Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Dakilang Constantino"

walang buod ng pagbabago
|patronage = Converts
}}
Si '''Caesar Flavius Valerius Aurelius Constantinus Augustus'''<ref>Sa [[wikang Latin|Latin]], ang opisyal na pang-imperyong pamagat ni Constatino I ay IMPERATOR CAESAR FLAVIVS CONSTANTINVS PIVS FELIX INVICTVS AVGVSTVS, ''Imperator Caesar Flavius Constantine Augustus, the pious, the fortunate, ang hindi nagapi''. Pagkaraan ng 312, idinagdag niya ang MAXIMVS ("ang pinakadalika"), at pagkalipas ng 325, pinalitan niya ang "hindi nagapi" ng VICTOR, dahil nakapagpapaalala ang ''invictus'' ng [[Sol Invictus]], ang Diyos ng Araw.</ref> (27 Pebrero c. 272<ref name=birthdate>Nag-iiba-iba ang mga petsa ngunit mas ginagamit ng makabagong mga historyador ang ''c''. 272". Lenski, "''Reign of Constantine''" (CC), 59.</ref>&nbsp;– 22 Mayo 337), karaniwang kilala bilang '''Constantino I''', '''Dakilang Constantino''', '''Constantino ang Dakila''', o (sa [[Silanganing Simbahang Ortodokso|Silanganing Ortodokso]], [[Ortodoksong Koptiko]], [[Oryental na Simbahang Ortodokso|Ortodoksong Oryental]] at [[Byzantine Catholic|Bisantinong Katolikong]] mga Kristiyano) '''San Constantino''', ay gumanap na [[Talaan ng mga Emperador ng Roma|Emperador Romano]] mula 306 AD, at siyang walang kumalabang tagapaghawak ng tanggapan mula 324 hanggang kanyang kamatayan noong 337 AD. Kilalang-kilala dahil sa kanyang pagiging unang [[Kristiyano]]ng Romanong emperador, binaligtad o tinanggal ni Constantino I ang mga pag-uusig na isinagawa ng kanyang pinalitang emperador na si [[Diocleciano]], at naglabas ng (kapanalig ang kanyang kasamang emperador din na si [[Licinius]]) ang [[Edikto ng Milan]] noong 313, na nagpahayag at nagdeklara ng tolerasyon ng relihiyon sa kabuoan ng imperyo.
 
Nakatala sina Constantino I at ang kanyang inang si [[Helena ng Konstantinople]] bilang mga santo sa Bisantinong kalendaryong liturhikal, na sinusunod sa ritong Bisantino ng Silanganing Simbahang Ortodokso at ng Silanganing mga Simbahang Katoliko. Bagaman hindi siya kabilang sa talaan ng mga santo ng [[Simbahang Latin]] (sa [[ritong Latin]]), na kumikilala sa iba pang mga taong may pangalang ''Constantino'' bilang mga santo, pinaparangalan si Constantino I sa pamamagitan ng pagdaragdag ng "Ang Dakila" sa kanyang pangalan dahil sa kanyang mga ambag sa [[Kristiyanismo]].
11,766

edits