Algoritmo: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
fixed wrong informations
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
Nagdagdag ng karagdagang salin
Linya 1:
Sa sipnayan o ''mathematics'' at sa agham panpanuos o ''computer science'', ang isang '''algoritmo''' ay isang malinaw na pagdedetalye ng kung paano malulutasan ang isang klase ng problema. Ang mga algoritmo ay maaaring magsagawa ng kalkulasyon, pagproseso ng datos, at mga ''automated'' na pangangatwirang gawain.
Ang isang '''algoritmo''' ay pangkat ng mga hakbang na bumubuo ng solusyon para sa isang [[problema]]. Kadalasang ginagamit ang terminong ito sa [[agham pangkompyuter]] at [[matematika]].
 
Bilang isang epektibong paraan, ang isang algoritmo ay pwedeng ipakita gamit ang limitadong espasyo at oras at sa pamamagitan ng isang wikang malinaw at pormal para sa pagkalkula ng isang kabisa o ''function''. Simula sa isang paunang estado at paunang input (marahil ay walang laman), ang mga tagubilin ay naglalarawan ng isang pagtutuos o ''computation'' na, kapag ipinatupad, nagpapatuloy sa isang limitadong bilang ng malinaw na magkakasunod na estado, sa huli’y gumagawa ng isang “''output''” at nagtatapos sa isang huling estado. Ang paglipat mula sa isang estado papunta sa susunod ay hindi kinakailangang tiyak o ''deterministic''; ang ilang mga algoritmo, na kilala bilang algoritmong di tiyak o ''randomized algorithm'', inilalakip ang di tiyak o ''random'' na input.
Sa matematika at agham pangkompyuter, ang algoritmo ay isang matimping grupo ng mga isa-isang operasyon na isasagawa. May mga algoritmong gumagawa ng kalkulasyon, pagpoproseso ng datos, at awtomatikong pagdadahilan.
 
Ang konsepto ng algoritmo ay umiral na ng maraming siglo at ang paggamit ng konseptong ito ay maaaring nanggaling sa mga dalubbilang Griyego, hal. “Ang salaan ni Eratosthenes” o “''The Sieve of Eratosthenes''” at “Algoritmo ni Euclid” o “''Euclid’s Algorithm''”; ang terminong algoritmo mismo ay  nagmula sa ika-siyam na siglong dagubbilang na si Muḥammad ibn Mūsā al'Khwārizmī, na lumikha sa terminong ito na kung isinalin sa latin ay ‘Algoritmi’. Ang isang bahagyang pormalisasyon ng kung ano ang magiging modernong pagkaunawa ng algoritmo ngayon ay nagsimula sa mga pagtatangka upang malutas ang ''Entscheidungsproblem'' (ang "problema sa desisyon") na iminungkahi ni David Hilbert noong taong 1928. Ang mga kasunod na pormalidad ay nabalangkas bilang mga pagtatangka upang tukuyin ang "epektibong pagkalkula" o "epektibong paraan"; ang mga pormalisasyong ito ay kabilang sa ''Gödel–Herbrand–Kleene recursive functions'' ng 1930, 1934 at 1935, ''Lambda calculus'' ni Alonzo Church ng 1936, ''Formulation 1'' ni Emil Post ng 1936, at ''Turing machine'' ni Alan Turing ng 1936-7 at 1939.
Ang algoritmo ay isang epektibong paraan na maaring ipahayag ng may hangganan sa magagamit na espasyo at oras at sa isang pormal at may malinaw na pagbibigay kahulugang lenggwahe para sa pagkakalkula ng isang punsyon. Simula sa isang panimulang kalagayan at panimulang input (maaring walang laman), ang mga tagubilin ay naglalarawan ng isang kompyutasyon, na kapag isinagawa, ay magpapatuloy sa may hangganan at may malinaw na pagbibigay kahulugan sa sunud-sunod na mga estado, na kalauna’y gagawa ng “output” at magtatapos sa pangwakas na estado. Ang pagpapalit estado papunta sa susunod ay hindi kailangang matukoy, ang ibang algoritmo, kilala sa tawag na sapalarang algoritmo, na nagsasama ng sapalarang input..
 
== Etimolohiya ==
Ang konsepto ng algoritmo ay pumaimbulog ng ilang siglo subalit ang bahagyang pormalisasyon ng magiging modernong algoritmo ay nagsimula sa pagnanais na bigyang solusyon ang Entscheidungsproblem (ang ”pagpiling problema”) na ipinresenta ni David Hilbert noong 1834. Ilang pormalisasyon ang isinabalangkas bilang pagtangaka sa pagpaliwanag ng “epektibong pagkalkula” o “epektibong paraan”; kasama sa mga pormalisasyon na yun ay ang Gödel–Herbrand–Kleene recursive functions ng 1924, 1928, at 1931, ang lambda calculus ni Alonzo Church noong 1921, “Formulation 1” ni Emil Post noong 1914, at ang Turing Machine ni Alan Turing noong 1928-9 at 1935. Ang pagbibigay ng pormal na depinisyon ng algoritmo, na sumasangayon sa pangkaraniwang kaalaman, ay nanatiling mahirap na masolusyonang problema.
Nakuha ng salitang 'algoritmo' ang kanyang pinanggalingan sa pagsasalin sa latin ng pangalan ni Muhammad ibn Musa al-Khwarizmi sa unang hakbang sa ''algorismus''. Si Al-Khwarizmī ay isang Persyanong dalubbilang, astronomo, heographo, at iskolar sa Tahanan ng Karunungan o ''House of Wisdom'' sa Baghdad, na ang pangalan ay nangangahulugang 'ang katutubong ng Khwarezm', isang rehiyon na naging bahagi ng Greater Iran at ngayon ay nasa Uzbekistan.
 
Noong taong 825, isinulat ni al-Khwarizmi ang isang disertasyon sa wikang Arabe tungkol sa sistemang pamilang na Hindu-Arabic, na isinalin sa Latin noong ika-12 siglo sa ilalim ng pamagat na ''Algoritmi de numero Indorum''. Ang pamagat na ito ay nangangahulugang "Algoritmi sa mga numero ng mga Indiyano", kung saan ang "Algoritmi" ay ang latinisasyon ng tagasalin ng pangalan ni Al-Khwarizmi. Sa dulong medyebal na Latin, ''algorismus o'' 'algorism' sa Ingles, ang alterasyon ng kanyang pangalan, ay nangangahulugang "sistema ng numerong desimal". Sa ika-15 siglo, sa ilalim ng impluwensya ng salitang Griyego para sa palatuusan o ''arithmetic'' na ang ibig sabihin ay 'numero', ang salitang Latin na ito ay ginawang ''algorithmus'', at ang katumbas na termino nito sa Ingles na 'algorithm' ay unang ibinunyag noong ika-17 siglo; ang modernong kahulugan ay ipinakilala noong ika-19 na siglo.
 
Isinalin mula sa [[:en:Algorithm|https://en.wikipedia.org/wiki/Algorithm]]