Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Musikang klasiko"

walang buod ng pagbabago
m (Bot: Migrating 90 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q9730 (translate me))
Tatak: Binago sa mobile Pagbabago sa web gamit mobile
 
[[Talaksan:Cpasclassic2009.jpg|thumb|right|350px|Mga manunugtog na tumutugtog ng tugtuging klasiko.]]
 
Ang '''tugtuging klasiko''' ay isang napaka pangkalahatang kataga na pantukoy sa pamantayang [[tugtugin]] ng mga bansa sa Kanluraning mundo. Isa itong [[musika]]ng nilikha o kinumposisyon ng mga [[musikero]] na sinanay sa sining ng pagsusulat ng musika ([[kumposisyon]]) at isinulat sa [[notasyong pangtugtugin]] upang matugtog ng iba pang mga [[manunugtog]]. Maaari ring ilarawan ang '''musikang klasiko''' bilang isang '''musika ng sining''' o '''tugtugin ng sining''' dahil ang dakilang sining (kasanayan) ay talagang kailangan upang malikha ito at matugtog ito ng mabuti. Kaiba ang klasikong musika mula sa [[:en:Popular Music |musikang popular]] dahil hindi lang ito basta ginawa upang maging tanyag sa loob ng maikling panahon o maging isang tagumpay na pangkomersiyo. Naiiba ito mula sa [[tugtuging bayan]] (''[[folk music]]'' sa Ingles) na pangkalahatang ginagawa ng pangkaraniwang mga kasapi ng lipunan at natutunan ng panghinaharap na mga [[salinlahi]] sa pamamagitan ng [[pakikinig]] at [[paggaya]].
 
Ang musikang klasiko ay isang musikang pangsining na ginawa sa loob, o naka-ugat sa loob, ng mga tradisyon o kaugalian ng Kanluraning musikang liturhikal at sekular (pampananampalataya), na sumasaklaw sa malawak na panahon magmula tinatayang ika-9 daang taon magpahanggang sa kasalukuyang panahon.<ref name="Music 2007">"Classical", ''The Oxford Concise Dictionary of Music'', ed. Michael Kennedy, (Oxford, 2007), ''Oxford Reference Online'', napuntahan noong 23 Hulyo 2007</ref> Ang panggitnang mga gawi ng tradisyong ito ay naging panuntunan sa pagitan ng 1550 at 1900, na kilala bilang "panahon ng pangkaraniwang pagsasagawa".
253

edit