Kasaysayan ng Pilipinas (1898–1946): Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m Ibinalik ang mga pagbabago ni 121.58.199.8 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni WayKurat
Tatak: Rollback
Linya 4:
==Unang yugto (1898-1935)==
 
Unang tumuntong sa kapuluan ng Pilipinas ang mga sundalo ng Estados Unidos noong 1898, subalit ang unang hakbang sa kanilang pamumuno sa Pilipinas ay nagsimula noong 1899, nang itinalaga ng [[Pangulo ng Estados Unidos]] na si [[William McKinley]] ang Unang Komisyon na pang-Pilipinas o Komisyon ni Schurman (''First Philippine Commission'' o ''Schurman Commission'') noong 20 Enero 1899, na nasundan ng iba pang mga Komisyon.<ref name=B1/>
sfjbsefseknfisnevmlsemg ggjrgolmdrkgvnmdkrm ljnrgolmdrlmndrgnlrdmg kdmnrom nlksm grlkmnldksmgjkrsgnkjlg klnkjgnmlk gnm /history/usrule/esdevs/ Economic and Social Developments], bansa.org</ref>
 
===Unang Komisyon (1899)===
 
Ang Komisyon ni Schurman o Unang Komisyon ng Estados sa Pilipinas ay isang komisyon na binubuo ng limang mga [[Estados Unidos|Amerikano]] at pinamunuan ni [[Jacob Schurman]]. Kabilang sa mga kasapi nito si [[Admiral Dewey]] at [[Heneral Otis]]. Layunin ng Komisyon na alamin ang kalagayan ng kapuluan. Kabilang sa ulat ng Komisyon, pagkaraan ng isang taon, na ang mga Pilipino ay naghahangad ng kasarinlan at kalayaan; at kabilang sa kanilang mga mungkahi ang (a) pagiging hindi pa handa ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng kalayaan at kasarinlan, (b) ang paglulunsad ng pamahalaang sibilyan sa halip na pinangangasiwaan ng isang [[gobernador na militar]], (c) pagtatatag ng [[lehislatura]]ng [[bikameral]] (ang lehislatura ay ang kapulungan ng mga tagapaglagda ng mga kautusan o batas), (d) paglulunsad ng mga pamahalaang mayroong awtonomiya sa mga antas na panlalawigan at pangmunisipyo, at (e) pagtatatag ng isang sistema ng walang bayad o libreng publikong mga paaralang pang-elementarya.<ref name=B1/>
 
===Ikalawang Komisyon (1900)===
 
Ang Ikalawang Komisyon ng Estados Unidos sa Pilipinas, na nakikilala rin bilang Komisyon ni Taft (''Taft Commission''), sapagkat ang pinunong komisyonero nito ay si [[William Howard Taft]] (si Taft rin ang unang gobernador na sibilyan ng Pilipinas), ay itinalaga ni McKinley noong 16 Marso 1900. Binigyan ito ng kapangyarihang gumawa ng mga batas (umabot sa 499 ang bilang ng mga batas na nagawa mula 1900 hanggang 1902) at ng kapangyarihang magpatupad ng mga batas, kabilang na ang paglulunsad ng isang sistemang panghukuman, ng serbisyong sibil, ng kodigong legal, ng kodigong munisipal, ng Konstabularyo ng Pilipinas bilang isang puwersang pambuong kapuluan (Hulyo 1901).<ref name=B1/>
 
Ang tatlong pangunahing mga haligi ng palatuntunan o programa ng pag-iwi ng Komisyong Taft sa Pilipinas ay kinabibilangan ng mga sumusunod: (a) kaunlarang pang-ekonomiya, (b) [[Edukasyon sa panahong Amerikano sa Pilipinas|edukasyon]], (c) paglulunsad ng mga institusyong kumakatawan o representatibo.<ref name=B4>[http://www.bansa.org/history/usrule/esdevs/ Economic and Social Developments], bansa.org</ref>
 
==Batas Organiko ng Pilipinas (1902)==
 
Noong Hulyo 1902, ipinatupad sa Pilipinas ang tinatawag na ''Philippine Organic Act'' (Batas Organiko ng Pilipinas) na maglulunsad ng nahalal na Kapulungan ng Pilipinas (Asamblea ng Pilipinas, o ang Mababang Kapulungan) at ng Mataas na Kapulungan na binubuo ng Komisyon ng Pilipinas na itinalaga ng pangulo ng Estados Unidos at may kakayahang magpasa ng batas hinggil sa mga [[Moro]] at mga taong hindi Kristiyano. Dahil sa batas na ito, umiral sa Pilipinas ang Tala ng mga Karapatan (''Bill of Rights'') na umiiral na sa Estados Unidos, at nakapagpapadala ang Pilipinas ng dalawang komisyonerong residente sa [[Washington, DC]] na luklukan ng [[pamahalaan ng Estados Unidos]] na dadalo sa mga sesyon ng [[Konggreso ng Estados Unidos]]. Naganap ang unang halalan para sa Mababang Kapulungan noong Hulyo 1907. Ginanap ang unang sesyon nito noong 16 Oktubre 1907.<ref name=B1/>
Nsf s nvsdj vndsnv dkv lcz zsfcsfsfsfvsxxvdxvxgg dr;io;ljrvcdrtesvtddr
 
Noong 1902, binuwag ng Batas Organiko ng Pilipinas ang katayuan ng [[Simbahang Katoliko|Katolisismong Romano]] bilang relihiyong pang-estado ng Pilipinas. Batay sa naging kasunduan sa pagitan ng pamahalaan ng Estados at ng [[Lungsod ng Batikano]], magkakaroon ng unti-unting pagpapalit ng mga prayleng Kastila na ang mga hahalili ay mga paring Pilipino at hindi Kastila, at ang pangunahing bahagi ng mga lupaing pag-aari ng mga prayle (na humigit-kumulang sa 166,000 mga hektarya) ay ipinagbili noong 1904 sa administrasyon ng Estados Unidos sa halagang US$7.2 mga milyon na ipinagbili naman pagdaka sa mga Pilipino.<ref name=B1/>
 
==Sistema ng politika==