right" |'''8,662'''
|}
 
*Ilang bahagi ng '''Hagonoy''' ay napasailalim ng hurisdiksiyon nang bagong barangay '''San Miguel'''
*Ang '''Lower Bicutan''' ay nahati sa dalawa, ang isa ay tatawaging '''Barangay New Lower Bicutan'''
 
{| class="wikitable"
|-
!colspan="3"|'''[[Distritong Pambatas ng Lungsod ng Taguig#Solong Distrito|Ikalawang Distrito]]'''
|-
! Barangay
! Kapitan ng Barangay
! Populasyon (2007)<ref name=autogenerated1>Pinal na Resulta - 2007 Senso ng Populasyon</ref>
|-
! align="center" |[[Barangay Central Bicutan, Lungsod ng Taguig|'''''Central Bicutan''''']]
| align=center|Jennifer F. Alit
| align="right" |'''24,291'''
|-
! align="center" |[[Barangay Central Signal Village, Lungsod ng Taguig|'''''Central Signal Village''''']]
| align=center|Pat Henry A. Dueñas
| align="right" |'''31,364'''
|-
! align="center" |'''''Fort Bonifacio'''''
| align=center|Wilfredo S. Sayson
| align="right" |'''20,741'''
|-
! align="center" |[[Barangay Katuparan, Lungsod ng Taguig|'''''Katuparan''''']]
| align=center|Edgar Victor S. Baptista
| align="right" |'''14,885'''
|-
! align="center" |[[Barangay Maharlika Village, Lungsod ng Taguig|'''''Maharlika Village''''']]
| align=center|Yasser Pangandaman
| align="right" |'''16,474'''
|-
! align="center" |[[Barangay North Daang Hari, Lungsod ng Taguig|'''''North Daang Hari''''']]
| align=center|Lorenzo O. Fortuno
| align="right" |'''10,049'''
|-
! align="center" |[[Barangay North Signal Village, Lungsod ng Taguig|'''''North Signal Village''''']]
| align=center|Jesus J. Pullente
| align="right" |'''27,960'''
|-
! align="center" |'''''Pinagsama'''''
| align=center|Ma. Victoria M. Balidoy
| align="right" |'''32,777'''
|-
! align="center" |[[Barangay South Daang Hari, Lungsod ng Taguig|'''''South Daang Hari''''']]
| align=center|Ma. Lourdes E. Pagsisihan
| align="right" |'''15,119'''
|-
! align="center" |[[Barangay South Signal Village, Lungsod ng Taguig|'''''South Signal Village''''']]
| align=center|Michelle Ann M. Odevilas
| align="right" |'''33,697'''
|-
! align="center" |[[Barangay Tanyag, Lungsod ng Taguig|'''''Tanyag''''']]
| align=center|Cecille Teodoro
| align="right" |'''18,284'''
|-
! align="center" |[[Barangay Upper Bicutan, Lungsod ng Taguig|'''''Upper Bicutan''''']]
| align=center|Rosario C. Roldan
| align="right" |'''38,279'''
|-
! align="center" |[[Barangay Western Bicutan, Lungsod ng Taguig|'''''Western Bicutan''''']]
| align=center|Perlita B. Carmen
| align="right" |'''91,158'''
|}
 
*Ang '''Signal Village''' way hinati sa apat na mga barangay, '''Central Signal Village''' (orihinal na barangay), '''Katuparan''', '''North Signal Village''', at '''South Signal Village'''.
*Ang '''Bagong Tanyag''' ay hinati sa tatlong mga barangay, '''North Daang Hari''', '''South Daang Hari''', at '''Tanyag''' proper (orihinal na barangay)
*Ilang bahagi ng '''Upper Bicutan''' ay napasailalim ng hurisdiksiyon ng bagong barangay '''Central Bicutan'''
*Ang '''Western Bicutan''' ay nahati sa tatlong mga barangay, '''Fort Bonifacio''', '''Pinagsama''' at '''Western Bicutan''' (orihinal na barangay)
 
==Pamahalaan==
 
{| class="wikitable"
|-
! Posisyon
! Pangalan
|-
| '''Punong-Lungsod'''
| [[Lani Cayetano|Ma. Laarni "Lani" L. Cayetano]]
|-
| '''Pangalawang Punong-Lungsod'''
| [[Ricardo "Ading" Cruz, Jr.]]
|-
! colspan=2| '''[[Distritong Pambatas ng Pateros-Lungsod ng Taguig#Solong Distrito|Unang Distrito]]'''
|-
| '''[[Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas|Kinatawan]]'''
| Arnel M. Cerafica
|-
| rowspan=8| '''Mga Konsehal'''
| Gamaliel “Gamie” N. San Pedro
|-
| Jaime R. Labampa
|-
| Darwin Icay
|-
| Carlito M. Ogalinola
|-
| Ome Tanyag
|-
| Rodil C. Marcelino
|-
| Ferdie “Bro” Santos
|-
| Allan Paul Cruz
|-
! colspan=2| '''[[Distritong Pambatas ng Lungsod ng Taguig#Solong Distrito|Ikalawang Distrito]]'''
|-
| '''[[Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas|Kinatawan]]'''
|Pia Cayetano
|-
| rowspan=8| '''Mga Konsehal'''
| Arvin Alit
|-
| Ric Paul Jordan
|-
|Jaime Garcia
|-
| Jojo Eron
|-
| Amparo Maria Zamora
|-
| Noel Dizon
|-
|Yasser Pangandaman
|-
| Mher Supan
|-
| '''SK Federation President'''
| Ricardo R. Cruz IV
|}
 
==Demograpiya==
{{Philippine Census
| title = Senso ng populasyon ng <br> Taguig
| align = none
| 1903 = 6829
| 1918 = 8423
| 1939 = 12087
| 1948 = 15340
| 1960 = 21856
| 1970 = 55257
| 1975 = 73702
| 1980 = 134137
| 1990 = 266637
| 1995 = 381350
| 2000 = 467375
| 2007 = 613343
| 2010 = 644473
| 2015 = 804915
| 2020 =
| 2025 =
| 2030 =
| footnote= Source: [[Philippine Statistics Authority]]{{PH census|2015}}{{PH census|2010}}{{PH census|2007}}{{LWUA population data}}
}}
 
== Transportasyon ==
* Bus - Taguig na galing Navotas
* Jeepneys - Mula FTI pabalik o papuntang Guadalupe (Makati), Pasig, at Pasay.
* Tricycle- Kahit saang lugar sa Lungsod
 
==Mga Kawing Panlabas==
*[http://www.taguig.gov.ph/ Opisyal na Websayt ng Lungsod ng Taguig]
* [http://www.manilatimes.net/national/2004/dec/10/yehey/metro/20041210met12.html Taguig Cityhood Gets Comelec Approval] ''The Manila Times''
* [http://www.ops.gov.ph/records/eo_no256.htm “Executive Order No. 256: Declaration on the Effect of Special Patent No. 3596 and Establishing a Makati-Taguig Boundary Committee.”] Tanggapan ng Pangulo, Republika ng Pilipinas.
 
==Mga Sanggunian==
{{Reflist}}
 
{{Metro Manila}}
 
[[Kategorya:Mga bayan at lungsod sa Pilipinas|Taguig]]
[[Kategorya:Lungsod ng Taguig]]
50

edit