Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Pagpaparami"

m
walang buod ng pagbabago
m (orthography, replaced: {usbong → {stub, ksyon → ksiyon (14) using AWB)
m
Ang '''pagpaparami''' o '''reproduksiyon'''<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Reproduction'', reproduksiyon}}</ref> ay ang [[prosesong biyolohikal]] kung saan nalalalang o nalilikha ang bagong indibidwal na mga [[organismo]]. Isang pundamental na kasangkapang-katangian ng lahat ng nalalamang [[buhay]] ang reproduksiyon; umiiral ang bawat indibidwal bilang resulta o kinalabasan ng reproduksiyon. Malawakang pinangkat ang nakikilalang mga metodo ng reproduksiyon sa dalawang pangunahing tipo o uri: ang [[reproduksiyong seksuwal|seksuwal]] at ang [[reproduksiyong aseksuwal|aseksuwal]].
 
Sa reproduksiyong aseksuwal, maaaring makalikha o makagawa ng supling o anak ang isang indibidwal na hindi kinakailangan ang tulong ng isa pang indibidwal ng uri o espesyeng iyon. Isang halimbawa ng reproduksiyong aseksuwal ang dibisyon o paghahati ng isang selula ng [[bakterya]] upang maging dalawang anak na selula. Subalit hindi limitado o para lamang sa mga organismong uniselular o organismong may iisang selula ang reproduksiyong aseksuwal. Karamihan sa mga [[halaman]] ang may kakayahan o abilidad na makapagsupling sa pamamagitan ng paraang aseksuwal.
 
Nangangailangan ang reproduksiyong seksuwal ng tulong ng dalawang mga indibiduwal, karaniwang isa ng bawat isang [[kasarian]] o seks. Karaniwang halimbawa ng reproduksiyong seksuwal ang normal na [[reproduksiyong pantao]] o [[reproduksiyong humano]].
340

edit